Greyn's POV
As usual nandito pa rin ako hanggang ngayon sa school. Sobrang dami ko pa kasing inaasikaso.
Napatingin ako sa wrist wacth ko at nagulat ako kong anong oras na.
"Hala, 10 pm na pala." Umuwi na rin 'yong ibang mga officers, sabi ko kaya sa kanila mag overtime kami ngayon. Tapos ang pumunta lang dito iilan at iniwan rin nila ako kaagad.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Xander. Sa ganitong bagay siya lang kahit pa paano ang maaasahan ko.
"Hello Xander, bakit wala ka pa rin dito? Magsama ka ng kasama mo." Sabi ko kaagad sa kanya pag sagot n'ya pa lang ng tawag ko.
"Nandyan ka pa rin sa school? Anong oras na 'to Greyn. Pwede naman sigurong bukas na lang." Ano ba naman 'to kahit kailan talaga 'di sila maaasahan kapag ganitong bagay.
"Nagchecheck kasi ako ng school kong may mga tambay pa ba or wala na."
"Umuwi kana may mga security guard namang nandyan. Gabi na 'to baka mapano ka pa kapag nag tagal ka dyan." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Xander. Bahala nga siya kong ayaw n'ya, pinatay ko na ang tawag.
Akala ko ba naman magiging okay kapag siya ang tinawagan ko kaso isa rin pala siya.
May narinig akong ingay mula sa di kalayuan dito sa office. Mukhang may mga tambay pa na naiwan dito sa school.
Humanda sila!
Hinanap ko kong na saan ang ingay na nagmumula. Hindi nga ako nagkamali ng makita ko isang grupo ng mga gangster dito sa school. Dito pa talaga nila naisipan tumambay. Kaya siguro ang daming nasisira kinaumagahan dahil sa kanila at maraming mga nawawala na materials.
"Excuse me anong ginagawa n'yo dito? Gabi na dapat umuwi na kayo." Mahinahon lang ang pagkakasabi ko sa kanila dahil kalma pa naman ako.
Napahinto naman sila sa mga ginagawa nila. Nagtaka rin ako kong na saan ang mga guard nitong school.
"Wow si Ms. President." Sabi nang isang lalaki sa kanila. Tawagin na lang natin siyang boy 1 dahil hindi ko siya kilala.
"Ano ngayon kong 'di kami umuuwi? Hindi rin naman ikaw." Sabi naman nitong si Boy 2.
"Lumalabag na kayo sa rules, bawal dito ang tumatambay lalo na wala naman kayong ginagawa. Kaya please lang umuwi na kayo kong ayaw n'yo ng punishment." Pasado na kasi 10 pm nandito pa rin sila. Isa pa ang gawa lang naman nila ang tumambay buti sana kong may activity sa kanila na pinapagawa. Tapos mga naninigarilyo pa sila. Amoy na amoy ko ang baho.
"What punishment? Sinong tinatakot mo? Mabuti pa sumama ka nalang sa amin, mukhang mag e-enjoy ka pa." Sabi na naman ng isang lalaki na tatawagin din nating boy 3. Lima kasi silang lalaki.
"Sorry huh, pero wala akong time sa mga ganitong bagay. Ano uuwi ba kayo o uuwi kayo?!" Medyo naiinis na ako at napa taas na rin ang boses ko pero kalma pa naman ako.
"Hindi! Bakit ka naman namin susundin?" Ngumisi pa siya habang sinasabi 'yan, kitang kita ko 'yon kahit madilim kasi nga nakita ko 'yong puti n'yang ngipin.
"Okay, ayaw n'yo? Humanda na lang kayo bukas tanda ko 'yang mga mukha n'yo!" Ayaw ko sana silang payagan kaso no choice ako, baka ma pa away lang ako kapag susundin ko ang gusto ko.
"Nanakot ka ba? Tara sus, nahiya ka pa. Malakas lang naman ang loob mo dahil president ka ng student council. Syempre malakas ang kapit mo." Sabi ng pinaka leader nila, tingin ko lang naman.
Nag agree naman sa kan'ya 'yong apat na hinayupak na kasama n'ya.
Hinila ako ng leader nila para makipag together daw sa kanila. Ayaw ko man silang saktan pero kailangan ko ng gawin. Kailangan kong ipag tanggol ang sarili ko.
Kaya binalibag ko 'tong lalake na humila sa akin. Gulat 'yong reaction nila sa ginawa ko.
Pero agad ding lumapit sa akin ang isa pang lalake pero bago pa siya makalapit sa akin sinipa ko na ang ano n'ya. Kaya naman napa aray siya sa sobrang sakit. Sinipa ko naman sa tuhod at pinilipit ang kaliwang kamay ng humawak sa braso ko.
Palapit naman sa akin 'yong isa pa. Mukhang excited siya masyado suntok lang kasi siya ng suntok sa akin kahit na 'di naman siya nakakatama. Bakla ba 'to?
Napansin kong parang may isang bagay napapalapit sa amin. Agad akong nakaiwas don bago isang upper cut ang pinakawalan ko sa lalakeng suntok ng suntok sa akin.
Wala siyang malay na natumba sa harapan ko. Ganon ba kalakas ang suntok ko?
May naramdaman na naman ako na isang bagay napapalapit sa akin. Agad akong umiwas dito at hinanap kong na saan nanggagaling 'yon.
Agad ko rin namang nakita at hindi n'ya ako na pansin na nasa likod n'ya lang ako.
Agad kong hinila ang dalawa n'yang braso. Syempre napaaray siya dahil naka talikod siya sa akin at 'di siya makakakilos.
"Hindi mo ba alam na bawal mag dala ng ganyan dito? Paano kong maka patay ka?!" Bago sinipa ko ang binti n'ya, napa tumba siya.
Napatingin ako sa kanilang lahat na nakahiga.
"Ano ngayon? Hindi ba sinabi ko umuwi na kayo? Hindi kasi kayo nakikinig sa sinasabi ko."
"Anong nangyari?" Napalingon ako sa mga bagong dating. Si Xander kasama n'ya yong secretary at si auditor. Mabuti naisipan pa nilang pumunta.
"Wala mga nangugulo lang. Wala 'atang magawang maganda sa buhay nila." Sagot ko.
Napansin ko naman ng makita nila si Xander parang nanginig 'tong mga binugbog ko. Hindi ko pala sila binugbog. Bakit kaya parang takot sila? Sabagay kaya siguro ganon kasi first of all nakakatakot talaga si Xander. Isa siyang alien!
"Oh my ikaw ba may gawa sa kanila nito Greyn?"
"Parang ganon na nga." Sagot ko. "Nagtataka lang ako kong na saan ang mga guard nitong school." Dagdag ko at tinaasan ko ng kilay si Xander. Paano kasi siya kaya nagsabi na may mga guard naman dito.
"Saan n'yo dinala 'yong mga guard?" Tanong ni Xander sa kanila, makikita mo talaga kaagad 'yong takot sa kanila pag tanong n'ya pa lang.
Bakit ba takot na takot sila sa kanya? Hindi naman siya nakakatakot pero mas mabuti na rin 'yon.
"Nasa loob sila ng Cr, dun sa kabila." Something fishy talaga kay Xander.
"Ano ba 'yan, kong ano-ano kasing kalokohan mga pinanggagawa n'yo!" Inis na sabi ni Ms. Secretary at mukhang uupakan n'ya pa sana.
"Tama na 'yan." Hindi n'ya naman itinuloy ng sinabihan ko siya.
"Dahil sa ginawa n'yong 'to, harapin n'yo 'yong punishment n'yo. Ang tapang n'yo kanina tapos 'di n'yo naman kayang harapin 'yong mga punishment n'yo. Ngayong gabi kailangan linisin n'yo 'tong gymnasium ng school total puro tambay lang naman gawa n'yo. Mas mabuti pang may magawa kayo, kailangan bukas ng umaga malinis na 'yon."
Hindi na sila sumagot pa sa sinabi ko at sumunod na agad sa utos ko. Si Xander naman kasama n'ya na 'yong mga guard. Tinali pala sila at kinulong sa loob ng cr.
"Mga pasaway talaga sila." Nang makarating kami sa gymnasium at makapasok 'tong matitigas ang ulo. Agad kong isinara para 'di sila makalabas, bahala sila dyan.
*****
Katana's POV
Sumalubong sa akin ang malakas na music pagkapasok ko pa lang sa bar. Ginala ko ang paningin ko sa loob nitong bar. Maraming mga couple na nag ma-make out. Kulang na nga lang mag hubaran sila sa isat-isa.
Ako lang ang mag-isang pumunta dito hindi mo mapapapunta sila Greyn and Sky sa ganitong loob maliban na lang kong kailangan.
I'm wearing white crop top under my leather jacket and silky short. Dumiritso ako sa stool ng bar. Saan kaya 'yong bartender?
"What's your order Ms. Beautiful." Bago nag wink siya sa akin, ngumiti naman ako sa kanya ng matamis.
"1 charlemagne," sagot ko sa kanya.
Habang umiinom ako ng wine may lumapit sa aking lalake at umupo sa tabi ko.
"Hey, Ms. Are you alone?" Inirapan ko siya.
"Obvious naman 'di bang nag-iisa lang ako? May nakikita ka bang kasama ko?" Tumawa naman siya sa sagot ko.
Nang nag palit ang music dito sa bar biglang naging wild ang mga tao habang sumasayaw.
"Do you want to dance with me?"
Pagdating namin sa dance floor nakisabay na rin ako sa mga sumasayaw. Magkaharap kaming dalawa at medyo masikip na sa pwesto namin dahil sobrang dami ng tao. Hindi rin maiwasan na magkabungguan.
"Wow, you're so hot baby." Nag smirk ako sa kanya. Mukhang na sa amin na rin ang attention ng lahat.
Kaso lang nawalan ako ng sa mood ng may humampas sa butt ko. Okay lang sana kong isa siya sa mga nilalandi ko kaso hindi, e.
Ang gwapo n'ya sana kaso he's asshole.
Lumapit ako sa kanya at sinuntok siya.
"Anong problema mo?" Kitang-kita ang pag igting ng panga n'ya. Napa rolled eyes na lang ako.
"What an asshole you are! Tanga ka ba? Ikaw ang problema dito!" Hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko at gusto ko talagang gawin 'to. Masyado ng walang thrill ang buhay ko kaya lalagyan ko.
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko sobrang TANGA MO! Tanga ka at higit sa lahat bobo! Hindi lang pala 'yon isa ka ring bingi!" Parang mamamaos 'ata ako dahil sumigaw ako.
"Sumusobra kana! Pa salamat ka babae ka." Mas lalo ko siyang inasar lalo na ng tinignan ko siya at nginisian.
"Bakit naduduwag ka ba?" Nanghahamong sabi ko sa kanya.
Mukhang agaw atensyon na talaga kami dahil sa amin na lahat naka tingin. Yong iba naman umalis na mukhang ayaw madamay sa gulo. May narinig pa akong nag-uusap na malapit lang din sa pwesto namin.
"Lagot na siya hindi n'ya ba alam na gangster 'yang kinakalaban n'ya." Sabi ng isa sa kanila. Nagbubulungan na lang sila 'yong maririnig ko pa.
"Oo nga gurl, tara umalis na tayo dito." Sabi naman ng gay na kasama n'ya.
Wala akong pakialam kong ano sila, ako dapat 'yong wag na wag nilang babanggain.
Napansin ko rin na napapalibutan na ako ng sampung mga lalake. What a weak!
"Napakahina mo naman, isang babae lang ang kalaban mo pero kailangan mo pa ng tulong nila? Isa ka talagang duwag."
"Alam mo sa mundong 'to walang patas." Sagot n'ya naman.
Sumugod sa akin sila lahat ng sabay sabay. Agad akong tumakbo sa may gilid at binasag ang mga baso bago itinapon sa kanila.
Lahat 'yon tumama sa binti nila sinisigurado ko. Alam kong masakit 'yon kaya 'di sila agad makakalapit sa akin.
Yong unang lumapit sa akin agad kong sinipa ang binti. Agad din siyang napatumba ganon din sa iba pa.
Lahat sila nasa sahig na nakahiga at 'di makabangon dahil sa ginawa ko.
"Ano? Yon lang ba 'yon? Sobrang wala namang thrill." Habang nakatingin sa kanilang lahat. Wala na ring ibang taong nandito bukod sa amin. Mukhang umalis na talaga sila.
"Ang yabang mo! Humanda ka sa akin pagsisisihan mo ang ginawa mo. You're a b***h!"
Mas lalo ko pa ininis siya ng nilabas ko ang nang-aasar ko na ngiti.
"Sa tingin mo ba matapos mo 'tong gawin sa kanilang lahat hahayaan kitang makatakas." Sabi ng lalakeng bastos na 'to.
"Sa tingin mo rin ba matapos ko silang bogbogin ligtas ka na?" Sagot ko naman sa kanya. "Gusto mo rin bang matulad sa kanila sa kanila or baka hindi kana makauwi ng buhay."
Mukhang lalong nagalit siya dahil sa sinabi ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at suntok agad ang una n'yang move. Pero agad akong nakaiwas at inunahan ko siyang masuntok sa may ilong n'ya.
Dumugo ang ilong n'ya dahil sa lakas ng impact nito. Napangiti ako sa kanya ng pinunasan n'ya ang dugo mula sa kanyang ilong.
"Oh my, it's gross hahaha." Pang-aasar ko pa sa kanya.
Lumapit na naman siya sa akin at susuntukin n'ya na naman ako. Pero mas mabilis ako sa kanya kaya siya na naman ang naka tanggap ng suntok ko.
Napansin ko ang pag ngisi n'ya sa akin at may nilabas siyang dalawang spin. Inihagis n'ya 'yong isa sa akin. Mabuti nalang naka iwas ako pero muntik ng matamaan ang pisngi ko.
Pero mukhang nagkaroon ng thrill kaya agad kong kinuha ang spin na itinapon n'ya sa akin. Ngayon pareho na kaming may hawak na spin.
Lumapit ako sa kanya at gusto ko sanang patamaan siya sa tagiliran pero nakaiwas siya. Mabilis akong gumawa ng panibagong moves agad kong sinipa ang kamay n'ya na may hawak na spin. Tumilapon ito sa di kalayuan.
Hindi siya agad naka pag react kaya agad kong sinipa ang binti n'ya dahilan para mapaluhod siya. Bago kinuha ko ang spin ko at sinaksak siya. Binitawan ko siya.
"I'm Red Eye Demon you're so dumb because you mess with the wrong person asshole!" Sabi ko sa kanya bago ako umalis.
****
Sky's POV
It's already 10pm but 'di pa ako nakakauwi. Naglakad lakad kasi ako dahil na bo-bored lang naman ako sa mansion. Tsaka hilig ko na rin talaga ang paglalakad.
Napansin kong parang kanina pa may sumusunod sa akin. Matabang lalake ang isa sa kanila. Bakit sa dami-dami sila pa talaga? Tatlo kasi sila.
Lumiko ako sa madilim na part para 'di nila ako mapansin. Napansin ko pang parang hinanap nila ako kong na saan ako. Mukhang sinusundan nga nila talaga ako. Hayaan na nga lang gusto ko na talagang umuwi.
Almost 3 hours na rin kasi akong naglalakad. Tumingin ako sa iba pang pwedeng daanan na 'di nila ako makikita. Tingin ko kasi may balak silang 'di maganda.
"Pardz ayan siya oh," turo sa akin ng isa sa mga kasama n'ya.
Nakita pa talaga nila ako. Kahit anong iwas ko talaga sa gulo sila ang lumalapit sa akin.
Medyo tinatamad pati ako ngayon. Nilagay ko 'yong eyeglass ko sa loob ng bag ko baka masira. Importante pati 'to.
Ang dapat ko sigurong gawin ay tumakbo.
Tumakbo nga ako kaso 'di ko na alam kong na saan ako na punta. Hindi sana ako titigil sa pag takbo kaso may nabanggaan ako.
"Saan ka naman pupunta? Hindi mo ba alam na teritoryo namin ito. Kaya hindi ka makakalabas dito."
Bago nag labasan ang tatlong lalaki kanina. Mga mukha silang adik, wala man lang maayos ang itsura sa kanila. Apaka judgemental ko naman 'ata sa mga pinagsasabi ko.
"Wala naman akong pakialam kong territory n'yo 'to. Ang gusto ko lang ang umuwi." Sagot ko sa kanya.
"Ang tapang mo ah, hindi mo ba kami kilala?" I think ito ang pinaka leader nila ang yabang kasi.
"Actually hindi, obvious naman di'ba?" Inaantok na tuloy ako gusto ko ng matulog.
"Tama na 'yan, basta ang mahalaga ngayong gabi magiging maligaya ka." Napangiwi naman ako sa sinabi ng isa sa kanila.
"Paano mo nasabi clown ka ba?" Sagot ko.
"Aba ginagalit mo talaga akong babae ka! Pwes hindi lang kaligayan ang matitikman mo ngayon kundi pati sakit!" Hinawakan ako ng dalawang lalake at lalapit na sana siya sa akin pero sinipa ko.
Halata ang inis n'ya sa akin.
"Ayaw mong tumahimik ah, itong sayo!" Susuntukin n'ya sana ako sa sikmura. Hinila ko ang isang lalake na humahawak sa braso ko kaya siya ang natamaan ng suntok.
"Takte bakit ikaw ang natamaan?"
"Pauwiin n'yo na ako." Matigas na sabi ko sa kanila.
"Hindi kana makakalabas dito." Naiinis na talaga ako! Sinipa ko ang sikmura n'ya kaya agad naman siyang na tumba.
"Urgh! Bwesit ka talagang babae ka!" Sinabunutan naman ako ng isa pang lalake, apat na kasi sila di'ba?
Hinila ko ang kamay ko sa isang lalake na humahawak sa akin. Hindi n'ya namalayan 'yon kaya nagkabungguan silang dalawa ng isa pang humahawak sa akin. Hinila ko ang kamay ko na hawak nila kaya naman sabay silang na tumba na dalawa. Nabitawan din ako ng lalake na nag sabunot sa akin dahil napakalikot ko kaya.
Angel muna ako ngayon ayokong maging masama. Kaya naman bubuhayin ko sila at bahala na ang batas sa kanila bukas ng umaga.
Kinuha ko ang pin na nakatusok sa damit ko at dahil magaling ako sa dagger itinapon ko 'yon sa dalawa. Tinamaan naman sila napatigil din sila sa pag kilos.
May poison kasi yong pin na 'yon, ako mismo ang gumawa ng poison na 'yon. Oras na matusok ang balat mo non hindi sila makakagalaw sa loob ng isang oras. 1 hour lang naman.
Napansin ko ang leader nila na may hawak na baril. Seriously papatayin n'ya ba ako?
Pero bago n'ya pa man 'yon ma putok natamaan na siya ng pin na hawak ko. Isa na lang ang naiiwan itong mataba.
Sumugod siya sa akin kaagad, kinuha ko ang last pin na naka tusok sa buhok ko. Tinusok ko 'yon sa kanya ng makalapit siya sa akin.
Umalis na ako at iniwan sila. 11:30 pm na pala ang bilis naman.