"Pssst! psst!" napalingon si Matthew habang pinakakain ng yaya nito sa kusina pero halatang ayaw naman nito ng ulam pero hindi nito magawang tumangg. Sa loob ng lumipas na mga araw napansin niya ang mga bagay na gusto at ayaw ni Mat, sinadya niyang alamin at pasimpleng pag-aralan si Matthew. Kita niya kung paano ito pinalaki ni Rica, masyado itong takot sa mga tao. Malaki ang trust issue, hindi niya alam kung ano ang ipinasok ni Rica sa isip ng bata kung bakit ganun na lang ang takot nitong mag tiwala. Noon kinakausap pa siya nito pero ngayon kahit siya ayaw na din nitong kausapin. Madalas naka yuko pa ito, parang mas lalo pa nitong isinarado ang mundo nito sa kanilang lahat sapol ng malaman nitong patay na ang ina. Nag-aalala siya na kung mag papatuloy na ganun si Mat, baka hindi ma g

