KANIYA-KANIYANG punta na sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ni Damian nang pumasok na si Teacher Catherine. Oras na kasi ng kanilang final exam. “Good morning, class!” Nakangiting bati sa kanila ng guro. “Good morning, teacher!” Magkakasabay na ganting-bati nilang lahat dito. “I hope na lahat kayo ay nakapag-review nang maayos dahil ako na ang magsasabi na hindi ganoon kadali ang magiging final exam ninyo. By the way, para naman ganahan kayo na makakuha ng mataas na marka sa lahat ng subject sa final exam ay may ia-announce ako ngayon.” Sandaling nag-pause sa pagsasalita si Teacher Catherine. “Kapag kayong lahat ay pumasa sa final exam ay magkakaroon tayo ng vacation sa isang beach dito sa Quezon!” Nagsigawan ang lahat sa sobrang saya dahil sa sinabi ni Teacher Catherine. Naiintind

