Hindi malaman ni Spade kung akong gagawin niya nang muling magsalita ang baritonong tinig. "H-hinahanap ko lang ang banyo. H-hindi pala rito," palusot niya pa habang nakatalikod pa rin.
Akma na siyang aalis ng bigla na lang hawakan ang braso niya. "Anong ginagawa mo sa pasugalan ni Jacinto Lagdamana? Anong alam mo tungkol dito?" tanong pa nito kay Spade.
Nang mapagtanto ni Spade na hindi pala ito isa sa mga tauhan ni Lagdamana ay hinila niya ang kanyang kamay at nagmamadali siyang tumakbo pababa.
"Flip, may nakita sa akin. Palabas na ako," sambit pa ng dalaga.
"Paanong—"
"Mamaya ko na sasabihin, nagmamadali na ako." At patuloy si Spade sa paglalakad ng matulin upang maiwasan ang lalaking sumusunod sa kanya.
Nang makabalik si Spade sa ibaba ay abala pa rin ang lahat. At dito pa lang siya nakahinga ng maluwag. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa pinto at buong akala niya ay naiwasan na niya ang lalaki sa taas pero muling may humawak sa braso niya.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Pwede tayong magtulungan," narinig na naman niya ang lalaki na nakahuli sa kanya kanina sa pinto ni Jacinto.
Hinarap ito ni Spade at natigilan pa siya nang makita niya ang gwapong mukha nito. Maganda ang kanyang mga mata at ganon rin ang kanyang labi.
Naalala niya ang sinabi ni Clove, walang démonyo ang nagtatago sa pangit na katauhan, lahat sila ay mukhang kahali-halina at kaaya-aya.
"Bitawan mo ako, kung ayaw mong sumigaw ako nang hindi na tayo makalabas dito ng buhay!" mahina ngunit mariin niyang sambit.
"Sino ka? H-hindi ako kalaban—"
"May problema ba?" sita ng isa tauhan ni Jacinto sa dalawa. At mabilis naman napukaw ang kanilang atesyon.
"W-wala naman. Akala ko kasi yung kaibigan ko," sagot pa ng lalaking sumusunod sa kanya.
Sinamantala ni Spade ang pagkakataon upang makatakas sa lalaki.
Mabilis niyang inalis ang kamay nito at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas upang makaalis na sa lugar na ito.
Mabuti na lang at tapos na ang kanyang misyon sa impyerno ni Jacinto. Napangiti pa siya ngunit hindi niya naiwasan na magtaka tungkol sa lalaking naka-engkwentro niya. "Anong ginagawa niya rito?" tanong niya pa sa sarili.
"Flip, palabas na ako."
Malapit na siya sa gate ng bigla na lang harangin ng limang tauhan ni Jacinto si Spade.
Sineyasan pa ng isang lalaki na kamkapan siya. Hinanda na rin ni Spade ang kanyang sarili sa kung anong pwedeng mangyari. Masyado silang madami at de kalibre ang mga baril nila na hawak. Kaya naman hindi nagpakita ng kahit anong takot ang dalaga.
"Saan ka pupunta?" tanong ng matangkad na lalaki kay Spade habang pinapalibutan siya ng apat na lalaki.
Pinakita ni Spade ang bulsa niya.
"Kukuha lang ako ng puhunan, malas ngayon,"pagsisinungaling niya pa.
Bigla naman tumawa nang malakas ang limang lalaki at nakitawa na rin si Spade sa kanila.
Dahil sa iksi ng wig na suot niya at damit niya, hindi siya napagkamalan na babae.
Tinapik pa ang balikat niya ng lalaki na nagtanong sa kanya kanina.
"Papanig din sa'yo ang swerte, bata. Paano ba yan, hihintayin ka namin ulit?"
"Pwede kang umutang kay bossing, kapag kailangan mo…." suhestiyon niya pa kay Spade. "Sa susunod, baka swerte pa ang ilalabas kong puhunan," tanggi pa nila Spade.
"Sige. Balik ka." At binuksan na nito ang gate upang tuluyan nang makalabas si Spade. Mabilis niyang tinungo ang kanyang motorbike.
"Spade, are you good?"
"Flip, muntik na tayo. May isang lalaki na nasa pasugalan ni Jacinto at tila nagmamanman. Magkita na tayo," putol niya sa tawag at nagmamadaling binuhay ang makina at saka pinahaharut palayo.
Mabilis narating ni Spade kung saan si Flip ngayon.
Sa isang bar siya pumunta kung nasaan naghihintay si Flip.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob upang hanapin si Flip.
At ang matanaw niya ito sa taas ay mabilis siyang naglakad patungo sa binata.
Kaagad siyang umupo sa tabi nito at saka siya nito inabutan ng alak.
Inabot niya ito at saka mabilis na tinugga ang bote ng beer.
"Muntik na tayo, Flip. May isang lalaki na nakakita sa akin," sabi ko pa habang abala si Flip sa laptop nito. "Kilala mo ba?" tanong niya ngunit sa laptop nakatingin. Sumilip ako sa ginagawa niya at abala pala siya sa mga device na nilagay ko sa pasugalan ni Jacinto.
"Done!" sambit niya pa. At saka hinarap si Spade.
"Sinong lalaki? Namukhaan ka ba niya?" Umiling-iling si Spade habang iniinom ang hawak niyang beer.
"Hindi," tipid niyang sagot sa binata.
"Bakit mukhang affected ka?" Biglang napatigil sa paglagok ng alak si Spade dahil sa sinabi ni Flip.
"Hindi ako affected, alam mong mahalaga ang bawat misyon natin, Flip. Hindi ibang tao ang maniningil sa mga Lagdamana, kundi ako lang!" At saka niya inubos ang hawak na alak.
"Possible kayang pulis siya?" tanong pa ni Flip. Nagkatinginan pa silang dalawa.
"Possible…"
Nagtagal pa sila ng ilang minuto bago nagkayayaan na umuwi.
Sa opisina sila ni Clove nagtuloy upang ilatag ang magiging plano para sa iba pang Lagdamana. Dahil ang plano kay Jacinto ay naka-set up na.
"Spade, how's your job, earlier?" tanong ni Clove pagpasok nila sa opisina nito kung saan naghihintay sa kanila ito at si Matias.
"Good. Pero muntik na akong mahuli kanina." Tumango-tango pa si Clove ngunit mababakas ang disappointment sa mata niya.
"I'm sorry, Clove. Hindi na mauulit pa, " hinging paumanhin niya.
"You know me, Spade…" makahulugan pa niyang sambit.
"I hate losing," dugtong niya pa.
"Yes, Clove!" sagot ni Spade sa babae.
"Matias, now," utos niya pa.
Sabay-sabay nilang pinanood ang nasa malaking screen sa harap.
Isang underground laboratory ng mga Lagdamana.
At hindi nakapagtataka kung bakit hindi natutunton ito ng pulisya. At maging ng mga PDEA, dahil sa ilalim pala ng lupa nila ginagawa ang mga illegal drugs.
"Isa ito sa mga laboratory ng mga Lagdamana. Ilang taon na nag-ooperate ang pagawaan nila. At hindi nakakapagtaka kung bakit laganap ang drogá sa San Sebastian dahil sila pala mismo ay may pagawaan nito.
Chinese at Nigerian national ang gumagawa ng ipinagbabawal na gamot," patuloy ni Matias habang nakikinig ang lahat.
"Zhao Lee, isang Chinese Chemist, isa sa kasapi ng underground laboratory ng mga Lagdamana. Madalas siyang nasa bar ni James Lagdamana," tinitigan mabuti ni Spade ang mukha nito.
At sunod naman ay isang n***o ang pinakita ni Matias sa kanila.
"Jordan Nnadi, isang Nigerian Chemist, isa siya sa most wanted sa bansa niya dahil sa paggawa ng mga illegal drugs at mga bomba.
Spade, madalas na magpunta sa mga Casino si Nnadi.
Kailangan natin natin silang alisin sa landas ng mga Lagdamana dahil patuloy ang paglaganap ng drugà at tuloy ang pagyaman ng mga Lagdamana," paliwanag ni Matias sa kanila.
Tumayo si Clove mula sa kanyang kinauupuan.
"Spade, sasamantalahin natin ang pagkakataon sa pagluluksa nila sa pagkamatay ni Jacinto Lagdamana. At magugulat na lang sila na, unti-unti nang nawawala ang mga pinaghirapan nila,"
wika pa ni Clove.
"Flip, mas lalo mo akong pinapahanga. Tiwala ako na maganda ang magiging resulta ng trabaho niya kanina," puri niya pa.
"No worries, Clove, everything is under my control." At si Spade naman ang binalingang ni Clove.
"I'm expecting more from you, Spade. I hope na magagawa mo ito ng maayos, wag mong kakalimutan na isa siyang , LAGDAMANA…." mariin pa ang pangkakabigkas niya.
"Mark my word, Clove, wala akong bubuhayin ni isa sa kanila," seryoso pang tugon ni Spade habang nakatingin sa mga mata ni Clove.
"Rest well, for tomorrow is our first victory!"
Tumango-tango naman ang dalawa at saka mabilis lumabas ng opisina ng leader ng Quercus Organization habang naiwan pa rin si Matias sa loob.
"Clove, ito na ang simula nang tagumpay natin!" nakangiti pang sambit ni Matias.
Ngumiti lang si Clove habang nakatingin kay Matias.
"I know. Tayo ang kukuha ng hustisya para sa pamilya natin. Wala tayong ititira sa kanila! Ipaparamdam ko sa kanila ang sakit ng mawalan ng asawa at mga anak. At pati na rin sa pagkawala ni Catherine!"
Galit na galit na sigaw niya na halos dumagundong sa loob ng opisina niya.
"Kailan mo sasabihin kay Spade ang totoo?" tanong ni Matias.
Biglang natigilan si Clove sa naging tanong ni Matias sa kanya. Tumingin siya rito. "Walang malalaman si Spade…." sambit niya at saka naglakad palayo.
"Wala kang malalaman, Alima," bulong niya sa sarili.