“GEORGINA!!! Hello! We missed you!!!” Gulat na gulat si Georgina nang pag-uwi niya sa bahay nila mula sa pagsho-shopping ay sinalubong siya nina Celine at Roxy sa salas. Mahigpit siyang niyakap ng dalawa at nakipag-beso pa. “Roxy? Celine? Anong ginagawa ninyo dito? Hindi niyo man lang ako in-inform na magpapakita na kayo after four long years!” May himig pagtatampong sabi niya. “Gusto ka naming I-surprise. May surprise ba na magsasabi? Wala naman, right?” ani Roxy. “Kumusta ka na? You are right! Four long years tayong hindi nagkita-kita!” “Pwede bang umupo naman tayo? Ang sakit na ng paa ko, e!” reklamo ni Celine. “Sino ba naman kasi ang may sabi sa iyo na magsuot ka ng six-inch heels. Gaga ka pa rin talaga till now!” turan dito ni Roxy. Inirapan lang ito ni Celine. Magkakatabi silan

