Chapter Seventeen

1711 Words
Chapter Seventeen Kiss Trystan Lewis: Next week will be the start of your training. Ito ang unang nabasa ko sa email ko ngayong araw. It made my day. Akala ko maghihintay na naman ako ng matagal pero mabuti nalang at hindi naman. Excited na akong magtrabaho. Excited na ang mga paa kong malibot ang mundo. Ako: Thanks Trys! Sagot ko rito. Bakit ba siya ang nag e-email sakin ng mga dates at kung ano-anong kailangan ko? Hindi ba'y may mga tao namang yun ang trabaho sa kompanya nila? Isinara ko na ang laptop ko. So what should I do today? Hit the beach? Hit the cafe? Hit the quan? Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Baka sila Hailey na ang tumatawag. I can't wait to tell them na nakapasok na ako sa airline at any time soon ay training na. Nawala ang ngiti ko ng makita ko ang isang unknown number sa screen ng cellphone ko. I really hate answering calls from strangers. Kahit nga sa kakilala eh. I don't know why i'm this lazy to hit the answer button. Hinintay kong mawala ang tawag pero wala pang limang segundo ay tumawag na ulit ito. Gusto ko lang i-enjoy ang tunog ng cellphone ko habang pinaghihintay ang nasa kabilang linya. Nakaka-apat na tawag na ito kaya sinagot ko na. "Hello?" "What took you so long?" Iritado ang baritonong boses na narinig ko sa kabilang linya. "Who's this?" Sino ba siya para tawagan ako? E hindi nga naka-register ang phone number niya sa cellphone ko e. Meaning, we are not friends. "It's Trystan." Napatuwid ako ng pagkaka-upo ng binanggit niya ang pangalan niya. "Trystan?" Nauutal na tanong ko sa kabilang linya. "How many people named Trystan do you know?" Sure na ako na siya ang nasa kabilang linya. Ang sungit naman kasi. "A few..." Narinig ko ang pag buntong hininga niya na parang nauubos na ang pasensiya. "Joke! How did you know my number?!" Natatarantang tanong ko. Mahirap yata siyang biruin ngayon. Baka meron siyang dalaw mahirap na. "I have your resume remember?" Oh crap! Oo nga pala. "Ah. e, bakit ka pala napatawag? Hindi mo ba makontak si Kuya Jacob? He's not even here-" "No. I want to talk to you. Cherry peek four pm." Hindi na ako nakasagot ng marinig ko ang isang mahabang beep sa kabilang linya. Usap? Tungkol saan? Nagsimula na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Tungkol ba 'to sa application ko? Babawiin niya ba? Napapikit ako ng mariin sa naisip ko. Napasulyap ako sa wall clock ng kwarto ko. What? three pm na! How am I supposed to get ready within one hour? Babiyahe pa ako. Gosh! He is insane. Tumayo na kaagad ako sa kama ko at saka dumiretso sa banyo. Para akong si the flash habang ginagawa ang mga seremonyas ko. three thirty pm na pero nakatunganga parin ako sa harapan ng closet ko. Ano bang isusuot ko? Sa dami ng mga nakahanger dito ay wala akong mapili. Wala na akong maisuot! This one, kuha ko sa isang itim na pleplum top. I already wore this at school for an event. And this, baling ko naman sa red dress na medyo daring ang likod. This isn't appropriate. Hindi naman kami mag de-date ni Trystan para yun ang suotin ko. Hinawi ko isa-isa ang mga damit sa walk-in closet ko, baka sakaling makahanap ako ng maayos na isusuot. "No, no, too short, no, baduy, no, nice but no, too tight, nope, gotcha!" Hawak ko ang isang navy blue dress na simple lang. Hindi masyadong maiksi pero hindi manang tignan sa haba. Bakit ba ako namimili at nag-aayos para sa kan'ya? Maghahanap pa sana ako ng iba pero ng sinulyapan ko ang orasan ay bigla akong nataranta. three fourty na! Late na ako. Patay! Agad kong isinuot ang damit na hawak ko kumuha rin ako ng doll shoes na gagamitin ko. Pagkatapos kong sipatin ang repleksiyon ko sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto. Tinakbo ko na nga yata ang hagdan para lang makarating sa baba eh. "Mang Pedring." Tawag ko dito. Ayoko na kasing mag drive baka lalo lang akong mahuli. Siguro naman ay may alam si Mang Pedring na shortcut patungo sa Cherry Peek. Lumabas ako ng garden pero hindi ko siya nakita. Kapag nga naman minamalas ka oh! Kinuha ko nalang ang susi ng bmw at saka lumabas ng bahay. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Trystan na nakatayo sa labas ng double door namin. He's wearing a dark green long sleeves, jeans and a pair of leather sneakers. The rays of sun highlight the dimples in his cheeks. His aviators looks so good on him. Nakita ko rin sa likod nito si Mang Pedring na inaayos ang gate. "Trystan, why are you here?" Takang tanong ko sa kanya. "You are not answering my calls. Kaya sinundo nalang kita." Nasa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay niya. About my phone... Naiwan ko pa yata sa kwarto ko dahil sa pagmamadali. "Uh, I think I left my phone upstairs." Nahihiyang sabi ko sa kanya at agad na yumuko. "It's okay. I'll wait for you here." Wow. Good mood na ba siya? Tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ko. Nakita kong nakapatong sa ibabaw ng kama ko ang cellphone ko at ng buksan ko 'yun ay lahat mg notifications ay galing sa mga tawag ni Trystan. Ano bang meron ngayon at gusto niyang mag-usap kami? "Ano bang pag uusapan natin?" Tanong ko rito nang makarating na kami sa cherry peek at ngayo'y nasa isang restaurant. "Nothing. I just wanna see you." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. Kinikilig ba ako? "Ha? bakit naman?" Nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. Sungit talaga. "I just want to." Diretsong sagot nito. Um-order na kami ng pagkain at tahimik na hinihintay 'yon. "Is it true that you have a boyfriend?" All of a sudden na tanong niya. Napalingon ako rito. Ano bang dapat kong isagot? Yung totoo o yung sinabi ko sa kanya before? "No--" Ayokong magsinungaling sa kan'ya. Besides, napag-usapan na namin na magsisimula ulit kami. Getting to know each other stage ito kumbaga. "So you lied to me back then?" Isang tango nalang ang tanging naisagot ko sa kanya. "Why?" Anong klaseng tanong ba yan? Bakit wala akong boyfriend oh bakit ako pumayag na sumama sa kanya ng gabing 'yon? "What do you mean why?" Kinuha niya ang isang tubig ng baso sa harapan niya at uminom doon. Parang bigla ring natuyo ang lalamunan ko dahil sa usapan namin. "Why did you kissed me that night?" Seryosong tanong niya habang ang mga mata'y nakatitig lang sakin. "I just want to." I'm not mocking him. Totoo naman talagang gusto ko lang siyang halikan that time. Oo na, naakit ako sa kanya. Sino ba namang hindi? Hindi na nasundan pa ng mga tanong ang usapan namin. Nag-usap nalang kami about sa application ko at pagkatapos non ay naglakad lakad sa isang park. "Akala ko ba naka leave ka?" Tanong ko rito habang naglalakad palibot sa malaking park. Marami ring mga taong nakatambay sa lugar na yon. Parang ang aliwalas ng paligid. Mayroon pang isang fountain sa gitna nito na pinalilibutan ng mga taong naghahagis ng coins. "Yes. I am still on my leave." Sagot naman niya. "Why don't you spend your time outside the country? Go to the beach or something like that..." Patuloy parin kami sa paglalakad at ini-enjoy ang sariwang hangin ng lugar. "How about you? Why don't you spend your last week of being un-employed?" Bale walang sabi niya sa tanong ko. "I'm thinking about it. But i will ask for Kuya Jacob's permission first." "Of course. So, can we go to the beach this weekend?" Napahinto ako sa sinabi niya. Is he spending his vacation with me? "W-what?" Gusto kong makasigurado sa mga sinabi niya. "Let's go to the beach..." "Are you serious?" Sa totoo lang gusto ko talagang pumunta sa beach ngayon, kaso nga lang wala naman akong kasama. Ngayon namang niyayaya ako ni Trystan parang hindi ako makasagot kaagad. Bahala na nga. Magpapaalam nalang ako ng maayos kay kuya. "Yeah." "But why do you want to go to the beach with me? You can go with your friends, girlfriends, fling friends. You know..." Napatiim-bagang siya sa mga nasabi ko. Did i say too much? "I just want to go with you." Sumeryoso siya ng tingin sa daan na para bang maraming iniisip. "Why me?" Curious na tanong ko. Umupo kami sa isa sa mga bench doon. Kahit na medyo malayo din ang nalakad namin ay wala akong naramdamang pagod. Ngayon na lang din kasi ako nakapasyal sa isang park. Parang ang tagal ko ng naka tambay sa bahay. Palubog na ang araw at kitang kita sa pwesto namin ni Trystan ang dahan dahang pagbaba nito. "Trys..." Bwisit! Bakit ba kinakabahan ako tuwing kasama siya. Kahit na anong pilit kong maging normal ay hindi ko magawa. "Just don't ask, Jas." Pa-supladong sagot nito. "Ah, okay bahala ka kung hindi mo sasabihin. Hindi nalang ako sasama." Siguro naman kahit ngayon lang pwede akong tumanggi sa kanya diba? Hindi naman na related sa work to' tsaka boss ko siya dapat hindi kami ganito. Ano nga ba kami? Wala namang kami eh. Napapikit siya ng mariin bago humarap sakin. Yung mga mata niyang nangungusap. Itinukod niya ang mga siko niya sa kanyang tuhod at pinagsalikop ang dalawang kamay. "I... I just want to be with you. I mean, I don't know Jasmine. Basta ang alam ko lang ay gusto kitang makasama." Nauutal na sabi niya. Tumuwid na ito ulit ng upo bago humarap sakin. Nakipagtitigan ako sa mga mata niyang nag-aalab. Oh my Gosh Trystan! My heart began to pound and I could feel my cheeks getting hot. "I like you Jasmine and believe it or not, I can't stop thinking about you since that night. I was looking all over the place to find you." I gripped on my dress tightly with sweaty hands as my heart still beating fast. I can also feel the butterflies on my stomach. "Trystan..." That was the only word I can say. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong matuwa sa lahat ng mga sinabi niya. "Jasmine, I like you. And it's killing me not to see you everyday. I know it's weird but that's how I feel." Hinawakan ko ang kamay ni Trystan at pinisil 'yon. Hindi niya alam kung gaano niya ako pinasaya. Gusto ko ring sabihin sa kanya na araw-araw naiisip ko siya at gusto ko rin siyang makita. Pero wala ng lumalabas na mga salita sa bibig ko. Gumalaw nalang ako at niyakap siya. Ginantihan niya ang mga yakap ko. I feel like I'm on cloud nine. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko dahil kahit kailan ay hindi pa naman ako nakaramdam ng ganito. Basta masaya ako kapag nakikita ko siya. Kapag magkasama kami parang yung paligid namin humihinto. Hindi ako mapakali at parang sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Ang this hug, I feel comfortable with it. Para bang sapatos ni cinderella na sukat na sukat sa kanya. Ito na ba yung sinasabing love?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD