“Suspension up to and including the supreme penalty of dismissal will be served, depending on the gravity of the violation. But those who disrespected and showed contempt, discredited, and dishonored my wife; and including those who openly harassed and caused physical and emotional harm to Ruthie will have to talk to my lawyer.” Iyon ang huli niyang litanya bago siya lumabas ng auditorium na madilim pa rin ang mukha. Pagkatapos niyang in-anunsyo sa buong kompanya na siya at si Ruthie ay legal na kasal at mag-asawa, at na silang dalawa ay may tatlong anak, ay tila nabalot sa nakabibinging katahimikan ang buong gusali. Ang kaliit-liitang ingay ay umaalingawngaw na sa bawat sulok ng mga opisina at pasilyo. Pero ang sitwasyon ng mga nasa departamento ng Sales ay di-hamak na mas malubha. Mabig

