MATAMLAY na bumangon si Olive at pumunta ng banyo para maligo. Wala siyang ganang pumasok. Masamang-masama ang loob niya dahil sa asawa niya. Kung asawa pa bang matatawag. 'Di na sila nagkikita ni Nickson sa bahay. Maliit lamang ang bahay nila at kakalog-kalog sila sa loob, pero 'di pa rin sila magkita. Nahihirapan man siya sa sotwasyon nilang dalawa at sa pagsasama niya. 'Di siya bibitaw. Hindi siya magagalit, hihintayin niyang magsabi ang asawa niya ng problema nito. Puwede pa naman nilang maayos ang lahat. Magtutulungan silang dalawa, iyon sila bilang mag-asawa. Magkaramay sila sa lahat, sa saya at sa lahat ng hirap. Maging sa pagsubok man. Bumaba na si Olive sa kusina pagkatapos maligo. Halos wala na talaga siyang kasama sa bahay nila. Mag-isa na lamang siya. Umupo siya sa stool, nak

