Sky's POV:
Nasa likod ako ngayon ng engineering building. Dito ako malimit tumambay dahil tahimik at walang nanggugulo sa akin. May malaki rin ditong puno na pwedeng sandalan ko at higit sa lahat masarap ang simoy ng hangin.
Naagaw ang pansin ko ng isang lalake sa 'di kalayuan. Ngayon lang kasi ako naka encounter ng may ibang tao. Ako lang kasi talaga ang laging nandito. Nasa kabilang puno rin siya pero hindi ganon kalaki ang punong sinasandalan n'ya. Busy rin siya sa pagbabasa sa libro n'ya, siguro nagrereview siya.
Una kong na pansin ang pointed nose n'ya. Mukhang matangkad rin siya at gwapo kahit na side lang ng mukha n'ya ang nakikita ko. Parang pamilyar 'yong mukha n'ya pero wala naman akong natatandaan na nagkita na kami.
Ano ba naman 'to? Hindi naman ako interesado sa kanya bahala nga siya!
"Hey, are you done?" Agad akong napatayo ng makita ko siyang nasa harapan ko na. Sobrang bilis naman ilang segundo lang kaya akong 'di napatingin sa kanya. Halata bang naka tingin ako sa kanya kanina?
"Huh? May kailangan ka ba?" Ngumiti naman siya sa akin. Bakit ganon ang gwapo n'ya?
"Actually kanina ko pa kasi napapansin na naka tingin ka sa akin. Palagay ko ikaw 'yong may kailangan." Napangiwi naman ako. Awkward akong tumawa.
"Huh? Ako tinititigan ka? Baka guni-guni mo lang 'yon hahaha." Para akong sira dito, baka kong nakita ako ni Greyn pinagtawanan n'ya na ako even Katana.
"May sasabihin ka pa ba?" Nakatitig lang kasi siya sa akin. Feeling ko nga baka nasa isip n'ya siraulo ako. "Kasi kong wala aalis na ako." Kinuha ko kaagad ang bag ko para sana makaalis na ako. Ayoko ng madagdagan ang kahihiyan ko. Hindi naman ako ganito pero bakit ako nagkaka ganito sa kanya?
"Wait Miss." Napahinto ako nong tinawag n'ya ako. Naisip ko hindi kaya attracted ako sa kanya? No, no way!
Lumapit pa talaga siya sa akin. Bakit kailangang lumapit?
"Alam mo may kamukha ka." Ikaw rin meron, kaso 'di ko tanda. Pero syempre sa isip ko lang 'yan. Napaka daldal ko talaga sa isipan ko.
"Kahawig mo 'yong nawawala kong kapatid." Bakit bigla akong nalungkot sa sinabi n'ya? Tapos kitang-kita ko sa mga mata n'ya 'yong pagbago ng emotion n'ya ng binanggit n'ya ang little sister n'ya.
"Kapatid? Sorry wala akong ibang kapatid, e." Gusto ko siyang i-comfort pero baka sabihin n'ya masyado akong feeling close or whatever!
"Don't mind me, you can go." Ayoko pa sanang umalis pero kailangan kong pigilan 'tong emotion ko.
Naglakad na ako palayo sa kanya. Ang natatandaan ko lang naman kasi simula bata pa ako si Katana na 'yong kasama ko. Pero about my real parents or my family wala akong matandaan? Hindi ko man lang sila iniisip or meron pa ba ako non? Wala man lang sila pumasok sa isipan ko na hanapin kasi wala akong natatandaan.
Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na 'to? I think because of that guy! f**k it Sky! He's a stranger! Don't mind her anymore!
Nakarating ako sa school ground at nakita ko si Katana. Mukhang may pinagtritripan na naman siya. Kahit kailan talaga. Kailan kaya siya magbabago? Napailing na lang ako since junior high school kami ganito siya.
Umupo ako sa isang bench dito at kinuha ang laptop ko. I'm so bored right now kailangan kong maglaro. What I mean is to create a virus sa mga system ng mga company.
Gustong gusto ko talaga ang gawain na ganito. Kasi kapag nagkakaganito nagpapanic talaga sila lalo na kapag mga politician.
****
Katana's POV
Hinila ko ang buhok ng isa sa mga babaeng 'to!
"Sa susunod alamin mo kong sino ang binabangga mo! Naiintindihan mo ba?!" Naiirita talaga ako sa mga pa harang-harang sa dinaraanan ko. Nasisira ang araw ko because of them!
"Sorry po Queen, hindi ko po talaga sinasadya." In-rapan ko naman 'tong babae na 'to na sorry ng sorry. Akala n'ya ba maiibabalik ng sorry n'ya 'yong ginawa n'ya?! Mabuti nalang I don't want to waste my preciouse time to her right now kaya pagbibigyan ko siya.
"I'm bored kayo na lang ang bahala sa kanya." Sabi ko kay Bella.
Siya ang pumapalit sa akin kapag wala ako or absent ako. She's my assistant after all. Basta tungkol sa pang bu-bully but we're not that close about other matters.
"Sure Katana, take your time." Sagot n'ya.
Iniwan ko na sila at pumunta ako sa Student Council Office.
"Oh, Miss Maxwell anong kailangan mo?" Sobrang formal naman nitong si Greyn. In-rapan ko siya dahil napaka galang n'ya naman 'ata. Ayoko 'yong attitude n'ya na ganito naiirita ako.
"Wala naman. Bored lang ako at gusto kong dito sa office mo tumambay." Gusto ko siyang mainis sa akin pero wala pa talaga siya naiinis sa akin ganon siya kabait. Kahit na minsan pinagtritripan ko na rin siya.
"Hindi ba may klase ka pa ngayon? Hindi ka na naman a-attend ng class mo?" Para siyang ate namin ni Sky, hilig n'ya kaming punain at pagsabihan.
"Tinatamad ako pumasok. Gusto kong matulog." Humiga ako sa isa sa mga couch dito. Buti pa dito maganda may aircon pa. Samantalang sa room namin napaka init. Nasira kasi 'yong aircon don nakaka bwesit!
Si Greyn and Sky are my friends. Walang nakakaalam na magkakaibigan kami dito sa campus dahil may sarili kaming buhay dito.
I'm the Campus Queen Here, I'm a b***h! All of student in this school respect me because they are afraid of me. Pero except 'yon sa mga student council they always against me including Greyn because she's the president of student council. Pero alam ko namang 'di nila ako kaya kahit pa magsama-sama silang lahat.
"By the way Greyn, matulog muna ako gisingin mo na lang ako kapag uwian na."
"Sure, have a good sleep Katana." Kita n'yo na? Ako pa rin talaga ang panalo.
"Oh right." Bago ipinikit ko na ang mga mata ko.
Antok talaga ako ngayon dahil umattend ako ng mga gatherings kagabi.
****
Greyn's POV
Hayy naku kahit kailan 'ata 'di na magbabago 'tong si Katana. Minsan kasi nasasawa na rin akong pag sabihan siya kasi 'di naman talaga siya nakikinig. Kaya minsan pinapabayaan ko na lang siya sa mga gusto n'ya.
Ako pati ang President ng student council at isa sa mga pinaka malaking problema ay si Katana. Araw-araw may ginagawa siyang gulo dito sa loob ng school.
Iniwan ko na muna dito si Katana, sa daming pwede n'yang tambayan dito pa sa office ng student council. May klase pa kasi ako.
"Bat nandito si Katana?" Pumasok si Xander sa office, vice president kasi siya ng student council.
"Trip n'ya dito matulog, hayaan muna. Okay na 'yan kaysa manggulo siya sa ibang mga student." Sagot ko.
"Sabagay, by the way wait ka nalang namin dito ng iba pang officers." Tumango lang ako kay Xander, may meeting kasi kami ngayong 4pm.
Pumunta na ako sa room ko at wala namang mga nangyari. After ng klase pumunta ako agad sa office at nandito na lahat ng mga officers.
"Xand, umalis na si Katana?" Tanong ko kaagad kay Xander nong makalapit ako sa kanya.
"Oo kanina pa. Mga 1 hour and 30 minutes lang din naman siya dito bago umalis na. Ang ingay kasi nila." Mukhang sinadya ng mga ibang officers dito na mag-ingay para umalis talaga si Katana. Hate na hate nila 'yon, e.
"Okay guys mag start na ba tayo?" Tumahimik naman sila at nag-ayos ng mga upo.
"By the way anong naiisip n'yong project?" Tanong ko sa kanila.
"Siguro sa sunod na lang 'yong project na 'yan Greyn, unahin natin si Katana." Suggestion ni Ms. Auditor. Napangiwi ako dahil unang topic agad namin si Katana.
"Tama, tsaka 'yong mga feeling gangster dito na ang yayabang mga mukha namang hinampas sa pader ang pagmumukha." Napangiwi naman ako ulit ako.
Nakakainis din talaga 'yong mga feeling gangster dito sa loob ng university. Wala naman talaga silang naambag tapos mga feeling siga pa. Mga mukha naman talaga nila mukhang mga tambay sa kanto. Hindi ko alam kong paano sila nakapasok dito sa university.
"Ikaw Xander anong masasabi mo?" Napatingin naman siya sa akin dahil mag katabi lang kami. Halatang 'di n'ya inaasahan na tatanungin ko siya. Sobrang halata kasi sa expression n'ya.
"Ah, agree ako sa kanila."
"Pero guys paano natin— I mean anong ibig n'yong sabihin about sa mga gangster?" Agad na sumagot si Ms. Auditor mukhang handa talagang siyang sagutin lahat ng tanong ko.
"Gaya ng White Eagle Gangster dito sa campus. Grabe napakayabang nila isa din sila sa mga nangbubully feeling mga superior! Masyado silang hambog hindi dapat sila pinapalampas. Lalo na nakakasama sila sa iba pang mga student dito." Bakit ko ba naisipan mag takbo bilang President ng student council? Pagkakaalala ko pinilit lang ako at 'di ko inaakala na mananalo ako.
"Oo nga agree ako dyan, dapat magawan sila agad ng action." Pag agree ni Ms. Secretary.
"Pero kaya ba natin silang pigilan?" Seryosong tanong ni Xander sa kanila na ikinatahimik nila. "Kay Katana palang hirap na tayo paano pa sa kanila?" Dagdag n'ya pa.
Napatitig tuloy ako sa kanya.
"Actually may paraan naman para pigilan sila. Unang-una ikaw ang makakagawa non. You're a member of dark dangerous hunter. Kinakatakutan 'yun diba pwedeng humingi ka rin ng tulong kila Blake and Zack." Teka, bakit di ko kilala 'yong mga sinasabi nila?
"Baka kong isasama ko sila lalo lang gumulo. Hindi sila seryoso sa mga ganitong bagay. Greyn?" Tumingin naman siya sa akin mukhang gusto n'yang malaman ang opinion ko.
"Hindi naman sila nakakatakot basta h'wag n'yo lang papairalin pagiging matakutin n'yo. Kaya natin silang pigilan, hindi na kailangan ng iba pa para tumulong. Obligation natin 'to 'wag na tayo mang damay ng iba." Hindi kasi ako maka relate sa pinagsasabi ni Xander at nong iba. Sino ba 'yong Dark Dangerous Hunter, tao ba sila o baka hayop?
"Ako ng bahala sa mga gangster na 'yan basta tulungan n'yo ko." Dagdag ko.
"How about Katana?" Akala ko nakalimutan na nila si Katana pero mukhang 'di 'ata nila siya makakalimutan.
"Ilang beses ng pa balik balik dito si Katana at sobrang dami n'ya ng nilabag na rules. Tapos parang 'yong mga punishment sa kanya balewala lang kasi wala namang nangyayari. Siguro dapat mas dagdagan 'yong punishment n'ya para madala."
"Pero guidance office dapat 'yong gumagawa non." Sagot ko.
"Pero kasama tayo dun, lalo na ako lagi nong nasusuntok kapag inaawat ko siya." Napatingin naman ako kay Mr. Business Manager na hanggang ngayon may black eye pa rin sa kaliwang mata.
"Okay, 'wag kayong mag-alala ako ng bahala sa kanya kakausapin ko siya." Napatingin ulit ako kay Xander.
"Seryoso ka ba dyan?" Hindi ako makapaniwala kasi kaya n'ya ba?
"Tingin mo sa akin 'di seryosong tao?" Bago ngumiti siya. Napaisip lang naman ako.
"Ayon wala na tayong problema, huh? Ang dapat n'yo na lang gawin ay tulungan kami." Agad naman silang nag agree sa akin.