MASAYA si Damian nang sabihin sa kaniya ng guro nila na maaaring siya ang mag-valedictorian. Masaya siya hindi lang dahil siya ang nangunguna sa kanilang klase ngunit dahil na rin sa full scholarship na makukuha niya sa college school na gust niyang pasukan pagkatapos ng sekundarya. Malaki ang maitutulong niyon sa kaniya kaya naman hinusayan niya ang pag-aaral simula first year high school. Sa tingin niya kasi ay wala namang balak ang itinuturing niyang nanay na pag-aralin siya dahil wala man lang itong nababanggit tungkol doon kahit na ilang linggo na lang ay magtatapos na ang school year.
Ano nga ba ang maaasahan niya sa kaniyang “ina” gayong alam naman niya na sa simula pa lang ay hindi siya nito tunay na anak. Anak siya ng kabit ng asawa nito. Nang mamatay ang totoo niyang nanay noong limang taon siya ay kinuha na siya ng tatay niya. Dinala siya nito sa bahay nito at tumira siya kasama ang tunay nitong pamilya. Sadya nga yatang malas sa buhay si Damian dahil pagtuntong niya sa edad na sampu ay namatay naman ang tatay niya. Naiwan siya sa pamilyang hindi naman siya dapat kasali. Doon na niya naramdaman ang kalupitan ng asawa ng tatay niya at ng tatlong anak nito na puro lalaki. Literal na ginawa siyang alila ng mga ito. Sa murang edad niya ay nagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at gawaing bahay. Siya ang naglalaba, naglilinis ng bahay at kung anu-ano pa.
Kaya naman nang magkaroon siya ng trabaho noong second year high school siya sa isang patahian ay humiwalay na siya sa mga ito. Wala man lang siyang naramdaman na lungkot nang umalis siya. Inaasahan na naman niya iyon dahil nararamdaman na niyang gusto na talaga ng mga ito na umalis siya.
Ala-sais ng gabi hanggang alas dos lang naman ng madaling araw ang trabaho niya. Nakakatulog pa siya ng tatlo hanggang apat na oras bago pumasok sa eskwelahan. Tuwing Sabado at Linggo naman ay wala siyang pasok. Iyon ana ang pinaka pahinga niya sa nakakapagod niyang weekdays. Ngunit minsan ay nawawalan din siya ng pasok sa kaniyang trabaho kapag weekdays dahil sa madalas ding mawalan ng tela ang patahian. Mahirap ngunit kinakaya niya para sa kaniyang sarili lalo na’t wala na siyang ibang pwedeng asahan. Sa ngayon ay umuupa siya sa isang maliit na apartment na malapit trabaho at eskwelahan niya. Napili niya ang apartment na iyon dahil bukod sa mura ay malapit pa sa school at trabaho. Hindi na niya kailangang gumastos sa transprotasyon. Malaki rin ang natitipid niya dahil doon.
Hindi ikinahihiya ni Damian ang buhay na meron siya bagaman at hindi rin naman niya ipinagmamalaki lalo na’t marami ang humahanga sa kaniya. Bukod kasi sa masipag, matalino ay marami rin ang nagsasabi na gwapo siya. Sa edad niyang labing lima ay may taas na siyang limang talampakan at sampung pulgada. May tamang pangangatawan at maputing balat na namana niya sa kaniyang inang mestisa. Ang matangos na ilong, makapal na kilay, mapupungay na mata at manipis na labi ay sa ama naman niya namana. Kaya naman hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na marami ang humahanga sa kaniya sa school at kahit sa labas.
Ngunit sa kabila ng paghangang natatanggap ni Damian ay may inggit pa rin sa puso niya para sa iba niyang kaklase. Na-e-enjoy kasi ng mga ito ang kabataan habang siya ay hindi. Nakakagala ang mga ito, nagkakaroon ng mga kaibigan at karelasyon habang siya ay tutok sa pag-aaral at pagbabanat ng buto na kailangan niya talagang gawin upang mabuhay. Gusto rin naman niyang maranasan ang mga normal na ginagawa ng mga kabataang katulad niya pero ito na yata talaga ang tadhana niya-- ang magkaroon ng malaking pasanin sa edad niya.
Sa totoo lang ay may crush din naman siya sa school. Isa sa mga kaklase nila. Si Lena. Napakaganda kasi ni Lena. Simple, tahimik at mabait kahit na kaibigan nito ang itinuturing na school’s bully na si Georgina. Iyon nga lang, hanggang ligaw-tingin lang ang maaari niyang gawin sa dalagita. May nobyo na kasi ito. Si Julian. Wala siyang laban dito dahil sa bukod sa gwapo ay mayaman ito. Kuntento na siya na pasulyap-sulyap lang siya kay Lena.
“'Ayan. Ang gwapo mo na lalo, Damian!” Kinikilig na sabi ng baklang parlorista matapos siya nitong gupitan. Nilagyan na siya nito ng pulbo sa batok at pinagpagan ang buhok niya doon.
Wala siyang pasok sa trabaho kaya naman sinamantala na niya at nagpagupit na siya ng buhok. Dito na siya dumiretso pagkalabas niya ng school kanina. Medyo makapal na kasi iyon at baka masita na siya sa school. Isa kasi sa reulation sa CNHS na dapat ay clean-cut palagi ang buhok ng mga estudyanteng lalaki.
Napangiti si Damian habang nakatingin sa malaking salamin sa harapan niya. Nagustuhan niya kasi ang pagkakagupit nito. “Salamat, Ading.” Tumayo na siya at inabutan ng singkwenta pesos ang bakla.
“'Wag ka nang magbayad. Kiss na lang!” Ngumuso pa ito.
“Ikaw talaga, Ading. Alam mo naman na hindi po tayo talo. Sige ka, gusto mo bang mademanda sa kasong child abuse?” biro lang naman iyon.
Sumimangot si Ading nang tanggapin nito ang bayad. “Demanda agad? Sige na nga! Pero humanda ka sa akin pagtuntong mo ng eighteen! Gagahasain kita!” Biro din nito sa kaniya.
Natawa naman si Damian sa sinabi nito. “Grabe ka talaga, Ading!” naiiling niyang turan. Alam naman niya na nagbibiro lang ito. Palagi kasi siya ditong nagpapagupit at suki na siya nito.
“Ah, basta! Matitikman din kita--”
“Ano ba?! Matagal pa ba 'yang kwentuhan ninyo?” Isang lalaki na may malaking katawan ang biglang nagsalita. Ito iyong kasunod na gugupitan ni Ading. Matangkad ito. Sa tantiya niya ay nasa six feet ang taas ng lalaki. Nagmukha itong brusko dahil sa makapal nitong balbas at bigote. Mukhang nainip na ito dahil medyo nakabusangot na ang mukha.
Tinanguhan niya si Ading bilang senyales na asikasuhin nito ang sunod nitong gugupitan.
Nilapitan agad ng bakla ang lalaki. “O, ikaw na. Anong gupit ba gusto mo, pogi?”
Nang palabas na siya ng parlor ni Ading ay nagkasalubong ang tingin nila ng lalaki. Titig na titig ito sa kaniya kaya naman napayuko na lang si Damian at tuluyan nang lumabas.
Dahil sa wala siyang pasok ay nagtungo siya sa palengke para bumili ng pagkain. Kakasahod niya lang noong isang araw kaya may pambili naman siya. Limang kilong bigas at isang kilong karne ng baboy ang una niyang binili. Kasunod niyon ay ang patatas at ilog na isasahog niya sa lulutuin niyang adobong baboy. Kapag iyon kasi ang niluluto niya ay tumatagal ng ilang araw. Malaki ang natitipid niya.
Matapos iyon ay umuwi na siya. Nang makasalubong niya sa daan ang kaniyang landlady ay binayaran na niya ang upa niya para sa buwan na iyon. Ganoon ang ginagawa niya para hindi siya magkaroon ng utang sa upa. Basta magkaroon siya ng pera ay nagbabayad na agad siya.
Pagkauwi ay nagpalit lang siya ng damit at sinimulan na niya ang pagluluto ng adobong baboy. May lutuan naman siya na ibinigay ng landlady nila. Siya na lang ang bumili ng LPG. Dahil sa mag-isa lang siya ay tumatagal sa kaniya ng ilang dalawang buwan ang laman ng isang tanke.
Habang hinihintay niya na maluto ang ulam ay nagbuklat siya ng kaniyang notebook at nagbasa-basa ng mga pinag-aralan nila. Kailangan niyang magreview nang maigi dahil malapit na ang kanilang final exam. Kahit sinabi na sa kaniya ni Teacher Catherine na siguradong siya na ang valedictorian ay hindi pa rin siya nagpapakampante. Gusto niyang maging mataas ang makuha niyang grado sa final exam.
Ilang sandali pa ay luto na ang kaniyang adobong baboy. Ang pagsasaing naman ang isinunod niya. Nilinis na rin niya ang lamesa dahil naroon pa rin ang pinagbalatan niya ng sibuyas, bawang at patatas. Inilagay niya ang kalat sa kaniyang trash bin. Nakita niyang puno na pala iyon. Mamaya na lang niya itatapon bago siya matulog.
-----ooo-----
“GRABE! Busog na busog ako!” Palatak ni Damian pagkatapos niyang kumain. Sa sobrang busog niya ay parang inaantok na tuloy siya agad. Pero hindi naman siya pwedeng matulog ng busog.
Tiningnan niya ang ulam na natira niya sa kaldero. Marami pa at mukhang kaya pa niya iyong pagkasyahin sa loob ng dalawang araw. Naparami niya ang isang kilong karne ng baboy sa pamamagitan ng paglagay doon ng limang piraso ng patatas at tatlong piraso ng nilagang itlog.
Para sa kaniya ay masarap naman ang luto niya. Ang saya siguro kung matitikman ni Lena ang mga niluluto ko… aniya sa sarili habang ini-imagine na magkasabay silang kumakain ng babaeng hinahangaan. Ngunit sa ngayon ay malabo pang mangyari iyon. May Julian pa sa buhay nito at alam niyang mahal naman ng mga ito ang isa’t isa.
Niligpit na niya ang pinagkainan at hinugasan. Pagkatapos ay inumpisahan na niya ang pagre-review. Hindi na niya napansin ang paglipas ng oras. Nnag humikab siya ay doon lang niya naisipang tingnan ang oras sa maliit na orasan na nakasabit sa dingding. Alas-onse na pala ng gabi. Kailangan na niyang matulog dahil may pasok pa siya bukas sa school.
Humiga na siya. Medyo napapapikit na siya nang mapabalikwas siya ng bangon. “'Yong basura nga pala!” bulalas niya.
Tumayo siya agad at kinuha ang basurahan. Dala iyon ay lumabas siya ng kaniyang apartment. Iniwanan niyang bukas ang pinto dahil babalik din naman agad siya. Tinatamad kasi siyang i-lock iyon tapos magdala ng susi. Itinaktak niya iyon sa malaking drum sa labas. Doon ang ipunan nila ng basura. Tuwing Biyernes ay kinukuha naman iyon ng truck na siyang nangongolekta ng basura sa kanilang lugar.
Papasok na sana siya sa gate nang may maramdaman siyang parang may nakatingin sa kaniya. Nagpalinga-linga siya pero wala naman siyang nakitang tao. Nagkibit-balikat siya. Baka naman mali lang siya ng pakiramdam. Tuluyan na siyang pumasok sa kaniyang apartment. Naghugas siya ng kamay at humiga na para matulog.
Maya maya pa nga ay maririnig na doon ang mahina niyang paghilik…
-----ooo-----
ISANG pares ng mata ang palihim na nagmamasid kay Damian. Kanina pa niya sinusundan ang binatilyo. Simula nang lumabas ito sa parlor hanggang sa mamili ito sa palengke at umuwi ito sa apartment nito. Alam niyang mag-isa lang si Damian doon dahil halos isang buwan na niya itong sinusundan ng palihim.
“Mas lalo kang gumwapo sa gupit mo, Damian… Ano kaya ang pakiramdam na mahawakan ko ang balat mo? Ang maamoy ko ang bango mo?” Mahina niyang sabi habang nakamasid siya dito. Nagtatapon ito ng basura.
Ngumisi siya. “Magiging akin ka din… Malapit na. Malapit na malapit na!”
-----ooo-----
MAHIMBING na ang tulog ni Damian nang may maramdaman siya sa kaniyang pisngi. Parang may gumagapang na kung ano doon. Una niyang inisip ay ipis lamang kaya hindi na siya nag-abalang imulat pa ang mata. Kinamot na lang niya iyon at tinampal. Mula sa pagkakatihaya ng higa ay dumapa siya at nang makapa ang isang unan ay niyakap niya iyon.
Muli niyang naramdaman na parang may gumagapang sa kaniya. At sa pagkakataon naman na iyon ay sa kaniyang hita. Unti-unti niyang ibinukas ang kaniyang mata. Mula sa inaantok pa niyang diwa ay may nakita siyang tao na hinahaplos siya sa hita!
Napabalikwas tuloy siya ng bangon at tinakbo ang switch ng ilaw. Binuksan niya ang ilaw pero wala naman siyang nakitang kahit na sino. Napakabilis ng kabog ng dibdib niya. May nakita talaga siyang tao! Pero bakit bigla na lang itong nawala?
Saan ito nagpunta? Nakita niyang nakabukas ang bintana. Nagmamadali niya iyong isinara. Sa wari niya ay doon dumaan ang taong iyon at doon din ito lumabas nang malaman nitong nakita niya ito.
Nanginginig pa rin sa takot si Damian nang bumalik siya sa paghiga. Hindi mawala-wala sa kaniya ang takot. Magnanakaw ba ang taong iyon? Pero ano naman ang nanakawin nito sa kaniya? E, wala na nga siyang pera dahil nagastos na niya sa pagkain. Saka bakit hinahaplos siya nito sa hita?
Dahil sa takot ay hindi na niya nagawang bumalik pa sa pagtulog. Natatakot din siya na baka bigla itong bumalik. Mabuti na rin ang gising siya at alerto.
-----ooo-----
KINABUKASAN sa school ay hindi masyadong makapag-concentrate si Damian. Lutang pa rin ang utak niya dahil sa antok at pag-iisip tungkol sa nangyari sa kaniya. Bago siya pumasok sa eskwelahan ay sinabi niya sa kaniyang landlady ang nangyari. Ayon dito ay papalagyan nito agad ng extrang lock ang pinto at bintana niya sa kaniyang apartment.
Napansin yata ni Teacher Catherine ang pananahimik niya sa class discussion kaya naman tinawag siya nito.
“Okay ka lang ba, Damian? Ang tamlay mo yata ngayon…” anito.
Pilit siyang ngumiti. “Ayos lang po ako. Salamat,” sagot niya.
“Wow! Parang magjowa naman! Teacher-student affair!” Tumatawang turan ni Georgina. Dahil sa sinabi nito ay naghiyawan ang mga kaklase nila.
“Class, stop!” saway naman ni Teacher Catherine. “Georgina, hindi ka dapat nagsasalita ng ganoon. Hindi mo ba alam na pwedeng mapahamak ang pagtuturo ko dahil sa mali mong akusasyon?”
“It’s just a joke! Ang seryoso niyo naman masyado!” Walang galang na sagot nito sa kanilang guro.
Magsasalita pa sana si Teacher Catherine nang pumailanlang na ang bell. Hudyat na tapos na ang kanilang klase. “Okay, class… Class dismissed! Good bye sa inyo,” anito.
Tumayo na silang lahat at nagpaalam na rin dito. Gusto na niyang makauwi para makatulog siya kahit saglit bago man lang siya pumasok sa trabaho. Ang laki ng perwisyong idinulot ng taong nakapasok sa kaniyang apartment kagabi. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang lakas dahil sa hindi siya nakatulog ng maayos.
CLASS DISMISSED…