Napaigtad si Ruthie nang marinig ang dumadagundong na boses ni Luther sa loob ng pribado nitong opisina. Nakasandal ang likod niya sa pader katabi ng nakapinid na solidong pinto kaya dinig na dinig niya ang galit na galit na tinig ng CEO. Parang nakikita na niya sa likod ng balintataw niya ang mukha ng lalaki na nagngangalit ang bagang at matalim ang kislap sa mga matang ipinupukol nito sa kaharap. Sinadya ni Ruthie na maghintay sa labas ng mismong opisina ni Luther kaysa sa ibaba, dahil natatakot siya kung ano ang maaaring gawin nito kay Leani nang ipatawag nito kanina ang babae. Alam naman niyang hindi nito pagbubuhatan ng kamay ang empleyado nito, subalit nababahala pa rin siya. Lalo na at ramdam na ramdam niya kung gaano ka puro ang pagkapoot na sumasaklob sa dibdib nito dahil sa kam

