ILANG araw na lang at final exam na. Napapansin ni Teacher Catherine na parang wala palagi sa sarili at matamlay si Damian kapag nasa school ito. Hindi naman ito ganoon kahit na alam niyang nagtatrabaho ito sa gabi hanggang madaling araw. Humahanga nga siya dito dahil nakakapasok pa rin ito ng maaga sa kabila ng lahat. Kahit na sigurado siyang ito na ang valedictorian ay mas maganda pa rin naman kung mataas ang makukuha nitong grado sa final exam. Ngunit paano kaya niya ito mapapaamin sa tunay na dahilan kung bakit ito ganoon? Sa pagkakatanda niya, nang huling beses niya itong punahin dahil sa pagiging matamlay nito ay umiwas ito. Hindi nito sinabi ang dahilan. Sana naman ay magkusa itong lumapit sa kaniya at magsabi. “Class, final eaxm na natin next week at Sabado na bukas. Gamitin niny

