UMUWI ng maaga si Nickson para makausap si Olive. Pinuntahan niya kaagad ang asawa niya sa kuwarto nito. "Asawa ko, please open the door," pakiusap ni Nickson habang kumakatok sa pinto. Nag-antay pa siya ng ilang minuto pero walang sumasagot o bumikas ng pinto. Pinihit niya ang door knob. Nagtataka siyang hindi na iyon na nakalock. Pumasok siya sa loob nang kuwarto ng asawa niya. Wala sa loob si Olive. Pumunta siya ng banyo pero wala pa rin ito r'on. Nilapitan niya ang closet at binuksan. Nakahinga siya nang maluwag na kompleto ang mga damit ni Olive. Dali-dali na lumabas siya sa kuwarto ng asawa at diretsong pumunta sa parking lot. Naisip ni Nickson na baka umuwi ito sa magulang nito para magpalamig at para huminga nang sama ng loob. Kaya inistart na niya ang makina ng kanyang kotse at

