Mabigat ang hangin sa loob ng law office habang pinag-uusapan nila ang custody case na inihahain ngayon ng magulang ni Rica para mabawi si Matthew kay Teo. Nakakalat ang maming file sa ibabang mahogany table sa loob ng meeting room ng law office ng abogado nila Teo. Mainit na ang tirik ng araw sa labas maiinit na din ang ulo ni Teo at ama nito habang kausap ang abogado. Panay naman ang buga ng hangin ni Tin dahil buti na lang naka kulong na si Tita Catherine nila kundi baka sumabog na ang utak nila sa daming problema. Nakatingin si Celestine sa kalat sa ibabaw ng mesa ang legal folders, petitions, at makakapal na binders na parang mapa ng digmaan. Amoy leather at lumamig na kape ang paligid na parang mas nakaka stress ng utak. Pakiramdam niya na susuffocate siya na naiinis. Sa isang side

