DINALA nina Omar at Ely ang kaibigan sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa. Nang makapasok sa loob ay inihiga nila ito sa kama. "Iiwanan ba natin si Nickson? Walang kasama siya rito. Umalis na si Olive," tanong ni Ely. "Hayaan mo siya. Kasalanan naman niya 'yan. Kung bakit nangyayari ang mga ito. Kung mahal niya ang asawa niya dapat hindi siya naglilihim. Tingnan niyo ilang buwan palang silang nagsasama ng asawa niya. Nilayasan kaagad siya. Miserable na ang buhay niya." "Hahayaan mong maging miserable ang kaibigan natin?" tanong ni Peter. "Hindi sa ganoon. Alam ko na kaya ni Nickson na ayusin ang lahat. Mahal niya si Olive. Ipakita niya na mahal nga talaga niya si Olive at 'yong Crissa na iyon. Alam kong dadating ang oras na mabubuko natin ang babae na iyon. At kapag nangyari iyon. Magtag

