Huli

1247 Words
Jacinto Lagdamana may-ari ng malaking pasugalan dito sa San Sebastian. At kahit pa ito ay ilegal ay walang nangangahas na ito ay pakialaman. Ang sistema ng pasugalan at pinipilit nyang umutang sa kanya ang mga tao saka niya gigipitin na ibigay ang mga ari-arian ng mga ito. At kapag hindi nito kayang bayaran ang pera na inutang sa kanya ay kailangan may maibigay silang kapalit nito. Marami nang naitala na nawawalang mga tao sa lugar at sa pasugalan ni Jacinto sila huling nakita. Ang suspetsa ng mga tao ay pinapatay nila ang hindi kayang magbayad sa inutang. Ngunit tahimik ang kapulisan sa ganitong mga pangyayari na tila ba bingi at bulag sa lahat. Ilang kaso na rin ang naidulog sa kanilang tanggapan ngunit wala pa rin silang aksyon para rito. Kapag pera ang kumilos, lahat ng mali ay nagiging tama. At lahat ng tama ay nagiging mali sa mga taong alipin ng salapi. Matiyagang nagmamasid si Spade labas ng pasugalan ni Jacinto Lagdamana habang naghihintay siya ng tamang oras upang pumasok sa loob. At magkunwari pang customer ng sugalan nila. Inayos n'ya ang suot na sumbrero at jacket nang makita siya ng tiyempo ay mabilis siyang bumaba sa motor niya. Pagdating nmni Spade sa gate ay kaagad syang sinalubong ng lalaking bantay sa labas. "Magkano?" tanong nito kay Spade. Lahat ng papasok dito ay tinatanong nila kung magkano ang hawak nilang pera. Kapag wala kang pera mas gusto nila upang umutang ka sa kanila hanggang sa mabaon ka sa utang. At ang kukunin nilang kapalit ay mas malaki pa kesa sa inutang mo. At kapag naman hindi ka nakabayad ay buhay ang sisingilin nila sa'yo. Nang masabi na ni Spade ang dala nyang pera ay ngumiti pa ang lalaki saka niluwagan ang bukas ng gate saka siya pinapasok sa loob. Malakas na ingay kaagad ang sumalubong kay Spade pagpasok pa lang niya sa loob. Maraming tao ang nagkakagulo sa pagtaya sa iba't-ibang uri ng sugal na makikita sa loob. Sigawan at tila ba mga nag-aaway. Hindi rin kaaya-aya ang amoy dahil sa naghalong amoy alak at usok mula sa sigarilyo. May mga taong mukhang hindi na naliligo Kulang na lang ay masamid si Spade habang naglalakad siya dahil sa halo-halong amoy. Nagkalat din ang ma lalaking nakasuot ng kulay itim na tuxedo na nagmamasid sa paligid. At nakabantay sa bawat mesa. Marahil ay ito ang mga tauhan ni Jacinto sa isip-isip pa ni Spade dahil ganito rin ang suot ng lalaking sumalubong sa kanya kanina sa labas ng gate. Nagmasid-masid siya sa paligid upang hanapin ang target. At kunwari na sumisilip sa bawat madaanan niyang sugal. Pero sa daming tao ay hindi niya magawang sumingit man lang. Lahat sila ay nagpapagligsahan sa pagtaya at paghahagis ng pera Muli siyang naglakad-lakad upang hanapin si Jacinto ngunit tila wala ang kanyang sadya. Inayos niya ang maliit na camera na nakakabit sa suot niyang jacket. Upang makita rin ni Flip ang mga nangyayari sa loob. Naglakad-lakad pa siya samay gawing likod upang magmatyag sa paligid. "Spade, nakapasok ka ba ng maayos?" tanong ni Flip sa dalaga. "Yes, Flip. Pero mukhang wala si Jacinto Lagdamana dito ngayon," pagbibigay alam ni Spade sa kausap. At halos pabulong lang ang kanyang pagsasalita dahil sa mga tao sa paligid. Hindi siya pwedeng mahalata ng mga kalaban dahil masisira ang kanilang plano. "Spade, hanapan mo ng magandang spot kung saan mo ilalagay ang device. Umikot ka pa para makita ko ang location," utos pa ni Flip. At kaagad naman sinunod ni Spade ang sinabi niya. "Spade, nakikita mo ba yung maliit na kahoy na cabinet?" Tiningnan ni Spade ang tinutukoy ni Flip. "Yes, Flip." Saka siya naglakad papunta sa kinaroroonan nito. "Good," narinig niya pang sabi ni Flip matapos niyang idinikit ang device rito. Muling naglakad-lakad si Spade upang humanap pa ng ibang pwesto kung saan ilalagay ang mga device na hawak niya. "Flip, hahanapin ko ang opisina ni Jacinto," paalam niya pa sa kausap. "Mag-ingat ka, Spade. Maraming mata sa paligid," bilin pa nito sa dalaga. "Sige, Flip." At humakbang na siya ng pasimple upang hindi mahalata ng mga tao sa paligid. Buo ang tiwala ni Spade na walang makakapansin sa kanya. Kaya naman walang takot na sinuong niya ang panganib. Palinga-linga pa siya habang naglalakad papunta sa taas. Mabuti na lang at walang CCTV na makikita rito. Kaya malaya si Spade kumilos. Halos walang tao na makikita rito dahil halos silang lahat ay sa sugalan sa ibaba. Maingat ang naging kilos ni Spade at pinapakiramdaman niya pa ang paligid kung may nakapansin ba sa kanya rito. May apat na kwarto na makikita rito sa itaas at hindi niya mawari kung alin ba dito ang opisina ni Jacinto. Muli siyang lumingon upang i-check kung may nagmamasid ba sa paligid. Nang masiguro na wala ay dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Dahan-dahan pa siyang sumilip sa loob at nang masiguro niya na walang tao ay dahan-dahan pa siyang pumasok. Wala halos gamit sa loob kundi mesa na kahoy at upuan na luma. Medyo makalat din ang paligid. Naglakad pa si Spade patungo sa mesa upang lagyan ang ilalim nito ng explosive device. Muling sinarado ni Spade ang pinto ng masiguro niya na hindi ito ang opisina ni Jacinto. "Spade, subukan mo yung pinakahuling pinto sa kanan," utos pa ni Flip sa kabilang linya. Kaya naman dali-dali pang sumunod si Spade na nakakaramdam ng kaba. Na baka mahuli siya ng mga tauhan ni Jacinto. Muli siyang lumingon sa paligid upang i-check kung may tao na ba? Muli ay sinubukan niyang pihitin nang dahan-dahan ang doorknob. At bukas ito. Sinilip niya ang loob at katulad ng unang pinto na binuksan niya ay hindi pa rin ito ang hinahanap niya. Mabilis niyang idikit sa gilid ng pader ang hawak niyang device. Mas lalo pang binilisan ni Spade ang kilos. At sa huling pinto na nabuksan niya ay dito na siya napangiti. "Spade, at last, " narinig niya pang sambit ni Flip. Nagmamadali ang bawat kilos ni Spade upang mailagay niya ng tama ang mga natitira pang device na hawak niya. Palabas na si Spade nang marinig niya ang yabag mula sa labas ng pinto. "Spade, okay ka lang?" "Flip, may tao—" napatigil si Spade sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto. "Pre, bilisan na natin at baka matakasan tayo sa baba," "Maghintay ka dyan. Tulungan mo akong hanapin ang pinapahanap ni Boss Lando!" Sabay pang napalingon ang dalawang lalaki nang may marinig silang kaluskos. Kaagad silang naglakad patungo sa gawi kung saan nila narinig ang kaluskos. Mabilis niling binunot ang kanilang baril. Samantalang halos hindi humihinga si Spde mula sa pinagtataguan niya. Halos maligo siya ng pawis dahil sa pangamba na baka dito na siya mailibing. Dahan-dahan pang naglakad ang dalawang lalaki sa pinagtataguan ni Spade. "Hoy! Anong ginagawa niyo rito?!" Sabay pang napalingon ang dalawa sa may pinto. "Lumabas kayo rito sa opisina ni bossing! Bago lang kayo? Labas!" "Opo, sir. P-pasensya na po. Akala po kasi namin—" Napapikit pa si Spade nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril. "Walang nabubuhay sa opisina ni boss, mga hangal!" Nang marinig niya ang pag sardo ng pinto ay kaagad siyang lumabas mula sa pinagtataguan, tumambad sa harap niya ang dalawang lalaki na wala ng buhay. "Spade, are you okay? Answer me!" "Oo, Flip—" "Umalis ka na dyan, now!" Agad naman sinunod ni Spade ang utos ni Flip. Dahan-dahan pa siyang lumabas ng pinto. "Sino ka?" tanong ng baritonong tinig mula sa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD