SAMPUNG minuto lang ang tinagal ng biyahe ng bangka na sinakyan nina Damian at narating na nila ang isla kung saan gaganapin ang outing ng kanilang section. Pagbaba ni Damian ng bangka ay humalik sa paa niya ang mabining hampas ng alon. Bahagyang lumubog ang paa niya sa buhangin at nakaramdam siya ng panandaliang kaginhawaan dahil doon. Namamanghang iginala niya ang ang mata sa kapaligiran. Hindi ganoon kalaki ang isla pero napakalaki niyon. Sa gitna at may kagubatan na mukhang hindi naman nakakatakot puntahan. Bagaman at hindi ganoon kaputi ang buhangin ay pino naman iyon. Wala rin siyang nakikitang basura. Mukhang napapangalagaan nang mabuti ang islang ito. May mga nakatayong tent sa hindi kalayuan at mangilan-ngilan lang ang mga tao. Nagtipon-tipon silang lahat sa may baybayin. Maya

