“You may be my doctor, Matteo. But don’t ever think you still have the right to want me.” Natigilan si Teo, nanigas ang kamay sa hawak na ballpen. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot, dahan-dahang nilingon ang babaeng nakahiga sa exam bed, na nakatingin din sa kanya. “I never stopped, that’s the problem.” mahina pero matatag ang tinig niya. Saglit na katahimikan. Ang hum ng fluorescent light lang ang naririnig, at ang sabay nilang mabilis na paghinga. Matteo cleared his throat, pilit na ibinalik ang boses sa pagiging clinical and professional mode. “We’ll proceed.” Binuksan niya ang drawer, sinumulan na mag suot muli ng bagong gloves. Kinuha ang speculum at sterile swabs. Sinikap niyang maging mekanikal ang bawat galaw, gaya ng libo-libong pasyente na dumaan sa kamay niya no

