Chapter Fourteen
Hiring
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw.
Una ay naging chaperone ko si Trystan, pagkatapos ay bigla bigla nalang siyang nagalit at hinalikan ako. Tuwing sumasagi sa isip ko 'yon ay parang gusto kong may hyper ventilate!
Ito na yata ang pinaka mahabang biyahe ko sa buong buhay ko.
Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay feeling ko lahat ng tao at mga sasakyan sa labas ay nags-slow motion.
Does he like to kiss me or just want me to shut up? I bit my lower lip.
Umayos ako ng upo ng makita ang pagpasok niya sa aming village, maya maya pa ay huminto na ang sasakyan niya sa labas ng bahay namin. Binuksan ni Masha ang gate saka pumasok ang itim niyang maserati sa loob.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kan'ya. He really made me shut up and left me speechless! He sealed my lips with his kiss!
Bumaba na ako ng sasakyan at ganoon din siya. Kinuha niya ang mga paper bags ng mga gamit na pinamili ko at ibinigay ang mga 'yon kay Masha. Ang iba naman ay kinuha niya.
"Where should I put this?" Tanong niya habang hawak hawak ang mga natirang bag.
"P-Pumasok ka muna..." Nauutal na sabi ko.
Hindi na ako nagprisintang ako nalang ang magdadala dahil alam kong hindi niya naman ako papansinin.
Naglakad na kami papasok ng bahay. Sakto naman ay pababa si Mommy ng hagdan. Nakita ko ang malaking ngiti nito ng makita si Trystan sa likod ko.
Ano bang meron kay Trystan at hindi nila ito maitaboy palayo sa'kin?
Palibhasa siguro kaibigan ni Daddy ang Daddy niya kaya ganoon nalang kakampante ang mga ito sa kan'ya. Tsaka isa pa'y bestfriend din siya ng Kuya ko.
"Oh hijo, bakit ikaw ang kasama nitong si Jasmine?" May halong pagtatakang tanong ni Mommy.
Lumapit ito sa'min at niyakap ako saka siya binalingan.
"May emergency po kasi si Seth kaya ako nalang ang sumama kay Jasmine na mag shopping." Kinuha na ni Manang Celia ang mga natitirang bag na hawak ni Trystan at idiniretso ang mga 'yon sa kwarto ko.
"Gano'n ba. Teka kumain na ba kayo? Dito ka na maghapunan Hijo. Saglit lang at tatawagin ko si Joaquin." Umalis na si Mommy sa harapan namin bago pa man makasagot si Trystan.
Naiwan kami nito sa sala. Lumapit ako sa couch at humarap sa kan'ya.
"U-Upo ka..." Calm down Jas.
Lumapit ito sa akin at umupo sa nasa harapang couch ko.
"Trystan-"
"Trys nalang." Sabi niya at ibinalimg ang tingin sa TV.
"T-Thank you..." May pag nginig parin sa boses ko pero sana'y hindi niya nahalata 'yon.
Lumingon siyang muli sa'kin bago nagsalita.
"No worries. You can call me anytime na kailangan mo ng chaperone." Nakita ko ang pag ngiti niyang nakakaloko.
Hindi na ako nagsalita. Kinakabahan parin kasi ako. Pakiramdam ko nga ay manginginig na ng tuluyan ang mga kalamnan ko kapag hindi pa siya nawala sa paningin ko e!
Maya maya pa'y tinawag na kami ni Manang Celia dahil nakahain na raw ang pagkain. Hindi pa umuuwi si Kuya Jacob kaya kami nalang muna ang kakain.
Siguro nga sobrang daming nangyayari ngayon sa chain kaya wala na siyang time sa'kin. Gustuhin ko mang mag tampo pero wala naman akong magagawa. That's his job.
"Pinagod ka ba nitong anak ko Trystan?" Biglang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni Daddy.
Masyado na yatang nagiging madumi ang utak ko kapag kasama ko ang lalaking 'to!
"Hindi naman po." Nakangiting sagot niya.
"Medyo madaldal lang po ang anak ninyo Tito." Pagpapatuloy niya na bahagya pang pinasadahan ng kan'yang dila ang kan'yang labi.
Kasunod no'n ang isang nakakalokong ngiti. Gusto ko nalang umirap sa kawalan!
"Talaga? Mabuti naman at komportable ang anak ko sayo. Mahiyain ito e, but I guess nagma-matured na."
Hay nako Daddy! Can you just eat? Gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon.
Kung alam lang nila ang sinasabi ni Trystan at kung alam lang nila kung gaano ako kinakabahan sa tuwing kausap o kasama ko siya. Kung paano niya ginagawang baliw ang puso ko sa bawat titig niya.
Natapos na ang kainan at sinabayan ko na siya palabas ng bahay.
Nakakahiya naman kasi kung hindi ko 'yon gagawin. Alam kong napagod din siya ngayon dahil sa tagal kong mamili at sa dami ng mga pinamili ko. Lumapit na ito sa sasakyan niya pero bago pa ito makasakay ay nagsalita na ako.
"Trystan, salamat ulit." Tumango lang siya.
"Next time I wanna hear you call me Trys." Sabi nito bago siya sumakay doon at agad na umalis.
Anong pinagkaiba no'n sa Trys at Trystan? E parehas lang naman na siya 'yon! Ah bahala siya! Parang mas gusto ko parin kasi ang Trystan.
Ilang oras na akong pabaling baling sa higaan ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Napahawak ako sa labi ko na hanggang ngayon ay ramdam parin ang halik niya. Bakit ba ako nagkakaganito sa kan'ya.
Isang halik lang naman yun! Ano na naman kasi ang ina-assume ko. Does he think about it too? Kissing me? Holding me... Uh! This is frustrating!
"Saan ang gawi mo hija at gayak na gayak ka?" Nakakunot noong tanong ni Manang Celia kinabukasan.
Pupunta lang ako ngayon sa coffee shop para mag review. Baka kasi sa mga susunod na araw ay may magreply ng airline at gusto ko bago 'yon ay ma refresh na ulit ang utak ko sa mga napag-aralan ko.
"Magre-review lang po Manang." Sagot ko habang inaayos pa ang mga librong hawak ko at isinisilid 'yon sa aking itim na doctors bag.
"Ganoon ba? O sige tatawagin ko si Pedring para ihatid ka." Suhestiyon niya.
"Ay naku manang huwag na po. Ako nalang po ang aalis, diyan lang naman po 'yun." Pagpigil ko sa kanya.
"Teka nagpaalam ka ba kay Jacob?" Tanong nito.
Si Kuya lang naman kasi ang bukod tanging istrikto at may rules sa tuwing aalis ako ng bahay.
"Tatawagan ko nalang ho siya kapag nasa cafe na ako. Busy din po 'yun sigurado ako. Sige Manang mauna na ho ako ha." Aalis na sana ako ng makita kong lapitan ni Juliana ang kan'yang ina.
Maya maya pa ay may kinuha na si manang Celia sa kanyang bulsa at ibinigay iyon sa anak.
Humalik na ito sa pisngi ni Julia na tanda ng pagpapaalam.
"Ah, Juliana aalis ka rin ba?" Tanong ko rito.
Tumango lang siya at saka yumuko ulit.
"Gusto mo bang sumabay sa'kin?" Nakangiting tanong ko.
"Uhm, hindi na Jasmine." Tipid niya akong nginitian.
"Halika na!" Excited na sabi ko nang hilahin ko ang kamay niya at iginiya sa labas ng bahay patungo sa isang itim na bmw ng parents ko.
Simple lang si Juliana pero maganda ito. Sigurado akong ganito rin ang mukha ni Manang Celia noong kabataan niya.
Pwede nga siyang maging beauty queen e! Sa kulay niyang morena at itim na buhok na may natural big curls sa ilalim ay hindi na nito kailangan pa ng hair stylist!
Ang mukha naman nito ay hindi narin kailangan ng make-up. She is just simply beautiful. Matangkad at maganda rin ang pangangatawan niya kagaya ko.
"Saan ka nga pala pupunta?" Tanong ko rito ng makasakay na kami sa sasakyan.
Binuksan ko na ang engine at dahan-dahang pinaandar 'yon.
"Sa bookstore lang Jasmine." Napatingin ako rito ng masulyapan ko ang sling bag niya na mayroong maliit na butas sa gilid.
"Gano'n ba. Saan ka ba bibili? Idadaan nalang kita doon." Sabi ko sabay balik ng tingin sa daan.
"Hindi na Jas, sobrang abala na ito sa'yo. Isa pa, boss kita hindi normal na ihatid ng boss ang katulong." Gusto kong matawa sa sinabi niya.
Bakit ba masyado siyang pormal? Hindi naman na sila iba sa pamilya ko. Dalaga pa si Manang Celia ng magsimula ito sa paninilbihan sa'min kaya parte narin sila ng pamilya Delaney.
"Wala 'yun Juliana. Hindi na kayo iba sa pamilya namin. Do you still think about..." Nakita ko ang pag iwas niya ng tingin kaya hindi ko nalang ito itinuloy.
Maybe that's the reason why she's being so distant.
"Thank you Jas..." May pag-aalinlangang sabi niya.
"No worries, ikaw pa ba?" Ginantihan ko siya ng isang matamis na ngiti.
Nakarating na kami sa bookstore. Hindi ko siya hinayaang sumakay pa ng jeep para lang makarating doon. Isa pa wala rin naman akong gagawin buong araw.
Dumaan din ako sa Parissiene para bumili ng isang itim na sling bag. Sana lang hindi niya tanggihan ang regalo ko. Inilapag ko ang mga gamit ko pagkatapos um-order ng paborito kong latte sa coffee shop.
Habang binabasa ang mga airline codes ay parang hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may mga matang kanina pa nakamasid sa akin.
Nag-angat ako ng tingin at inilibot ang mga mata sa loob ng cafe. Bumalik ulit ako sa ginagawa ko ng wala naman akong napansing kakaiba.
"Airline codes..." Sabi ng isang boses na nagpatingala sa'kin.
Nakita ko siyang nakangiti at nakadungaw sa librong binabasa ko. Amoy na amoy ko na naman ang mabango't mamahalin niyang perfume.
"T-Trystan..." Hinila niya ang isang upuan at umupo sa harapan ko.
What a small world. Bakit ba palagi nalang kaming nagkikita. Is he stalking me?
"Nagre-review lang." Dugtong ko.
"Para saan?" Nakakunot noong tanong niya.
Inilapag niya sa lamesa ang isang cup ng hot coffee.
"For the future." Gusto kong matawa sa sinabi ko.
Why am I so tensed when he's around? Pag talagang siya ang kaharap ko ay natotorete ako.
"Where are you going after you finished that?" Usisa niya ulit.
"Home." Maikling sagot ko. Hindi ko siya tinitignan.
Halos isubsob ko pa ang mukha ko wag ko lang siyang makita. Naalala ko nanaman tuloy 'yung kagabi.
Ayoko ng magsalita dahil baka mamaya ay kung ano nanaman ang gawin niyang labag sa kalooban ko.
"Sabi ni Jacob nag-aapply ka for cabin crew?" Napatingin na ako sa kan'ya dahil sa sinabi niya.
"Yeah. Avianca Airways kaya lang na hospital si Daddy that time kaya hindi natuloy." Nanghihinayang parin ako.
Siguro ngayon kung hindi nangyari kay daddy 'yon ay nasa ibang lugar na ako or baka nasa loob ng eroplano sa mga oras na 'to and better, hindi siya ngayon ang kaharap ko.
"So saan mo balak?" Sumimsim pa ito sa coffee na hawak niya at tumingin ulit sa'kin.
Sa suot niyang puting plain na shirt at faded jeans ay lalo siyang nagmumukhang adonis!
Yung mga mata niya na parang kayang magbasa ng isip ng tao sa sobrang dark na parang nang-aakit.
"Kahit saan." Ang tagal naman kasi ng mga opening e.
Hindi ko tuloy alam kung hanggang kailan ako naka tambay sa bahay. Napabalik ako ng tingin sa mga libro ko. Hindi ko talaga kayang makipag-titigan sa kan'ya.
"Saturday eight am. Lewis Aviation Center." Sabi niya at tsaka nag ayos ng sarili bago tumayo.
"H-Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"We're hiring..." Sabi nito bago umalis ng coffee shop.
Itiniklop ko ang mga libro ko at agad inilagay ang mga 'yon sa bag ko. Sinundan ko siya papalabas, patungo sa parking lot.
"Seryoso ka?" Hinihingal na sabi ko.
Gusto ko ng lumundag sa tuwa. Sa wakas! May chance na akong makaalis ng bahay.
"Yeah." Isinuot pa nito ang kanyang aviator bago pumasok ng sasakyan at pinaharurot 'yon palayo.
Naiwan akong nakatulala sa parking lot.
Totoo ba 'to?
Nananaginip ba ako?
Nang bumalik ang katinuan ko ay hinanap ng mata ko ang kotseng dala ko kanina at agad na pumasok do'n. Gusto kong tawagan si Hailey pero kasi sabi nila kapag mag-aaply ka daw ng trabaho ay dapat wala kang kasamang kaibigan.
Pero bahala na! Tatawagan ko nalang siya mamaya. Malay mo parehas pa kaming makapasa.
"Kuya, I'm going to Lewis aviation center this saturday." Masayang sabi ko rito ng maabutan ko siya sa bahay na nagme-meryenda.
"Aeroflot?" Nagtatakang tanong nito.
"Oo, bakit marami bang hawak na airline ang mga Lewis?" Bangag ba siya?
"Hindi pa naman sila hiring." Sagot nito at kinagat pa ang kanyang favorite na peanut butter jelly.
Meron pang red velvet ice cream na nakapatong sa counter top. Hinatak ko ang isang high chair at tumabi sa kanya.
"Uhm, sinabi ni Trystan kanina e." Napahinto siya sa pagkain kaya kinuha ko ang tub ng ice cream at ang kanyang spoon pagkatapos ay kumuha doon.
"Hey! That's mine!" Pagmamaktol nito sabay agaw ng ice cream.
"Pahingi!" Kumuha ulit ako ng isang kutsara at agad na isinubo ang laman nito.
"Give me that!" Nabawi na niya sa kamay ko ang tub.
"At bakit ka nakipagkita kay Trystan?" Sumeryosong tanong nito.
Halos magdikit pa ang mga makapal na kilay niya ng sabihin niya 'yon.
"Hindi 'no! Nagkita lang kami sa coffee shop kanina." Pagdedepensa ko.
Totoo naman e. Bakit naman ako makikipagkita sa taong 'yun!
"At bakit ka nasa coffee shop? Hindi ka man lang nagpaalam."
Lagot! Oo nga pala. Nakalimutan kong tumawag sa kanya kanina bago ako umalis. Nabusy kasi ako dahil dumaan pa ako ng Parissiene after kong ihatid si Julia.
"Nag review lang ako. Tsaka hinatid ko si Julia sa bookstore." Mas lalo kong nakita ang galit sa mukha niya ng sinabi kong hinatid ko si Julia.
"Next time magpaalam ka." Alam kong marami pa siyang gustong sabihin pero hindi niya na ito naituloy.
"Sorry na. Hindi na mauulit..." Pangungulit ko sa kan'ya.
"Ano, sasamahan mo ba ako sa Saturday?" Inilagay ko pa ang mga kamay ko sa baba ko para mag pa cute sa kan'ya.
Oo nga 'no, nakakapagtaka na kahapon lang nag check ako ng hiring sa Lewis pero wala naman akong nakitang opening.
"I don't know. I can't promise you anything. Maraming complain sa isang chain natin at hindi ko pa nakakausap ang board members." Tumango nalang ako.
Masasanay din siguro ako ng ganito. We're not children anymore. Hindi na ako ang unang priority niya.
Bago pa man ako tuluyang malungkot ay iniabot ko sa kanya ang paperbag na laman ang sling bag na ibibigay ko kay Julia. Baka kasi makatulog ako kaya sakan'ya ko nalang ipapabigay.
"Pakiabot naman 'to kay Julia. Napansin ko kasi yung gamit niya kanina medyo luma na. Sige Kuya bye!" Bago pa siya maka angal ay umalis na ako sa harapan niya at patakbong pumunta sa kwarto ko.
Saturday.
Eight am.
Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan Jas! Aja!