PAUWI na si Olive mula sa grocery. Nagpahatid lang siya kay Reine sa store para mamili ng mga stocks nila. Napatigil siya sa paglalakad nang may humarang sa kanya na dalawang sasakyan. Mula r'on ay lumabas ang limang lalaki at naglakad palapit sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tiyempo naman na walang tao na dumadaan. Sino ang puwede niyang hingian ng tulong? Nahintakutan si Olive at napaatras. "Ma'am, sumama po kayo sa amin para hindi na kayo masaktan pa," sabi ng isang lalaki na may bonet sa ulo. Nang makalapit ang mga ito at pinalibutan siya. Sinuyod niya ng tingin ang mga lalaki. Sa itsura ng mga ito parang papatay ng tao. May mga nakasukbit na baril sa tagiliran nila at pawang mga kulay itim ang suot. Hindi niya makilala dahil sa may suot na bonet ang mga ito. "Huh? Baki

