“TULONG!!! Tulungan niyo ako!!!” Halos mapatid na ang litid ni Georgina sa paghingi ng saklolo. Palapit na kasi nang palapit ang lalaing may hawak ng kutsilyo. Hindi niya makita kung sino ito dahil nakasuot ito ng maskarang kulay puti tapos may hood pa ang jacket nito. Itinodo na niya ang pagtili nang nasa harapan na niya ang lalaki. Tila nakikipagtitigan pa ito sa kaniya. “Get away from me! Or else… or else…” Hindi niya maapuhap ang sasabihin niya sa labis na takot. Kulang na lang ay maihi siya. “Or else ano?” sabi ng lalaki na tila nakakaloko. Malaki ang boses nito pero halatang hindi iyon ang totoo nitong boses. Sinadya nitong baguhin iyon. Bakit kaya? Para ba hindi niya ito makilala? At dahil doon ay nagkaroon siya ng hinala kung sino ito. Tinapangan ni Georgina ang tingin niya dit

