SIX weeks. I am six weeks pregnant. Galing kami sa OB Gyne kanina at maayos kami ng baby. Jay was over the moon at maging ako naman ay parehas ng nararamdaman. Hindi ako makapaniwala na sa paglalayas ko, mabubuntis ako ng amo ko. Well, amo na boyfriend na... basta! Simula noong maging kami ay hindi ko na naramdaman na boss ko s'ya o kaya naman ay yaya ni Mia. Kahit ang feeling na kasambahay ay hindi na rin. I felt like I was Jason's wife kahit hindi kami kasal. At ang pag-aalaga ko kay Mia ay hindi na trabaho kundi bilang isang tiya. Hinatid namin ni Jay si Mia sa eskwelahan bago kami nagpunta sa doktor at pagkatapos ay sa mall. Hindi ko maawat si Jay sa pagbili ng mga laruan at mga damit na iba't iba ang size. Akala ko noong una, ako ang shopaholic pero mas malala pa pala sa akin ang am

