HINDI pa ako nakakapunta sa Antonio's pero narinig ko na s'ya sa tv shows. Madalas rin itong ma-feature sa mga magazines at mga interview ng mga artista. It looks really classy at mukhang masarap rin ang pagkain ayon sa presyo nito. Ngayon na nagtatrabaho na ako at kumikita ng sariling pera ay natuto na akong tingnan kung magkano ang hawak ko at hindi dampot lang ng dampot. Ganoon yata kapag pinaghirapan mo ang pera at hindi iniabot o ibinigay lang sa 'yo. "May nakita ka ng gusto mo?" masuyong tanong ni Jay sa akin. Dahil walang kasama si Mia at Nanay Ida sa bahay ay hindi na nagpadrive si Jay kay Manong Jun. He was very quiet while driving at tanging musika lang ang maririnig mo sa loob ng kotse kanina. Nang makarating kami sa parking lot at maiparada ang kotse ay sinabihan pa n'ya ako

