PLANTSADO na ang lahat para sa reunion nina Georgina at ng mga kaibigan niya. Sa darating na weekend ay aalis na sila para pumunta sa isla kung saan dati ginanap ang outing nila noong fourth year high school sila. Ang isla kung saan namatay si Damian. Ayaw na sana niyang balikan ang parteng iyon ng kanilang nakaraan ngunit sadyang mapilit kanina si Lena. Pilit nitong isinisingit sa usapang ang tungkol sa pagkamatay ni Damian at sinasabi nitong kasalanan nila iyon, na dapat silang magbayad. Ano bang gusto nito? Makulong silang lahat? Mga teenager pa naman sila nang mangyari iyon. Hindi pa nila alam kung ano ba ang magiging resulta ng mga ikinikilos o gagawin nila. Isa pa, hindi naman nila kasalanan na tumaas ang tubig at nalunod si Damian. Kung alam lang sana nila, hindi na dapat nila itin

