Naglalakad paroo’t parito si Ruthanya sa loob ng sala, at maya’t maya kung tumanaw sa gate na nakikita niya mula sa loob ng bahay dahil iniwan niyang nakabukas lang ang pinto. Sumulyap siya sa relong nakasabit sa pader. Maghahatinggabi na pero hindi pa rin umuuwi si Luther. Gusto niya itong kausapin. Gusto niyang ipaalam na rito ang tungkol sa mga anak nila. Sampung taon din nitong hindi nakilala ang mga anak nito, at oras naman na sigurong malaman nito ang tungkol kina Apollo, Ares, at Artemis total naman ay kusa nang sumugod ang mga bata sa Pilipinas at nagpasama pa kay Mrs. Lambert at Frank para puntahan siya sa Santa Catalina. Ang sabi ng mga anak niya ay na-miss lang siya ng mga ito. Pero may kutob siyang may iba pang dahilan ang tatlo sa biglaang pagsulpot ng mga ito. Hindi pa alam

