•Peja• Tulog pa ang asawa ko nang magising ako, medyo nangangalay na ang aking braso, dahil nakaunan ito rito. Pero wala akong pakialam kung sumakit man iyon, basta makita ko ang maganda niyang mukha habang mahimbing na natutulog, ay okay na sa akin iyon. Masarap sa pakiramdam na makita ito sa ganitong anyo. Mahimbing itong natutulog, tila ba nagtitiwala ito na walang makapanakit sa kanya dahil nandito ako. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang pisngi, unti-unti itong nagmulat ng mata at tumingin sa akin. "Good morning, bibi ko," bati ko sa kanya, malapad naman itong ngumiti at tatayo na sana nang hinila ko siya pabalik sa aking bisig at hinalikan ang labi nito. Hindi nito tinugon ang aking halik, kaya inilayo ko ito sa akin. "Huwag mong simulan, Peja. Baka saan tayo mapunta. May tumat

