NAKATULOG si Nickson sa sopa habang nagkalat ang mga basyo ng bote sa sahig. Uminom na naman ito buong magdamag. Napapabayaan na niya ang kompanya. Ang Daddy na muna niya ang pansamantala na humahawak ng kompanya nila. Dahil sa kawalan ng gana ni Nickson na magtrabaho. "Nickson, anak. Gumising ka," tapik ni Nieves sa pisngi ng nag-iisang anak. Nagmulat ng kanyang mga mata si Nickson at umupo ito. Umupo rin si Nieves sa tabi ng anak niya. "Mom, what are you doing here?" tanong ni Nickson sa ina. Halos ayaw nitong tumingin sa mga mata nito. Bakas ang mga pag-iyak niya sa kanyang mga mata. Namamaga at nangingitim din ang paligid ng mga mata niya. "Pinababayaan mo na ang sarili mo. Nag-aalala na kami ng Daddy mo. Kaya pinapuntahan ka niya sa akin dito sa bahay mo," sagot ni Nieves na may lu

