"Goodmorning po Lolo, Mama May." bungad ni Tin ng pumasok siya sa bakery. "Hindi ka talaga marunong sabihan ano, hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi ko. Balik ka pa rin ng balik!" Angil ni Ben kay Tin. "Bakit kasi ayaw n'yo na lang akong tanggapin para hindi kayo laging galit sa akin, maiksi lang ang buhay lolo. Hindi ba puwedeng maging masaya na lang tayo." ani Tin na lumapit sa counter at ibina aang dalang pancake na niluto para sana sa almusal ni Teo kaso magdamag na siyang nag intay nag pag-uwi nito hindi ito umuwi. Nag luto siya ng almusal sa pag-asa na baka uuwi ito ng umaga ngunit hindi rin ito umuwi. "Para po sana kay Teo ito kaya ganyan ang hitsura kaso hindi po siya umuwi kagabi at ngayon umaga." "Hmmp! Baka nagsawa na rin sa’yo. Ganyan talaga kapag pinilit ang hindi da

