“ALAM niyo bang bakla daw si Damian? Look at these pictures!” Napahinto si Teacher Catherine sa pagpasok sa classroom niya nang marinig niya ang sinabing iyon ng babae niyang estudyante sa mga kasama nitong dalawa pang babae. Nakatambay ang mga ito sa may gilid ng pinto sa labas kaya dinig na dinig niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakita niya na may hawak na picture ang estudyanteng nagsalita at alam niya kung ano ang nasa picture na iyon. Walang sabi na kinuha niya sa naturang estudyante ang litrato at pinagpupunit iyon. “Hindi ba’t kinausap ko na kayo kahapon tungkol dito? Na huwag niyong huhusgahan si Damian base sa mga litratong iyon? At bakit may picture ka pa niya? Kinumpiska ko na lahat iyan kahapon, a!” Tumiklop ang tatlong estudyante sa mga sinabi niya. “N-namigay po

