Nanginginig ang mga kamay ni Wesel habang hawak ang cellphone at nakatingin sa picture ni Ruthie at ng tatlong bata. Napaungol siya at nabitiwan ang aparato. “A-anak din ba ni Sir Luther ang tatlong bata sa litrato?” Napahagod sa buhok nito ang Team Leader ng Group 1 at naitukod nito ang isang siko sa lamesa. “Malamang anak niya rin ang tatlong bata.” Naisubsob ni Wesel ang lukot nitong mukha sa mga palad. Magri-resign na ba siya? Ang lakas pa ng loob niya kaninang sabihing hindi siya mapapaalis sa trabaho ng CEO dahil may hawak siyang alas laban dito. Ano na ang nangyari sa alas niya? Natunaw na lang at naglaho na parang bula. Tapos ay napatuwid ang likod niya nang maalala ang sinabi ng CEO sa orientation na hindi pa gaanong katagal buhat nang mag-asawa ito. Ibig sabihin ay imposibleng

