“FINALLY! Nandito na tayo!” Nagulat si Catherine sa sigaw na iyon ni Georgina. Dahil do’n ay nagising siya at nalaman niyang mag-isa na lang siya sa loob ng van. Nasa labas na pala lahat ng kasama niya. Napasarap ang tulog niya sa biyahe nila. Kinuha na niya ang dalang bag at lumabas na ng sasakyan. Kalat na ang liwanag sa paligid. Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo. Six-thirty na ng umaga. Medyo nagtaka siya dahil may nakita siyang pantalan sa hindi kalayuan. Bakit ganito ang pakiramdam niya? Parang nakapunta na siya sa lugar na ito. Tila minsan sa buhay niya ay tumapak na ang paa niya dito. “Teacher Catherine!” Naantala ang pag-iisip niya nang bigla siyang lapitan at tawagin ni Georgina. “Kumusta naman kayo sa biyahe? Tulog na tulog kayo, ah.” “O-oo nga, e. Medyo kulang din k

