KAHIT papaano ay nakahinga nang maluwag si Julian nang malaman niya na hindi naman pala sinabi ni Lena kay Teacher Catherine na sila ang naging dahilan sa pagkamatay ni Damian. Kaya pala nito niyayakap si Lena ay dahil sa nag-share lang ng problena si Lena dito at kinomfort lang ito ni Teacher Catherine. Ngunit hindi pa rin siya mapakali. Paano kung gawin nga ni Lena iyon? Ang magsumbong. Paano kung dahil sa pagsusumbong nito sa ibang tao ay maging murder ang suicide na pagkamatay ni Damian dahil mabubuksang muli ang kaso nito? Ngayong nasa hustong edad na siya, siguradong makukulong na siya at hindi na makakatakas pa sa batas! At hindi naman niya iyon hahayaang mangyari. Sa kanilang magkakaibigan, si Lena lang talaga ang hanggang ngayon ay tila nakokonsensiya pa rin sa ginawa nila noong

