LESSON 20

2298 Words

NAGISING si Lena sa pagtunog ng mumurahin niyang cellphone. Isang unknown number ang nakarehistro doon na tumatawag. Hindi siya sumasagot ng mga numerong hindi niya kilala kung sino ang may-ari kaya hinayaan lang niya iyon hanggang sa ang incoming call ay naging miscalled na lamang. Madilim pa sa labas. Gabi pa. Nagpapasalamat na rin siya sa kung sino man ang tumawag na iyon dahil nagising siya mula sa isang panaginip na matagal na siyang hindi tinatantanan. Apat na taon na kung tutuusin. Paulit-ulit na panaginip na halos memoryado na niya ang mangyayari. Paulit-ulit pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nababawasan ang takot at kilabot na hatid sa kaniya ng panaginip na iyon. Naglalakad daw siya sa dalampasigan isang gabi. Payapa ang dagat at malamig ang hangin na yumayakap sa kaniya. Bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD