Sumimsim ako sa napaka lamig na iced tea. Mom is here for a quick chit chat with me. Galing sa mga kaibigan at naisipang dalawin ang nag-iisa at magandang anak na babae. Humaba ang usapan na dapat ay saglit na kamustuhan lamang. Nakalimutan kong tawagan si mom at buti nalang napadaan siya. Saktong gising ko siya agad ang bumungad sa akin. I had a nap for an hour, natulugan ko nalang basta ang pinapanood na movie. Sinabihan ako ng aming kasambahay na buksan ko raw ang aking phone dahil may message ang apat sakin. They texted me that they'll be late for lunch, ang kaso 3 pm na wala parin ang apat kong asawa. Kami lang ni mom ang kumain sa niluto kong menudo. Excited pa naman akong pagsilbihan sila sa hapag. Binaba kong muli ang telepono dahil unattended ang phone ng apat, bagay na

