PINAINOM ng pampatulog at nang makatulog ay ibinaon sa tabing-dagat ang buong katawan na ang nalitaw lamang sa ibabaw ay ulo. Pinabayaan. Tumaas ang tubig sa dagat at nalunod. Upang hindi mapaghinalaang napagkatuwaan kaya namatay ay hinukay at iniahon sa pagkakabaon sa buhangin. Hinayaan lang hanggang sa may ibang taong makakita upang isipin na nalunod at aksidente ang nangyaring pagkamatay. Ganiyan ang pagkakakwento ni Lena kay Catherine habang umiiyak ito. Wala nang nagawa ang mga kaibigan nito para pigilan ito sa pagsisiwalat ng katotohanan sa pagkamatay ni Damian. Habang nakikinig si Catherine sa pagsasalaysay na iyon ni Lena ay wala ring patid ang pagluha niya. Napakabigat sa dibdib ng mga nalaman niya. Hindi niya maisip na makakayang gawin iyon ng grupo nina Georgina sa isang mabuti

