LESSON 04

2181 Words
“L-LENA?” Hindi makapaniwala si Damian nang makita niya si Lena sa may gate ng school. Pabalik kasi siya sa classroom nila dahil hindi niya makita sa bag niya iyong notebook niya sa English. Sa wari niya ay naiwan niya iyon sa kanilang classroom. Kay lakas ng kabog ng dibdib niya at pinagpapawisan ang kamay. Ganoon siya kapag tensiyonado. “Damian?” Kahit ito ay bahagyang nagulat nang makita siya. Tila hindi ito sigurado dahil madilim na rin naman. Mag-isa lang doon si Lena at nakasuot pa rin ito ng school uniform. Medyo nakabusangot ang mukha nito na para bang may nangyaring ikinainis nito. Bihira lang ang ganitong pagkakataon, 'yong makita niyang mag-isa si Lena. Madalas kasi ay kasama nito ang mga kaibigan nito o hindi kaya ay si Julian. Sweet na sweet nga palagi ang dalawa, e. Hindi sila nagkakausap sa school kahit pa magkaklase sila. Wala kasing nagtatangkang makipagkaibigan sa kaniya. May nagsasabi na nakaka-intimidate ang kagwapuhan at katalinuhan niya. Kung may atensiyon man siyang nakukuha sa iba niyang kaklase ay paghanga. Ang totoo niyan, ito yata ang unang pagkakataon na makakausap niya si Lena kaya naman kahit dinadaga ang dibdib niya at inaatake siya ng hiya ay pinaglabanan niya iyon. Humakbang siya ng kaunti para mas malapit siya sa babaeng hinahangaan. “A-anong ginagawa mo dito, Lena? Gabi na tapos mag-isa ka pa…” tanong ni Damian. Itinaas nito ang dalawang balikat. “Nagpapalipas ng inis. Ikaw ba?” “M-may nakalimutan ako sa room natin, e. Iyong notebook ko sa English.” Isang awkward na tawa ang pinakawalan niya na sinundan ng pagkamot sa likod ng ulo. Senyales na nahihiya siya. Ngayon lang din niya nalapitan si Lena ng ganito kalapit. Simple lang ang ganda nito. Sa apat na magkakaibigan, para sa kaniya ay ito ang pinaka maganda. Iyong ganda kasi nina Georgina, Roxy at Celine ay matatapang. Iyong kay Lena ay parang napaka bait nito. Nagatataka nga siya kung bakit naging kaibigan nito ang mga bully ng kanilang school. “Ganoon ba? Samahan na kita. Tinatamad pa naman akong umuwi, e.” “T-talaga?!” Nanlaki ang mata niya at napalakas ang pagsasalita dahil sa sobrang saya at excitement. “Ang ibig kong sabihin ay… talaga? Sasamahan mo ako?” Pinilit niyang gawing normal ang kaniyang pagsasalita. Tumango ito. “Oo. Tara na? Kaya lang, naka-lock 'yong, 'di ba?” “May susi ako. Hindi mo pa ba alam na binigyan ako ni Teacher Catherine ng duplicate kasi madalas akong maagang pumasok.” “Wow! Hindi ko alam iyon, ha. Pero ang galing mo naman. Nagtatrabaho ka na sa gabi pero nakakapasok ka pa rin ng maaga.” Nagsimula na silang maglakad papunta sa kanilang classroom. Mabagal lamang ang kanilang paglalakad na para bang sinasadya nila iyon upang makapag-usap ng matagal. Parang ang sarap tuloy hawakan ng kamay ni Lena habnag naglalakad sila at nagku-kwentuhan. Iyong parang ginagawa ng mga magkasintahan. “Time management lang iyan saka determinasyon…” Kinilig siya dahil alam pala nito ang tungkol sa kaniya. “Na punung-puno ka! Alam mo, Damian… ang swerte ng girlfriend mo.” Lihim siyang napangiti. “W-wala naman akong girlfriend, e.” “Seryoso? Ang gwapo at talino mo tapos wala?” Ikaw kasi ang gusto ko… Binulong na lang niya ang mga katagang iyon dahil hindi naman niya kayang sabihin dito. “Wala pa sa isip ko. Gusto ko munang makatapos ng pag-aaral,” bagkus ay iyon ang sinabi ni Damian. “Oo nga pala, bakit ka nga pala naiinis? Sabi mo kasi kanina ay nagpapalipas ka ng inis. Okay lang naman kung hindi mo sasagutin--” “Naiinis ako sa mga kaibigan ko. May ginawa sila na hindi ko nagustuhan. Hindi sa akin, ha. Sa ibang tao. Kaya naiinis ako sa kanila. 'Wag na nating pag-usapan. O, nandito na pala tayo, e…” turo nito sa pinto ng kanilang classroom. Hindi namalayan ni Damian na nasa tapat na pala sila ni Lena ng kanilang silid-aralan. Binuksan na niya iyon gamit ang dalang susi at nakita naman niya agad ang kaniyang nawawalang notebook. Nasa ilalim iyon ng kaniyang upuan. Nagpasalamat naman siya kay Lena dahil sinamahan siya nito. Magkasabay na rin silang lumabas ng school at kapwa sila nagulat nang salubungin sila ni Julian. Madilim ang mukha nito habang naninigarilyo. “Bakit mo kasama 'yan?” tanong ni Julian kay Lena. Bakas sa mukha ng lalaki ang galit. “Sinamahan ko lang siya sa classroom kasi--” “Nalingat lang ako saglit tapos may kasama ka na agad na ibang lalaki? Kaya ka ba nagpaiwan dito ay dahil makikipagkita ka diyan?!” Hindi na nagugustuhan ni Damian ang nagaganap. May takot siyang nababanaag kay Lena lalo na nang saklitin ni Julian ang kamay nito. Nais niyang makialam pero naisip niyang wala naman siyang karapatan. Ano ba naman siya sa buhay ni Lena, 'di ba? Kahit kaibigan ay hindi sila. “Julian, hindi!” Mabilis na tanggi ni Lena. “Nagkataon lang na dumating si Damian at sinamahan ko siya sa-- Aray!” igik nito nang hilahin ito ni Julian palapit sa kaniya. Tinitigan siya ni Julian sa mata na para bang naghahamon ito. “Ayokong nakikitang nilalapitan mo si Lena. Baka nakakalimutan mo? Girlfriend ko si Lena. Akin siya! At ayokong may umaaligi na ibang lalaki sa kaniya lalo ka na!” anito na may kasama pang panduduro. Upang hindi na magkaroon pa ng gulo ay hindi na lang siya sumagot. “Ano ba, Julian? Wala namang ginagawang masama si Damian! Tara na, umuwi na tayo!” ani Lena at hinila na nito palayo ang nobyo nito. -----ooo----- NAGMAMADALI sa pag-uwi si Damian dahil may tyansang ma-late siya sa kaniyang trabaho. Ngunit masaya pa rin siya dahil nakausap niya sa unang pagkakataon si Lena. Atleast, napatunayan niyang mabait pala talaga ito. Kahit medyo nagugutom na ay hindi na siya kumain. Pagkabihis ay umalis na siya at dumiretso sa kaniyang trabaho. Isa’t kalahating oras siyang late. Mabuti na lang at mabait ang amo niya. Alam kasi nito na nag-aaral siya kaya naiintindihan nito kapag minsan ay nahuhuli siya. Inspired na inspired siya habang nagtatrabaho. Binabalik-balikan niya iyong maikling sandali na nakausap niya si Lena. Hindi na lang niya iniisip iyon pagdating ni Julian. Hindi namalayan ni Damian ang oras. Nagulat na lang siya nang uwian na pala. Wala siyang matatawag na kaibigan sa patahian dahil wala siyang kaedad. Pero kasundo naman niya ang lahat. Kaya palagi siyang umuuwing mag-isa. Katulad ng madaling araw na iyon. Nilalakad lang niya mula trabaho hanggang apartment. Hindi naman siya natatakot dahil simula noong una ay naglalakad na naman talaga siya pero wala namang nangyayaring masama sa kaniya. Nang nasa apartment na siya ay doon na niya naramdaman ang pagod at gutom. Alam niyang may natira pa siyang sinaing kaninang umaga at ulam noong isang araw kaya naman may kakainin pa siya. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya nang pagbukas niya ng dalawang kaldero ay wala nang laman 'yong kanin at kakaunti na lang ang ulam. Bakit wala nang kanin? Hindi siya maaaring magkamali. May natira pa siyang kanin at iyong ulam ay marami pa. Pilit niyang inalala kung kumain ba siya kanina bago pumasok sa trabaho pero hindi niya naman matandaan. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Baka kasi kumain naman talaga siya pero hindi lang niya maalala. Hinubad na niya ang kaniyang sapatos, pantalon at t-shirt. Tanging brief lang ang natira niyang saplot sa katawan. Maalinsangan kasi kaya para makatipid sa electric fan ay ganoon na lang ang susuotin niya sa kaniyang pagtulog. Naghilamos lang siya at nag-toothbrush. Pagkatapos ay humiga na siya sa kaniyang higaan. Sa sobrang pagod ay ipinikit niya agad ang mata at nakatulog nang mabilis… -----ooo----- “HMM…” Ungol ni Damian nang maramdaman niya na may humahaplos sa kaniyang binti. Gumapang ang haplos pataas hanggang sa umabot iyon sa kaniyang p*********i. Sa sobrang pagod at antok niya ay hindi na niya iyon binigyang pansin. Ang nasa isip niya ay baka nananaginip lamang siya. Half awake na siya ng sandaling iyon. Tumagal ang haplos sa kaniyang p*********i. Habang tumatagal ay parang nare-realize niyang hindi na isang panaginip ang haplos. Parang… totoo na iyon. Nang maramdaman niyang may kamay na pumasok sa loob ng kaniyang brief ay doon na siya tuluyang nagising. Gulat na gulat siya nang may makita siyang lalaki na nakaupo sa tabi ng kaniyang kama. Nakapatong ang isang kamay nito sa kaniyang p*********i. Sa pamamagitan ng ilaw sa labas na pumapasok sa nakabukas na bintana ay kitang-kita niya ang bruskong mukha nito. Sa gulat niya ay hindi niya nagawa pang magsalita. Nagkatitigan pa sila ng lalaki. Pamilyar. Pamilyar ang mukha ng lalaki. Parang nakita na niya ito kung saan. Saan nga ba? Pilit niyang inalala hanggang sa… Tama! Ito iyong lalaking nakita niya sa parlor ni Ading! Iyong nagalit dahil sa nainip sa pag-uusap nila ng parlorista! Napalunok ng laway si Damian. Gumapang ang takot sa kaniya. Paano ito nakapasok sa apartment niya gayong naka-lock ang pinto. Kung sa bintana naman ay imposible rin dahil may grills iyon. “S-sino k-ka? P-papaano ka nakapasok dito?” Sa wakas ay nagawa na rin niyang makapagsalita. Titig na titig sa kaniya ang lalaki. Seryoso ang mukha nito at walang ekspresiyon. Napatingin siya sa kamay nito na nakapatong sa kaniyang p*********i. Pinalis niya iyon pero muli nitong ibinalik. Aalisin niya sana ulit iyon nang maglabas ito ng patalim sabay tutok sa leeg niya. Napahinto siya at hinayaan na lang ang kamay nito doon. “A-ano bang gusto mo? K-kung pera, nagkamali ka ng bahay na pinasok. W-wala akong pera--” “Hindi pera ang kailangan ko sa iyo, Damian…” Paanas nitong putol sa pagsasalita niya. Kilala siya nito! Alam nito ang pangalan niya! “Parang awa niyo na, huwag niyo po akong sasaktan…” Nilaro-laro nito ang kutsilyo sa kaniyang leeg. Marahan nitong pinagapang ang dulo niyon sa balat niya. “Sshhh… Hindi kita kayang saktan, Damian. Bakit ko naman gagawin sa iyon 'yon?” anito pa. “Ang gusto ko, sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masaktan. Naiintindihan mo ba?” Sa takot niya ay hindi agad siya nakasagot. Nakatitig lang siya dito. “Naiintindihan mo ba?!” bumulyaw na ito. “O-opo! Opo!” Natataranta niyang sagot habang tumatango. “'Yan. Ganiyan nga…” ngisi nito. Ipinatong nito ang kutsilyo sa maliit na lamesa sa tabi ng kaniyang kama. Sumampa na ito doon at pinaayos siya ng higa. Nang makita niyang papalapit ang labi nito sa kaniyang labi ay bahagya niya itong itinulak. “Ano pong gagawin ninyo?” Muli nitong kinuha ang kutsilyo at nanlaki ang mata ni Damian nang muli nitong itutok iyon sa leeg niya. “Hindi ka ba marunong umintindi?! Akala ko ba ay matalino ka! Papatayin talaga kita kapag lumaban ka!” banta ng lalaki. “Maawa ka po. 'Wag po…” Patuloy na pakiusap niya. “Hindi ka naman masasaktan, e. Mag-relax ka lang. Sumunod ka lang sa gusto ko, Damian…” Hinimas nito ang isang pisngi niya. Iniiwas niya ang mukha niya. Mariin nitong pinisil ang kaniyang baba at pilit na iniharap ang mukha niya dito. Walang pasabi na hinalikan siya nito sa labi. Mariin niyang itinikom ang kaniyang bibig dahil nagpupumilit ang lalaki na ipasok ang dila nito. Nang maramdaman niya ang malamig na talim ng kutsilyo sa kaniyang leeg ay nagpaubaya na siya. Napipilitan niyang ibinuka ang kaniyang bibig at hinayaang pumasok ang dila ng lalaki. Parang ahas na ginalugad ng dila nito ang loob ng kaniyang bibig. Nagsalo na ang laway nila. Habang marahas siya nitong hinahalikan ay panay naman ang himas nito sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan. Pikit-matang tinanggap ni Damian ang ginagawa ng lalaki sa kaniya. Sa gilid ng mata ni Damian ay nakita niyang inilagay ulit ng lalaki ang kutsilyo sa lamesa sa gilid ng higaan. Isang ideya ang pumasok sa kaniyang utak. Kailangan niyang makuha ang kutsilyo para may panlaban siya dito. “Ang tagal na kitang sinusundan, Damian… Matagal ko nang gustong gawin ito sa iyo…” anas ng lalaki sa pagitan ng paghalik nito sa kaniya. Bumaba ang halik ng lalaki sa kaniyang leeg. Sinipsip nito iyon at sinimsim. “Ang bango mo!” Labis ang pandidiring nararamdaman ni Damian. Sinulyapan niya ang kutsilyo. Palihim niyang inabot iyon ngunit hindi siya nagtagumpay dahil bumalik ang lalaki sa paghalik sa kaniyang labi. Binawi niya ang kamay sa takot na baka mapansin nito ang balak niya. Mukhang kailangan niya itong libangin. Kaya naman hinawakan ng isang kamay niya ang likod ng ulo nito at isinubsob nang husto ang labi nito sa labi niya. Nakipaghalikan na siya dito at nagkunwaring gusto ang ginagawa nila. Nang maramdaman niya na nalulunod na ito sa halik niya ay pasimple siyang umusog palapit sa kinaroroonan ng kutsilyo. Muli niyang sinubukan na kunin iyon at sa pagkakataong iyon ay naging matagumpay na siya. Mahigpit niyang hinawakan ang tanganan ng patalim at kinuha iyon. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD