Episode 15- Getting worse

1663 Words

Pakiramdam ni Teo hindi na naikot ang axis ng mundo niya simula ng umalis siya at iwan si Celestine, alam niya sa panahon na ganito dapat nasa tabi lang siya ng asawa niya. Dapat hindi siya umaalis dahil iyon ang tama at iyon ang dapat pero parang di niya kaya na makita ngayon si Tin, hindi dahil galit siya kundi dahil nasasaktan siyang isipin na possibleng anu mang sandali hindi na niya ito makita at maiwan na siyang mag-isa. Hindi na niya makikita ang mga tawa nitong kita na ang lalamunan. Hindi na niya maririnig ang mga joke nitong masakit sa tiyan at panga. Hindi na niya mararamdaman ang saya na ibinibigay nito sa kanya araw-araw. Lahat yun mawawala na kapag nawala na ito at wala man lang siyang ka idea-idea na hindi pala pang habang buhay niya itong makakasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD