Chapter Sixteen
Elevator
Kahit na nagwawala ang utak ko at ang buong pagkatao ko ay parang hindi naman 'yun ramdam ng mga paa ko. Para akong nahi-hipnotized sa pagkakahawak niya sa'kin. Yung mga paa ko na kusang sumusunod lang kung saan niya ako dalhin.
What the hell is wrong with this guy? Pinagtitinginan na kami sa buong building oh!
"Mr. Lewis, can you let go of my hand?" Naramdaman ko ang mas lalo nitong paghigpit sa pala-pulsuhan ko.
Pinindot nito ang elevator at pagbukas non' ay sakto namang lumabas ang lahat ng nasa loob.
Hinila niya ako papasok dito. Bago pa man ako nakapagisip ay sumarado na ang elevator.
"Mr. Lewis, my hand-" binitawan niya ang kamay ko.
Trystan now faced me while trapping me with his arms in the corner of the elevator. His face was just inches away from mine. I can smell his mint breath. His eyes are on flames habang titig na titig sa mga mata ko.
Olaf. Ako si Olaf, gusto kong matunaw sa harapan niya. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.
Oh s**t! Napapikit ako ng makita kong akmang hahalikan niya ako. Again? Baka maadik na ako ng tuluyan sa mga halik niya.
Ano nanaman bang pumasok sa isip niya? Ano nanaman ba ang nagawa ko? Is he giving me his hot punishment again?
Pero bakit... Ang tagal naman yata?
Iginalaw ko pa ang mga labi ko para tantiyahin kung malapit na ba ang mga labi niya.
Napapitlag ako ng maramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko. He gives me shivers!
Napakapit ang magkabilang kamay ko sa railings ng elevator. Nanghihina ako, parang anytime ay babagsak ako. Mas inilapit niya pa ang bibig niya sa tenga ko bago nagsalita.
"Call me Mr. Lewis again and I will kiss you." He said it with a very sexy, teasing husky voice.
I could feel my nerves tingling like being tickled with a small feather. Bago pa man ako makasagot ay narinig ko na ang tunog ng elevator at ang pagbukas nito.
Dang! Narinig ko rin ang mga ingay ng mga nagtatrabaho sa building. Masaya pa ang usapan nila pero bigla nalang napahinto ang mga ito.
Guminhawa ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang pag-alis niya sa harapan ko. Dahan-dahan ko pang iminulat ang mga mata ko para makasigurado kung talaga bang umalis na siya.
"Good morning Mr. Lewis!" Natatarantang bati ng mga empleyado sa kanya.
Patay. Nakakahiya. Naabutan pa nila kaming ganon ang pwesto. Nakita ba nila kung gaano kalapit ang boss nila sakin? Ugh!
Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Kinuha niya na ulit ang kamay ko at hinila papalabas ng elevator. Lahat ng mga ulong nadadaanan namin ay sa amin nakatingin.
Mr. Lewis!
Gusto ko siyang sigawan pero baka totohanin niya ang sinabi niya sakin kanina sa elevator. Pero bakit parang may part sa pagkatao ko na gustong isigaw 'yon ng paulit-ulit?
Parang nanghihinayang pa ako sa naudlot na halik niya. Crap! Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga weird thoughts sa utak ko.
"Trystan... Nakakahiya, pwede mo na akong bitiwan. Lahat sila nakatingin na sa'tin." Bulong ko dito habang papalabas kami sa building.
"I don't care." Ma-awtoridad na sagot.
Ni hindi man lang niya ako tinignan. Nakita ko pa si Ivanna sa hallway. Halos mabali ang leeg niya masundan lang kami ng tingin ni Trystan. Bakas pa sa mukha niya ang pagka-gulat. Teka, sabi niya nga pala sa'kin na hihintayin niya ako. Paano na to? Di bale, may cellphone number naman niya ako. Tatawagan ko nalang siya mamaya para sabihing babawi ako.
Nakalabas na kami ng building pero hawak parin ni Tyrstan ang kamay ko. Binitawan niya lang 'yon ng pasakayin niya ako sa kanyang sasakyan.
"Trystan, yung sasakyan nila Mommy." Sabi ko rito.
Nakaupo na ako at inaayos ang seatbelt ko.
"Ipapakuha ko nalang mamaya at ipapahatid sa bahay niyo." Sagot nito.
"Totoo bang tanggap na ako?" Humarap pa ako sa kanya.
"Not yet." Binuksan niya na ang engine at nilisan ang lugar na 'yon.
"What?!"
"Joke lang. Let's eat lunch. I'm hungry." Bale walang sagot nito.
Gusto ko ng umiyak. Feeling ko pinaglalaruan niya ako. Isa ba akong laruan para sa kanya? Bakit ba siya ganito? Pangarap ko ang nakasalalay dito. Mahirap bang intindihin 'yon?
Hindi na ako umimik sa buong biyahe namin. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Nakarating na kami sa isang italian restaurant ni Trystan. Ibinigay na sa amin ng isang babaeng waiter ang menu at saka niya ito ibinuklat. Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to!
Ano bang gusto niyang palabasin? Hindi niya ako masusuhulan ng pagkain kahit na medyo kumukulo narin ang tiyan ko dahil sa gutom.
"What do you want?" Tanong nito.
Nakatutok parin ang mga mata niya sa menu.
"I'm not hungry." Pinisil ko ang daliri ko.
Pinipigilan ko ang sarili kong huwag umiyak pero parang hindi ko na kaya. Aaminin ko, hindi ako matapang. Hindi ko kayang pigilan ang mga emosyon ko but I'm trying my best to do so...
"It's lunch time Jasmine, order what you want. Kumain ka, ang payat mo." Puna pa nito sakin.
Really? May oras pa siyang punahin ang katawan ko pero ang tanong ko, hindi niya masagot ng maayos?
"Ano bang gusto mo Trystan? This is my dream. Bakit ba hindi mo nalang sabihin kung tanggap na ba ako o hindi? Bakit ba dinala mo pa ako rito? Ano 'to pampalubag loob?" Nanlalabo na ang mga mata ko.
Tumayo na ako bago nagmamadaling lumabas ng restaurant.
Ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong maging mahina sa paningin niya. Besides, madami pang airline diyan. Pwede akong maghintay nalang ulit. Kahit gaano pa katagal, huwag lang akong maging mukhang bale wala sa kanya. O sa kahit na sino!
Sasakay na sana ako sa taxing pinara ko pero may isang kamay ang pumigil sakin. Nang makita ko si Trystan ay bumuhos na ang mga luha ko.
The sea of dark emotions churns with no outlet but the sobs, I can feel my hands shaking from anger and hurt.
Mabilis na tumataas at bumababa ang mga balikat ko. Sinubukan ko pang bawiin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya 'don.
"Let me go Trystan please... Huwag mo na akong paglaruan. That is my dream. Hindi biro para sa'kin lahat ng 'yun. Matagal akong naghanda para dun. Bakit ba parang wala lang sa'yo?" Humahagulgol na sambit ko.
Pero imbes na sagutin ako ay isang yakap ang ginawa niya.
Mahigpit na yakap.
Gusto kong pumiglas at kumawala sa kanya pero mahina ako. Naubos na ang lakas ko dahil sa mga luhang pinakawalan ko. Hinagod niya ang likod ko at hinawakan ang ulo ko.
"I'm sorry..." Bulong niya.
"I didn't realized I was hurting you. I forgot to congratulate you. Nakalimutan kong sabihin sayong tanggap kana. I'm sorry for making stupid signals. Sa unang interview pa lang alam kong magiging isa kang asset ng kompanya Jas. I'm sorry, please stop crying..." Pagmamakaawa nito.
Halata sa boses niya ang pag-aalala. Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap niya sakin. Totoo na ba ang mga sinabi niya? Malinaw na ba? Tanggap na ba talaga ako? Yung totoo?
Lumuwag ang pagkakayakap niya at tsaka niya hinawakan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luhang lumalandas doon.
"You're hired. I'm sorry. Gusto lang kitang makasamang mag lunch. Yun lang kasi ang alam kong dahilan para makasama ka..." Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.
"I know matagal ko na dapat ginawa ang humingi ng tawad sayo. Jasmine, let's start over... Alam kong hindi ko na maibabalik pa lahat ng mga nangyari. Pero isa lang ang gusto ko ngayon at yun ang makilala ka..." Huminto na ako sa pag-iyak.
Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Kahit na nagmamakaawa siyang patawarin ko siya ay nananatili parin siyang gwapo sa paningin ko.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko dahil ngayon ay malinaw na sa mga unang sinabi niya na tanggap na ako.
Na magiging isang ganap na Cabin crew na ako. Parang lalo pang naging panatag ang loob ko sa mga huling sinabi niya.
"Am I still hired?" Tama siya.
Mas maganda sigurong mag-umpisa kami ulit. Diba nga, change is the law of life and those who look only to the past or present are certain to miss the future.
Isang tango lang ang tanging naisagot niya. Napakababaw kong tao. Hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino.
"Okay Trys. I forgive you..." Huminga pa muna ako ng malalim bago ko nasabi sa kanya yun.
Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya na lalo niyang ikina-gwapo. Pumaskil pa doon ang isang genuine na ngiti. Yayakapin na sana niya ulit ako ng may narinig kaming isang boses sa loob ng taxi.
"Ah miss, boss. Mawalang galang na baka pwedeng magtanong kung sasakay pa ba kayo? Kasi kanina pa ako naghihintay eh..." Magalang na tanong ni manong driver ng taxi.
Napakamot pa ito sa ulo kaya napangiti ako kay Trystan. Kinuha naman nito ang wallet niya sa likod ng kanyang pantalon at kumuha ng pera don.
"Sorry Manong. Hindi na ho siya sasakay." Sabi ni Trystan pagkaabot ng pera dito.
"Keep the change." Halos mapunit na yata ang mukha ni manong sa sobrang saya dahil sa ibinigay ni Trystan.
Lumabas pa ito ng sasakyan at nagpasalamat sa kanya.
"Walang anuman ho." Sabi nito.
"Salamat Ser. Malaking tulong ito sa pamilya ko. Salamat ulit. Mauna na ho ako sainyo. Nako ang swerte nin'yo sa isat-isa. Bagay na bagay kayo. Parehas maganda at gwapo." Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ni manong.
Palibhasa siguro may edad na siya kaya malabo na ang paningin niya. Nang makaalis na ito ay naiwan kami ni Trystan na nagtatawanan.
"Pano ba yan, bagay daw tayo." Pagbibiro nito.
Tinignan ko siya ng masama. Nakakaloko kasi ang mga ngiti niya. Huwag nga siya diyan. Kaka-ayos palang namin ay kung ano ano na naman ang mga sinasabi niya.
"Jasmine..." Sumeryoso ang mukha niya dahilan para kabahan ako.
Napahawak pa ako sa itim na doctor's bag ko. Ano na naman ba ang lalabas sa labi niya? Baka tuluyan na akong mahulog sa kanya. No!
"Can we eat now? I'm starving." Hinawakan pa nito ang kanyang tiyan. Natawa nalang ako sa ginawa niya bago siya tinanguan.
Aysus, nagugutom lang naman pala siya.
After naming kumain ay nagprisinta na itong ihatid ako. Sinabi niya rin mismo na siya ang magi-email sakin ng mga kailangan ko bago ako sumalang sa training.
Papalabas na kami ng Parissiene ng may makasalubong kaming isang maputing babae. Nakasuot ito mg dress na hapit sa katawan. Ang sexy niya. Tapos kutis mayaman. Makapal nga lang ang make-up niya kaya hindi ko alam kung maganda rin ba siya kapag wala ang mga kolorete niya sa mukha.
"Trystan? Is that you?!" Sabi nito na parang sinisipat pa si Trystan.
"What now Raffie?" Wala sa mood na sabi nito.
Nawala rin ang ngiti niya bago kami lumabas ng resto.
"Nothing and... Who the hell is she?!" Tinignan pa ako nito from head to toe!
Wow ha! Ako lang naman yung babaeng magbibigay ng hell sayo kapag sinabihan mo pa ako ng masama. Hindi ko naisatinig 'yon. Naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Trystan na ikinagulat ko.
"This lovely hell you're talking about is my girlfriend. So please get the hell out of my sight." Dire-diretsong sabi nito.
Halos namutla ang babaeng tinawag niyang Raffie. Kahit na makapal ang make up niya ay kita sa mukha nito ang kabiguan at inis.
Girlfriend. Lovely... Girlfriend...
Umalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Trystan. Nababaliw na ba siya? Alam niyang hindi totoo ang lahat ng 'yon.
"Girlfriend?! This can't be Trystan! And you! You will pay for this!" Baling niya sa'kin.
Imbes na magsalita pa si Trys ay iginiya na ako nito papalayo. Sinulyapan ko pa si Raffie na padabog na umalis sa pwesto niya.
Nakaramdam ako ng konting awa para sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang meron silang dalawa kaya dapat maging neutral lang ako.
Hindi naman ako natatakot sa banta niya pero bakit ganun nalang ang gulat at galit niya ng malaman niyang girlfriend ako ni Trystan?! Hindi. Hindi niya ako girlfriend. Ano ba 'tong mga sinabi niya dun sa babae?
"Sino yun?" Tanong ko dito ng nasa daan na kami pauwi ng bahay.
"Si Raffie. Don't mind her. She's just obsessed..." Bale walang sagot niya.
Nagkibit balikat nalang ako. Ayoko naman kasing manghimasok sa kung anong meron sila nung babaeng 'yun.
Kahit na gustong-gusto kong itanong kung bakit niya ako ipinakilalang girlfriend kay Raffie ay hindi ko na ginawa.
Siguro gusto niya lang itaboy si Raffie. Pero gusto ko yung isiping...
Girlfriend niya ako at boyfriend ko siya.