Mainit pero masaya ang paligid. Hindi maitago sa anyo ni Mat-mat na masayang-masaya ito. Maraming tao sa amusement park, nagtatawanan, may malakas na musika sa paligid, mga bubbles na lumilipad sa ere . Suot nina Teo, Tin, at Matthew ang matching family shirts na kulay yellow na may print na “Adventure Squad.” Nakaupo sila sa isang bench habang kumakain ng corndog at fries. Si Matthew, pawis pero super happy, nangingiti habang hawak ang maliit na stuffed toy na napanalunan ni Teo sa shooting booth. "Look at him, he doesn’t even get tired. We’ve been walking all day but he still looks like he wants another ride.” ani Celestine na pinunasan ng pawis ang bata at nilagyan ng towel sa likod. “He takes after me. Endless energy.” makahulugan na sagot ni Teo sabay kindat kay Tin na tumawa lang n

