UNTI-UNTING bumakas ang galit sa gwapong mukha ni Damian. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyong ginagamit niya sa paghiwa ng sibuyas.
“Anong karapatan mong sumama sa field trip ninyo at sa akin humingi ng pera, ha?! Sabihin mo sa akin, Damian, anong karapatan mo?!” Mataas at malakas ang boses ng Tita Azon niya-- ito ang tunay na asawa ng kaniyang tatay. Nagsabi kasi siya dito na nais niyang sumama sa field trip nila sa school at kailangan niya ng pera nang dumating ito sa kusina habang inihahanda niya ang mga rekados sa lulutuin niyang ulam. “Anak ka ng kabit ng asawa ko kaya wala akong obligasyon sa iyong tanga ka! Tapos kokonsensiyahin mo pa ako na isasama ko ang mga anak ko?! Malamang, tunay kong mga anak 'yon! Dapat nga ay magpasalamat ka na lang na kahit patay na ang asawa ko ay hinahayaan pa rin kitang tumira dito tapos libre pa!” Dinuro-duro pa nito ang ulo niya.
Simula nang mamatay ang tatay niya ay parang bigla siyang bumagsak sa impyerno dahil sa pang-aalila ng asawa at mga anak nito. Matagal na panahon na siyang nagtitiis sa kasamaan ng ugali ng mga ito ngunit ng sandaling iyon tila hindi na niya kayang magtiis pa!
Patuloy pa rin sa pagbubunganga si Azon. Tumiin ang bagang ni Damian. Hindi na talaga niya kaya ang masasakit na salitang ibinabato nito. Galit na galit na itinutok niya ang hawak na kutsilyo dito.
“Tama na! Tama na!” sigaw niya. Rumehistro ang takot sa mukha ni Azon. “Sawang-sawa na ako! Lahat na lang ng ginawa ko ay mali! Ayoko na dito!!!” sigaw niya habang tumutulo ang luha.
-----ooo-----
HAWAK na ni Damian ang kutsilyo habang patuloy pa rin ang lalaki sa paghalik sa kaniya. May luhang pumatak mula sa kaniyang mata nang maalala niya ang unang pagkakataon kung kailan muntik na niyang gamitin ang isang kutsilyo para manakit ng isang tao. Sa Tita Azon niya na asawa ng kaniyang ama. Ngunit hindi niya iyon itinuloy dahil natakot siya sa kalalabasan kung sinaksak niya ito. Ang ginawa na lang niya ay naglayas siya at namuhay nang mag-isa.
Ngayon ay may hawak na naman siyang kutsilyo at mukhang sa pagkakataong ito ay kailangan na niya talaga iyong gamitin. Hindi naman kasi siya makakapayag na magtagumpay ang lalaking ito sa gusto nitong gawin sa kaniya.
Diyos ko, tulungan Ninyo po ako. Patawarin Ninyo po ako sa gagawin ko, bulong ni Damian. Buo na ang desisyon niya. Lalabanan niya ang lalaki gamit ang patalim na nasa kamay niya!
Biglang huminto ang lalaki sa paghalik sa kaniya. Marahang pumaling ang ulo nito sa kamay niyang may hawak na kutsilyo. Nanlamig siya nang nakita niya ang pagbakas ng galit sa mukha nito.
“'Tang ina ka! Hindi ka marunong sumunod!” sigaw ng lalaki sa kaniya sabay suntok sa mukha niya. Sandaling dumilim ang kaniyang paningin.
Kinuha nito ang kutsilyo at itinapon iyon sa kung saan. Sinamantala ni Damian ang pagkakataon nang itapon iyon ng lalaki. Kahit nahihilo pa sa suntok ay malakas niyang sinipa sa tiyan ang lalaki. Tumilapon ito at nahulog sa higaan.
Tumakbo siya papunta ng pinto. Sisigaw na sana siya nang may panyong tumakip sa kaniyang ilong at bibig. May hindi magandang amoy ang panyo at nang pumasok iyon sa kaniyang ilong ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo at pagkahilo.
“Ayaw kong gawin ito sa iyo pero matigas ang ulo mo, Damian… Ngayon, akin ka na!” Humalakhak pa ang lalaki. Inalis na nito ang panyo sa kaniyang mukha.
Napahawak siya sa seradura ng pinto dahil nawalan na ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Unti-unti na siyang inaantok hanggang sa tuluyan na siyang matumba sa sahig. Nanlalabo na ang kaniyang mata at parang lahat ng nakikita niya ay natatakpan ng maninipis na ulap. May malay pa siya pero hindi na niya magawang maigalaw kahit na anong parte ng kaniyang katawan. Kahit nang buhatin siya ng lalaki at ibinalik siya sa pagkakahiga sa kama ay hindi na niya nagawang manlaban pa.
“'Waa…g p-po…” Kahit ang sarili niyang salita ay hindi niya maintindihan.
Mula sa nanlalabo niyang paningin ay nakikita pa rin niya kahit papaano ang ginagawa ng lalaki. Tuluyan na nitong hinila pababa ang kaniyang brief at naghubad na rin ito. Abot-langit ang kilabot na gumapang sa kaniyang katawan nang pumatong ang hubad na katawan nito sa kaniya. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa kaniyang balat. Pinagsawa ng lalaki ang sarili nito sa paghalik sa lahat ng parte ng kaniyang katawan. Nang magsawa ito ay pinadapa siya nito.
Gustong magwala ni Damian nang maramdaman niyang itinutok ng lalaki ang matigas nitong p*********i sa butas ng kaniyang pwet! Gusto niyang sumigaw, gusto niyang manlaban! Ngunit paano? Hindi siya makagalaw! Hanggang sa pilit na ipinasok ng lalaki ang p*********i nito doon. Tanging ungol na lang ang nagawa ni Damian nang tila napunit ang balat niya sa parteng iyon ng katawan niya. Halos mabaliw ang lalaki sa sarap habang siya naman ay kulang na lang ay mamatay sa labis na hirap!
Labag man sa loob at dahil sa wala na rin naman siyang magagawa ay hinayaan na lang niya ang lalaki sa gusto nito. Tinanggap na lang niyang nabigo siyang pigilan ito…
-----ooo-----
MASAKIT ang buong katawan ni Damian nang magising siya ng umagang iyon. Ngunit higit ang sakit sa kaniyang puwitan. Ang unang bagay na nakita niya ay ang wall clock. Alas diyes na ng umaga. Alam niyang umaga na dahil sa sikat ng araw na naglalagos sa nakabukas na bintana. Hindi na siya makakapasok nito sa eskwelahan dahil late na siya.
Napaluha si Damian nang maalala niya ang nangyari kaninang madaling araw. Hindi niya akalain at hindi niya matanggap na mangyayari ang ganoong bagay sa kaniya. Hiling niya na sana’y panaginip lamang ang lahat pero hindi nagsisinungaling ang mga ebidensiya na naganap talaga ang pambabababoy sa kaniya ng isang estranghero.
Marahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. May nakita siyang bahid ng dugo sa kobre kama at alam niya kung saan nanggaling iyon. Sa pagpikit ni Damian ng mata ay tila birong bumalik sa alaala niya ang tagpo kung saan pwersahang pinasok siya ng lalaki. Ipinilig niya ang kaniyang ulo ngunit ayaw mawaglit ng tagpong iyon sa kaniyang isipan.
Iginala na lang niya ang paningin sa kabuuan ng apartment. Salamat naman at wala na ang lalaki. Hanggang ngayon ay isang malaking palaisipan pa rin sa kaniya kung paano ito nakapasok.
Paika-ika siyang naglakad patungo sa pinto at sinigurong naka-lock iyon.
Matapos iyon ay tinungo niya ang banyo. Umupo siya sa toilet bowl at napangiwi siya dahil sa hapding naramdaman niya nang subukan niyang dumumi. Napansin pa niya na may kasamang dugo ang dumi niya.
Halos isang oras din ang ginugol ni Damian sa loob ng banyo. Tinagalan niya talaga ang pagligo. Nagkuskos at nagsabon siya ng mabuti dahil pakiramdam niya ay ayaw matanggal ng mga halik at haplos ng lalaking iyon sa kaniyang katawan. Imposible na nga yatang makalimutan niya ang kalunos-lunos na pangyayaring iyon. Habangbuhay na yata siyang babangungutin ng masamang alaalang iniwan ng kung sino mang hayop na gumawa niyon sa kaniya.
Ngunit ano nga ba ang nangyari sa kaniya?
Tama bang sabihin na ni-rape siya? Na ginahasa siya? Kung ganoon, hindi lang pala mga babae ang pwedeng ma-rape kundi pati na rin ang mga lalaking katulad niya.
Ano na nga pala ang susunod niyang gagawin? Magdedemanda ba siya? Magsusumbong sa mga pulis? Sasabihin ba niya sa mga ito na ginahasa siya? Pero paano kung pagtawanan siya ng mga ito? Maniniwala ba ang mga tao na ni-rape siya gayong isa siyang lalaki?
Puno ng lungkot si Damian nang tingnan niya ang sarili sa salamin na nakasabit sa dingding. Kita niya mula doon ang kalahati ng kaniyang katawan. May mga pulang marka siya sa leeg at dibdib niya. Mga kissmark na iniwan ng lalaking gumahasa sa kaniya.
Muling napaluha si Damian dahil sa labis na awang nararamdaman para sa sarili. Litong-lito na siya. Tuliro. Hindi niya alam ang gagawin.
-----ooo-----
NAKAHIGA lang si Damian sa higaan at nakatulala sa kisame. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa ganoong posisyon ngunit wala siyang pakialam. Matapos niyang maligo kanina ay humiga na lang siya. Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Isa na doon ay kung bakit sa kaniya pa nangyari ang bagay na 'yon. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa kaniya, sa mga kabaitang isinukli niya sa kapwa niya ay ganito pa ang nangyari sa kaniya.
Marahil ay walang pinipili ang kasamaan. Mabuti ka man o hindi kapag nakatakdang mangyari sa iyo ang isang bagay ay hindi mo na iyon maiiwasan pa.
Ang liwanag ay unti-unting nilamon ng dilim. Hindi man lang nakaramdam ng gutom si Damian kahit maghapon siyang walang kinain. Ramdam pa rin niya ang epekto ng ginawang pambabababoy sa kaniya.
Tumagilid siya at tumingin sa nakabukas na bintana. Naririnig niya mula doon ang mga tao sa labas. May nag-uusap, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Parang ang dali lang ng buhay ng mga ito. Walang kamalay-malay ang mga tao sa labas na heto siya at mag-isa, nagdurusa.
Napapitlag si Damian nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa kaniyang apartment. Hindi niya iyon binigyan pansin dahil sa pag-aakalang guni-guni lang niya iyon. Ini-lock naman niya kasi iyon kaya imposibleng may makabukas niyon. Hindi rin naman pumapasok ang landlady nila nang walang paalam.
“Kumain ka na ba?” Isang malalim na boses na lalaki ang narinig ni Damian.
Gulat na gulat siyang bumalikwas ng bangon. Nakita niya iyong lalaki na gumahasa sa kaniya. Nakatayo ito sa tabi ng kama at nakatingin sa kaniya. Sa isang kamay nito ay may dala itong plastic na kulay puti. Kung ano man ang laman niyon ay wala siyang ideya. Kaswal na kaswal lang ang pakikipag-usap nito sa kaniya na para bang matagal na silang magkakilala.
Nanginig ang buong katawan ni Damian dahil sa takot!
“Tulong--” Sisigaw sana siya pero mabilis na dumukwang ang lalaki at tinakpan ang bibig niya. Nabitawan nito ang hawak na plastic.
“Alam mo, Damian, kung balak mong sumigaw o humingi ng saklolo ay huwag mo nang ituloy.” Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa lalaki. May kinapa ito sa likod ng pantalon nito at isang kulay brown na envelope ang inilabas nito. “Tingnan mo ang laman nito!”
Gamit ang isang kamay ay inilabas ng lalaki ang laman ng envelope. Mga litrato kung saan makikita siyang nakahiga sa kama at walang saplot. Kitang ang kaniyang kahubdan. Ang iba naman ay kasama niya ang lalaki at magkahalikan sila. Ngunit alam niyang wala siya sa sarili sa kuhang iyon. Marami pang picture na nagpanginig ng kaniyang kalamnan. Malalaswa at talagang nakakahiya kung makikita ng ibang tao!
“Ang gagand ang kuha natin, 'di ba? Marami pa akong kopya niyan pero itinago ko. At alam mo ba ang gagawin ko oras na magsumbong ka sa iba o kaya ay suwayin mo ang gusto ko? Ipapakalat ko ito sa school mo, Damian! Ayaw mo namang sigurong mangyari iyon, 'di ba?” anito at marahan nitong inalis ang kamay mula sa pagkakatakip sa kaniyang bibig. “Sumagot ka! Ayaw mo namang gawin ko 'yon, 'di ba?!”
Tumango siya. “O-opo…” Naiiyak na naman siya sa takot ngunit pinaglalabanan na lang niya.
Hinaplos-haplos siya nito sa ulo. “'Yan… Ganiyan nga dapat, Damian. Maging masunurin ka lang sa akin at hindi kakalat ang mga larawan mo. Tandaan mo, isang mabuting estudyante ang tingin sa iyo ng lahat. Baka mawala pa ang scholarship na gusto mo para sa kolehiyo kapag nasangkot ka sa ganitong eskandalo…” pananakot pa ng lalaki.
“A-ano pa ba kasi ang gusto mo? Nagawa mo na ang gusto mo kagabi. Bakit hindi mo pa ako tigilan? H-hindi naman ako magsusumbong sa mga pulis. P-pangako.”
Tinitigan siya nito nang matagal bago ito sumagot. “Hindi lang iyon ang gusto ko, Damian. Ikaw… Ikaw ang gusto ko.” Lumipat ang kamay nito sa pisngi niya.
“A-ako?”
“Oo. Ikaw. Matagal na kitang gusto, Damian. Matagal na kitang sinusundan kaya alam ko na ang halos lahat-lahat sa iyo.”
Kumunot ang noo niya. “P-pero lalaki ka. Parehas tayong lalaki. 'Wag mong sabihin na…” Hindi niya magawang ituloy ang nais niyang sabihin.
“Bakla?!” Sa isang iglap ang naging mabalasik ang mukha ng lalaki. Sinakal siya nito nang mahigpit. “Ang gusto mo bang sabihin ay isa akong bakla?! Ha! May bakla bang ganito ang hitsura? Malaki ang katawan ang brusko! Nagkakagusto ako sa lalaki pero hindi ako bakla, Damian! Tandaan mo 'yan! Sabihin mong naniniwala ka sa sinabi kong hindi ako bakla!”
“N-naniniwala a-ako!” Hirapang sagot niya at saka lang nito pinakawalan ang leeg niya. Habol niya ang paghinga pagkatapos. Sa wari niya ay may sira sa pag-iisip ang lalaking ito. Hindi nito matanggap na isa itong bakla kahit iyon ang totoo.
“Mabuti naman kung ganoon. Basta, simula ngayon ay dito na ako titira. Ipagpapatuloy mo ang buhay mo nang normal. Papasok sa sa school at sa trabaho mo pero kapag nandito ka, akin ka, Damian! Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo at ayaw na ayaw kong susuway ka. Huwag kang mag-alala dahil may pera naman ako. Tutulungan kita sa gastusin mo. Pero huwag mong kakalimutan ang usapan natin… Oras na magsumbong ka, kakalat ang mga litrato!” Tumango na lang siya.
Umayos ng upo ang lalaki sa tabi niya. “Oo nga pala. Ako si Marco. Paensiya ka na kung hindi ko agad nasabi ang pangalan ko.” Inilahad nito ang kamay at saka ngumiti ng malaki. Tiningnan niya iyon nang may takot sa mukha. Alam niyang magagalit ito kapag hindi niya inabot ang kamay nito kaya kahit natatakot ay ginawa na lang niya. Pinisil pa ni Marco ang kamay niya.
CLASS DISMISSED…