RYAN sighed. Mukha s'yang pagod at nag-aalala para kay Cal. Hindi ko maintindihan kung bakit dahil hindi naman sila close. Sa restaurant nga lang sila nagkita at pagkatapos ay hindi na nasundan. At least not that I am aware of. At talagang nagpapagulo sa isipan ko kung bakit s'ya ang nagdala kay Cal dito. Nagpunta ba s'ya sa bahay at hinanap ako? Pero madalas ay tumatawag s'ya sa akin bago at tinatanong muna kung nasaan ako. Narinig ko s'yang nagpakawala ng buntong hininga. "Galing ako sa inyo at hindi na nag-abalang tumawag." Ha? Pero weekday ngayon, alam n'yang nasa opisina ako. He is clearly lying to me. May itinatago s'ya sa akin. "Anyway, naabutan ko si Camille na pinagsasalitaan ng kung ano si Cal. Nabalitaan n'ya na kayo na at sumugod s'ya sa inyo. Hindi daw s'ya makakapayag na

