“NEXT week na ang start ng ating final exam. 'Yong schedule ng exam ninyo sa bawat subjects ay ilalagay ko later sa bulletin board. Three days tatagal ang final exam. Monday to Wednesday. Morning ang pasok ninyo para may time kayo na mag-review sa hapon hanggang gabi. Galingan ninyo dahil malaking percentage ng final grade niyo ang kukunin dito. Good luck sa inyong lahat!” Kanina pa nagsasalita sa unahan si Teacher Catherine ngunit hindi iyon masyadong naa-absorb ng utak ni Damian. Nakatulala lang siya habang nakatingin ng lampasan sa guro. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga ang nangyayari. Paano ba naman siya makakapag-concentrate sa pag-aaral kung ngayon pa lang ay natatakot na siyang umuwi sa sariling apartment. Naroon pa rin kasi si Marco. Kung noon ay gusto na lagi niyang

