Chapter Fifteen
Hating A Flirt
As usual, busy parin si Kuya Jacob kaya ako lang mag isa ang pupunta sa interview. Hindi narin ako nagpahatid kay Mang Pedring. Baka kasi mamaya ay kailanganin siya ni Mommy.
Bumaba na ako ng sasakyan ng makarating ako sa Lewis Aviation Center. Nagtanong pa ako sa front desk kung saan gaganapin ang interview. Kinuha ko ang isang I.D na ibinigay niya pagkatapos ay pumanhik sa 5th floor.
Inayos ko pa ang itsura ko ng masagi ng mata ko ang repreksiyon ko sa elevator . Ibinaba ko ng bahagya ang palda ko. Dapat knee length lang at decent looking. Nang bumukas 'yon ay hinanap ko na ang venue.
Bakit parang wala namang tao? Naglakad pa ako ng kaunti at tinanong sa isang front desk officer kung tama ba ang pinuntahan ko.
Shocks! Baka late na ako! Pero sabi ni Trystan ay alas otso ang simula ng interview. It's only seven thirty in the morning.
Teka makikita ko ba siya ngayon? Pupunta kaya siya dito? Pero napaka impossible. Hindi niya trabaho ang pag interview ng mga nag-aaply sa airline niya.
Nakaramdam ako ng lungkot sa isiping hindi ko siya makikita. Bakit ba parang lagi nalang napapadalas ang kagustuhan kong makita siya?
Ang gulo ng utak ko. Kapag nasa harapan ko siya, ayoko siyang makita or makausap dahil samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko kapag siya ang kaharap ko.
Pero ngayon namang hindi ko siya nakikita, gusto ko siyang makita. Hay nako ang gulo mo Jasmine.
Namimiss ko ba siya? Ipinilig ko ang ulo ko.
"Yes. Just fill up this form and you can go inside." Sagot ng isang maputing babae na naka corporate attire.
Nginitian ko lang siya at ginawa ang sinabi niya. After kong mag fill-up ng form ay pumasok na ako sa isang room. Nakahinga ako ng maluwag ng makita na mayroon din naman palang mga nag-aaply.
Umupo ako sa tabi ng isang lalaki. Dahil 'yon nalang ang natitirang upuan. Siguro ay mga nasa thirty lang ang laman ng kwartong 'yon.
"Dapat nga two months pa 'to diba? Tapos two days ago nag email na sila na ngayon ang opening." Narinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.
"True! Ang sabi ng friend ko iniutos daw mismo ng CEO na mag start na sila ng hiring process." Sagot naman ng isa pang babae.
Binalewala ko nalang ang mga pinag-uusapan nila. Inilabas ko ang isang maliit na salamin sa bag ko.
Nakita ko kasi na mag aalas otso na. Sigurado akong magsisimula na kami ilang minuto nalang.
"Ay jusko te! Maloloka ka kapag nakita mo yung CEO ng airline na 'to. Hot na hot, as in spicy hot!" Kinikilig pang bulong nito sa katabi.
I cringe. Ang landi nitong babaeng 'to! Wala sa planong hinawi ko ang maliit kong salamin para makita ang nagsalita.
Isang morenang babae na naka pink lipstick ang nakita ko. Halata pa sa mukha niya ang kilig dahil sa mga sinabi niya. Pa pink pink lipstick pa! Akala mo naman ikinaganda niya!
"Nakita ko na yun sa TV te! Laglag panty ko!" Sumagot pa ang isang babae na katabi rin nila.
Humahagikhik pa ito na parang uod na binudburan ng asin! Nakaramdam ako ng init ng ulo. Pinasadahan ko rin siyempre ng tingin sa magic salamin ko ang babaeng nagsalita.
Isang babaeng naka bob cut ang nakita ko. Hindi ba sila nahihiya? Naririnig kaya sila ng mga ibang tao dito sa loob! May mga lalaki pa man din. Mga walang delikadesa!
Huminga ako ng malalm. Kung sabagay, talaga namang gwapo si Trystan. Kaya nga siya playboy sabi ni kuya diba?
"Valerie Lopez, Darwin Tuason, Brianna De jesus, Ivanna Santiago, Tiara Garces and Jasmine Sacha Delaney." Naparolyo ang mga mata ko imbes na matuwa dahil nakapasa ako sa initial screening.
Kaya lang nakita ko na ang dalawang kasama ko ay yung dalawang babae na kilig na kilig habang pinag ke-kwentuhan si Trystan. Lumapit sa'kin si Ivanna. Mukhang anghel ito at hindi makabasag pinggan.
"Congrats! Uhm, Jasmine right?" Tanong nito sabay lahad ng kamay niya sakin.
"Same to you." Tumango pa ako para kumpirmahin na tama ang pagkasabi niya ng pangalan ko.
Inabot ko rin ang kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa pangalawang kwarto. Ito na yung general na interview. 'Yun bang lahat ng nakapasa ay iinterviewhin ng tatlong tao ng magkakasabay.
Nasa hallway palang kami ay narinig ko nanaman ang malalanding boses sa likod ko.
"Oh my god! Yung CEO ng Aeroflot. Di'ba siya 'yun!?" Nilingon ko pa ang mga babae at nakita ko silang nakatingin sa isang kwarto na glass ang pintuan at ang pader.
Sinundan ng mga mata ko ang tinutuloy nila and there I saw him.
Trystan was sitting in the middle of two guys na sa tingin ko ay mga nasa late twenty's. Nakadiretso ang upo niya sa isang swivel chair.
He's wearing a gray suit and a black tie. His hair, dark and lustrous, had a sheen like fine hardwood. But that comparison isn't entirely fair, I suppose.
Hardwood doesn't swish gently like his hair does, swaying with the words as he speaks. A shiny varnish catches merely light around it, but the depths of that deep chestnut brown reflected all the radiance of his smile.
As I stood there, I can feel my legs lose its strength. I shifted my head while catching my breath.
"This way please." Mabuti nalang at nagsalita muli ang isang babae dahil kung hindi ay baka kung saan na inilipad ang utak ko.
Pagpasok palang namin ay hindi na maipinta sa kilig ang mukha ng dalawang babae.
Nagkibit balikat nalang ako at nakita ko si Ivanna na pinipigil ang pagtawa. Siguro napansin niya rin 'yung dalawa kaya gano'n nalang ang naging reaksiyon niya. Pinaupo na kami at maya maya pa ay nagsimula na ang interview.
Sinulyapan ko si Trystan at nakita ko siyang nakatitig sa'kin.
Bakit ba ang hilig niyang makipagtitigan? Hindi ko nga sports 'yan! Naiilang tuloy ako. Hindi ako makapag-concentrate.
Inhale, exhale. Hindi ko hahayaang mawala ako sa katinuan lalo pa ngayon. This is my chance to be part of the aviation kaya huwag niya akong masulyap sulyapan dahil baka mabaliw na ako ng tuluyan dito.
"Brianna De Jesus, why do you want to become a flight attendant?" Tanong ni Trystan sa haliparot na babae.
Nakita ko ang pagpula ng mukha niya nang tumitig sa kanya si Trystan at naghihintay ng sagot niya.
"This is my passion and I know I can do good at it..." Parang nagpintig ang tenga ko habang patuloy lang ito sa pagsagot sa tanong ni Trystan.
Naningkit ang mga mata ko dahil pagkatapos nitong magsalita ay isang makahulugang ngiti pa ang ibinigay nito kay Trystan. Tumango lang ang huli at may ibinulong sa dalawang kasama niya.
Pagkatapos tanungin ng iba pang kasama ko ay huling huli akong tinawag para tanungin. Napatitig ako kay Trystan ng makita ko siyang naghahanda para sa itatanong niya sa'kin.
What is he doing here anyway? This isn't his job.
Gusto niya bang magpa-impress at mang hunting ng mga magagandang babae kaya siya nandito?
Nakaramdam ako ng mga munting kurot sa dibdib ko. Tumikhim pa ito bago nagsalita.
"Jasmine Sacha Delaney, what is your biggest weakness as a person?" Itiniklop pa nito ang mga kamay sa harapan niya at tinitigan akong muli.
Focus Jasmine!
"Interesting question. Well, I think some people would consider the fact that I have never worked in this field before as a weakness. However, being highly trainable and open minded, I have no preconceived notions on how to perform my job. Working with the airline will give me the opportunity to learn the job the way you want it done, not the way I believe it is done." Isang ngiti ang pinakawalan ko sa kabila ng pagda-gundong ng puso ko.
Nakipagtitigan pa ako sa kanya pero this time siya ang bumitaw sa mga titig ko. Gusto kong mapangiti dahil sa ginawa niya pero kung magiging totoo lang ako, sasabihin ko na isa siya sa mga weakness ko.
Yung titig niya.
Yung anino niya.
Yung buong presensiya niya.
Lahat ng 'yon nagpapakatog ng tuhod ko.
Pagkatapos ng interview ay pinalabas na muna kami.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang dalawang lalaki na kasama niya sa panel kanina. So siya lang mismong mag-isa ang mag-iinterview sa finale?
Mas lalo yatang gusto kong manghina ngayon.
"You guys are through except for Tiara Garces and Valerie Lopez." Sabi ng isang babae na siyang nagsisilbing guide namin through-out the interview.
Wait, What?! That Brianna b***h is still here?! What's so special with her answer! It was for a fifth grade student.
Nagkatitigan lang kami ni Ivanna sa nangyari. But atleast masaya parin ako na nakapasa kaming dalawa.
"I will call you one by one." Pumasok na ulit ito sa loob ng kwartong kinaroroonan ni Trystan.
Paglabas nito ay tinawag na niya si Darwin pagkatapos ay si Ivanna. Habang naghihintay ako sa labas ay gusto kong lumayo kay Brianna.
Minsan talaga sa buhay mo, darating yung panahon na may makikilala kang taong magpapa-init ang ulo mo.
'Yun bang alam mong kahit forever kayong magkita o magkasama, hinding hindi kayo magkakasundo.
"Ang gwapo niya girl 'no?" Lord help me!
Bulong ng isip ko ng marinig ko nanaman ang pagpuna ni Brianna kay Trystan. Kausap pa nito si Ivanna sa loob. Wala na ba siyang kayang sabihin kundi ang gwapo ni Trystan? I know that already duh?
"Not my type..." Sagot ko rito.
Luminga ako papalayo sa direksiyon niya. Ayaw ko siyang kausap okay?! Hindi pa ba obvious 'yun?
"Really? Good for me then." Kinikilig na sabi niya.
Napangiwi ako at naparolyo ng mga mata. Mabuti nalang at hindi ako nakaharap sa kanya. Kundi, baka sabunutan ako ng babaeng 'to. Hindi ko maisalarawan ang aura niya. Kakaiba to. Mutant.
"Jas! I got the Job!" Masayang sabi ni Ivanna ng makalabas siya sa transparent door.
Halos maluha-luha pa siya habang nagsasalita.
"Thank God! Congratulations!" Niyakap ko siya.
Mabuti nalang at tinawag na si Brianna sa loob. Habang naglalakad siya ay bahagya niya pang itinaas ang palda niya.
"Flirt." Bulong ko.
"What?" Tanong ni Ivanna.
"A-ah wala--"
"Brianna huh!" Nakita kong ngumisi pa siya kaya kinurot ko ang braso niya.
Bakit kapag kay Ivanna ang gaan-gaan ng pakiramdam ko pero bakit pagdating sa kanya iba?
"Ouch, uy selos ka?" Dugtong nito.
Hala? Bakit naman kaya ako magseselos?
"H-uh? Ah- eh, bakit naman ako magseselos?" Inilayo ko ang tingin ko sa kan'ya.
I think I need to practice more about suppressing my emotions. Masyado na kasing lumalabas ng kusa sa katawan ko.
"E kasi kanina pa sila nag ngi-ngitian nung CEO. So it's either inggit or selos nga?" Pangungulit nito.
Tumingin ako ulit sa loob at tinuro ang pwesto ng dalawa.
"Shh, hindi mo ba nakita? Tignan mo oh, sobrang pagpapacute niya kay Trystan. Tapos, What the f**k! see? Did she just winked at him? Why the hell did she do that!" Pag lingon ko sa kan'ya ay nakita ko ang isang kilay niya na nakataas at ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya.
Kaya hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko. Tumuwid ako ng upo at nakita kong nag hand shake na si Brianna at Trystan.
Naparolyo ulit ang mga mata ko.
"Easy, Chill ka lang. After niya turn mo na. Uy! Trystan pala ha." Pang-aasar nito.
Hindi ko na alam kung papano ako magre-react. Huling huli ba ako sa akto? Naiinis lang naman ako dahil sa pinapakitang kaharutan nung babae na 'yon.
Pagseselos na ba 'yun? Ingget? Ah basta! I don't like her. Kahit na hindi maipinta ang mukha ko ay pinilit ko paring ngumiti habang naglalakad papunta sa upuan na nasa harapan ng CEO ng Aeroflot.
Mabuti nalang at sabi sakin ni Ivanna ay hihintayin niya ako sa ground floor. Kaya kahit na hindi ko makuha ang trabahong 'to, atleast may nakuha naman akong kaibigan.
"Good morning." Nakangiting bati ni Trystan.
"Good morning Mr. Lewis." Nakapaskil parin sa mukha ko ang isang pekeng ngiti.
Nakita ko ang pag tiim bagang niya.
"Take a seat." Sinunod ko 'yon. Eye contact Jas. Bulong ng utak ko.
Tumingin ako sa mga mata niyang nang-aakit. Gaano ko ba katagal kakayanin 'to? Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi niya parin ako tinatanong ng kahit na ano.
Tumikhim pa ako sa kanya habang siya ay nakatuon lang ang pansin sa kanyang computer.
"Uhm, Mr. Lewis, aren't you gonna ask me something?" Napaligon siya sakin dahil sa sinabi ko.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin na para bang naguguluhan.
"This is my final interview right? You supposed to ask me a question remember?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko.
Gosh! I will understand if Trystan will not hire me. Masyado akong mapapel at intrimitida.
"Right." Sabi niya at bumalik na ulit sa kan'yang computer.
Hello? Asan na yung tanong? Ilang buwan na akong nagpraktis para don eh! Halos pati nga ang pag-sagot like a beauty queen ay inaral ko na para lang makasagot with grace sa interview.
Teka, nananadya ba tong si Trystan? Ano na?
"Mr. Lewis?" Tumikhim pa ako bago ko sabihin ang last name niya.
"Sh. Wait..." Narinig ko ang pagtype niya sa keyboard.
Are you kidding me right now?
Bakit kanina kay Brianna may pa ngiti ngiti pa siya at hawak ng kamay Tapos ako, pinaghihintay niya lang!
Lumipas ang ilang minuto ay tutok na tutok parin siya sa kanyang ginagawa.
"Done!" Sabi niya at inayos pa ang kanyang desk. Umayos din ito ng upo at hinarap ako.
"What are you doing later?" Finally a question! Wait...
"What?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"I'm asking you kung anong gagawin mo mamaya pagkatapos nitong interview." Nakita ko pa ang isang ngiti sa kanyang mukha na para bang hindi inintindi ang tungkol sa interview.
"Mr. Lewis, can you just ask me a question that can help me get this job?" Pinipigilan ang inis na tanong ko.
Nakakainis! Ano bang akala niya, laro laro lang 'to? This is my dream he's ruining.
"I am asking you a question." Sumeryoso ang mukha nito. Nagpapatawa ba siya.
"Are you serious?!" Hindi na siya nagsalita pa.
Oh great! I don't have any choice but to answer his nonsense question.
"Uhm..."
Badtrip, sa lahat ng tanong na inaral ko itong tanong niya ang wala akong maisagot. Saan nga ba ako pupunta? It all depends on this interview.
Kung matatanggap ako baka sa Parissiene or cafe pero kung hindi naman, siguro sa simbahan. Mag nonovena. Mag papamisa at mag rorosaryo. God knows how badly I want this.
"It depends. If I got this job I'll go to Parissiene but if not, I don't know." Tumango lang ito at umibis na sa desk niya patungo sa kinauupuan ko.
Napatayo narin ako at pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ako.
"Let's go to Parissiene then."