Lumabas ng gusali si Ruthie at naupo sa pahabang bangko malayo sa mga tao. Huminga siya nang malalim at matagal na tinitigan ang screen ng hawak niyang cellphone bago pinindot ang numero ng ama niya. Habang pinakikinggan ang tunog ng ring ay nanginginig ang mga kamay niya. Your father told me that you died, and that the baby in your womb died with you, too. Bakit sinabi ng ama niya kay Luther na patay na siya? Paano nito nalamang si Luther ang ama ng pinagbubuntis niya? Bakit sinabi nitong namatay ang anak nila ni Luther? Sa nakalipas na sampung taon ay walang may nabanggit tungkol doon ang ama niya, o kahit na ang ina niya. Matagal na palang alam ng mga magulang niya kung sino ang ama ng kanyang mga anak. Kaya pala ni minsan ay hindi nagpakita ng interes ang mga ito na ungkatin ang pagk

