Chapter Eighteen

2096 Words
Chapter Eighteen Coastal Paradise Nakasuot ako ng sando at beach shorts na ang panloob ay itim na two piece habang inaayos ko ang mga gamit na dadalhin ko para sa pagpunta namin ni Trystan sa beach. "Kuya I'll be back tomorrow." Sabi ko dito na ngayo'y naka-upo sa office niya na nasa isang bahagi ng aming bahay. Ni hindi man lang niya ako sinulyapan, halata kasing napaka busy niya at marami na ring mga papel ang nakatambak sa ibabaw ng kanyang lamesa. "Okay. Call me when you get there." Talaga? Halos magliwanag ang mukha ko ng literal dahil sa sayang naramdaman ko. Ni hindi man lang niya tinanong kung sinong kasama ko or kung may kasama ba ako. Basta ang mahalaga pumayag na siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Thank you Kuya. I'll be home tomorrow. Love you!" I peck a kiss on his cheeks and hugged him once again before leaving his office. Tinawagan ko pa ang parents ko at nagpaalam narin sa kanila na bukas pa ang balik ko. Sabi ni Trystan susunduin niya ako pero mag-aalas otso na ay wala pa siya. Lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad. Sigurado naman akong kapag pumunta siya sa amin ay dito rin ang daan niya. Maganda kasi ang sikat ng araw dahil maaga pa. Hindi pa ito nakakapaso ng balat. Sabi ni Manang Celia masyado na daw maputla ang kulay ko kaya kailangan ko rin ng araw para naman magkaron ng kaunting kulay ang balat ko. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Dinukot ko iyon at nakita ang pangalan ni Hailey sa screen. Dali-dali kong sinagot ang tawag niya. "Hailey! Oh my God I miss you!" Excited na sabi ko sa kabilang linya. "Hi Jasmine! I just wanna congratulate you and I miss you too!" Ramdam na ramdam ko sa boses niyang totoo ang mga sinasabi niya. Paano ba naman, ilang buwan narin kaming hindi nagkikita-kita. "Thank you Hailey! So what's up?" Isang malawak na ngiti ang nasa mga labi ko habang kausap siya. This day is going to be great! "Okay lang naman ako..." Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. "Are you really okay? How's Caleb?" Si Caleb ang ex niya. Hindi ko nga maintindihan itong si Hailey kung bakit hanggang ngayo'y tinutulungan niya parin yung ex niya. Last time I check, he hurts her so bad. "He's fine. Hows Kelvin?" Nauutal na sabi niya. "I haven't seen him in awhile. Hails, when are you coming home again?" Sa kabila ng pagka-miss ko sa kanya, alam kong marami pang mga bagay ang dapat niyang ayusin. Pinipilit ko siyang intindihin pero hindi ko magawa. Kung sabagay, wala pa naman akong karanasang mainlove. Kaya susuportahan ko nalang si Hailey sa mga desisyon niya. "Soon Jas, hey... I gotta go. Bye Jas. Take care!" Hindi na ako nakasagot pa. Ibinaba ko nalang ang linya at saka patuloy na naglalakad. Asan na ba kasi itong si Trystan? Mangingitim pa yata ako bago siya makarating. "Ay palakang bakla!" Napapitlag ako dahil sa isang busina ng sasakyan sa likod ko. "Why are you walking?" Tanong ni Trystan ng bumaba ang tinted na salamin ng kanyang sasakyan. "Get in." Dagdag pa nito. Binuksan niya ang front seat at pinasakay ako don'. "I was at your house at sabi ni Mang Pedring ay nakaalis kana." "Ang tagal mo kasi eh. Tsaka akala ko makikita mo ako pagpasok mo ng village." Isinuot ko na ang aking seatbelt. "Ah." Maikling sagot niya. Sinulyapan ko si Trystan. Nakasuot ito ng isang plain na puting t-shirt at puting shorts. "That was too short." Mahinang sabi niya habang nagmamaneho. Napatingin ako sa kanya para tignan kung ano ang tinutukoy niya. "What?" Tanong ko rito. "That shorts." Hello? Malamang. kaya nga tinawag na shorts eh. "We're going to the beach Trys." Shorts palang nagsusungit na siya? Paano pa kaya kapag nag two piece na ako mamaya? Halos alas tres na ng hapon ng makarating kami sa isang beach sa Batangas. Naipit kasi kami sa traffic at medyo malayo rin sa kabihasnan ang lugar na ito. Kinuha ni Trystan ang mga gamit ko at binitbit ang mga yon papasok ng front desk. "Mr. Lewis!" Bati ng isang babaeng naka sky blue na uniform at puting shorts. Nakita ko ang pag ngiti ni Trystan dito na bahagyang ikinainis ko. Ibinaling ko nalang ang mga mata ko sa dalampasigan na may mga pino at puting buhangin. Private ang beach resort na ito at iilan lamang ang tao doon. Mayroon pa akong nakitang golf course sa kanan ko at sa kaliwa naman ay ang isang malaking infinity pool na napapaligiran ng matataas na puno at mga puting beach chairs. Sa may dalampasigan naman ay nakapwesto ang mga kahoy na upuan at malalaking payong. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa isang panaginip. Sariwa ang hanging nalalanghap ko. Ang hanging dumadaan sa balat ko ay malamig at presko. Napatingin ako kay Trystan habang kinakausap parin ang isang front desk officer. "Mabuti naman at napadpad ulit kayo rito." Masayang sabi nito kay Trystan. Siguro ay suki na siya dito. Baka nga dito niya dinadala ang lahat ng mga babae niya eh. Hmp! Nakaramdam ako ng inis. Sa mga oras na to isa lang ang gusto kong gawin, ang lumangoy sa kulay asul na dagat na nasa harapan ko. "This is Jasmine Delaney." Pagpapakilala sa akin ni Trystan sa babaeng ang pangalan ay Lea. Siguro mga nasa trenta anyos na itong si Lea. Maluwag ang pagkakangiti nito sakin, pero ang mga ngiti niya'y makahulugan. Ibinigay na nito kay Trystan ang isang key card. Teka bakit isa lang? Hindi pwedeng sa iisang kwarto lang kami ni Trystan! Protesta ng utak ko. "Teka, Trystan nakalimutan mo yata ang susi ng kwarto ko." Pagkuha ko ng atensiyon niya habang patuloy na naglalakad sa harapan ko. "This is the key." Itinaas pa nito ang key card na ibinigay ni Lea kanina. "How about your room? Asan ang susi mo?" Jusmiyo. Hindi ko kakayaning makasama siya sa iisang kwarto! Baka kung anong mangyari. Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko! "We have the same key card." Sinasabi ko na nga ba eh! Ano bang binabalak niya? Wag niya akong maakit-akit. "What?! Trystan no-" Magsasalita pa sana ako pero bigla akong namangha sa nasa harapan ko.  Hindi lang ito simpleng kwarto kundi para itong isang penthouse na nasa harapan mismo ng beach. Meron din itong sariling pool sa labas ng glass walls. Pumasok na kami sa loob matapos niyang buksan ang pinto. Moderno ang pagkaka-disenyo ng penthouse na 'yon. Pagkapasok palang namin ay napansin ko na ang isang litrato ng isang batang lalaki na nasa taas ng fireplace. Lumapit ako doon habang si Trystan ay binubuksan ang isang kwarto. "You can stay here. This room has the best view to the entire resort." Inilapag niya ang mga gamit ko sa kwartong tinutukoy niya at lumabas na ulit. "Who's this?" Curious na tanong ko sa isang portrait photo na hawak ko. "Why?" Nakakunot noong tanong niya. "Is this you?" Tinignan ko ulit ang litratong hawak ko. Pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. Nose, eyes, eyebrows. Check. Nagpalipat lipat pa ang mga mata ko bago siya muling sumagot. "Yes that's me okay. You don't need to look at me like I did something wrong..." Masungit na sabi nito at tumungo sa bar area ng penthouse. Kumuha ito doon ng isang basong alak. "So this resort..." "Yes." Sagot ulit niya. Nalaglag ang panga ko. Tama nga ako. Pagmamay-ari nila ang magarbong lugar na ito. Kaya naman pala parang kilalang kilala na siya ni Lea. Hindi lang siya suki, kundi sa kanya na rin mismo ang lugar na ito kaya anytime pwede siyang magdala ng kahit na sino. Inilapag ko na ulit ang larawan niya sa kinalalagyan nito. Bata pa pala siya ay gwapo na siya. Napangiti ako sa naisip ko. Sabi ng iba kapag maganda or gwapo daw ang bata, paglaki nito ay pangit. Pero simula ngayon hindi na ako maniniwala sa mga sabi-sabi. Trystan is the living proof that myths don't exist. Inilakad ko ang mga paa ko sa kwartong pinaglagyan niya ng mga gamit ko. Napasinghap ako sa nakita ko. "Wow..." Hindi ko mapigilang hindi sabihin 'yon. Nakaka-mesmerized ang lugar. Halatang alaga ito kahit na sobrang lawak, at walang parte ng resort ang hindi makakaakit ng kahit kaninong mata. Napaka brilliant ng nag design ng lugar na 'to. Para akong nasa isang modernong paraiso. Teka iisang kwarto lang ang narito sa penthouse? Saan naman kaya matutulog si Trystan? Lumabas na muli ako ng kwarto at hinanap siya. Nakaupo ito sa couch habang nakataas ang mga paa sa isang coffee table at nanunuod ng basketball. "Trystan, iisa lang ang kwarto sa penthouse na 'to?" Tanong ko rito at umupo sa gilid ng couch niya. "Yeah." Bakit ba kahit na isang tanong isang sagot siya ay gustong gusto ko parin siyang kulitin? "So saan ka matutulog?" Hindi na ito sumagot bagkus ay tinapik nito ang couch na kanyang kinauupuan. Really? Ang CEO, ang nag-iisang anak ng Lewis at ang may-ari ng Coastal Paradise na ito ay sa couch matutulog? "Trys, I can sleep in the other rooms." Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. "Meet me at the beach front." Tumayo na ito ng hindi ako tinitignan. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto ko at magpalit ng pang swimming. Kanina ko pa gustong lumusong sa tubig simula matanaw ko ang magandang dagat sa hindi kalayuan. Tinanggal ko ang aking sando at shorts na puti. Tanging ang itim na two piece nalang ang suot ko. Kinuha ko rin ang puting see-through kimono dress sa bag ko. Sumulyap pa ako sa repleksiyon ko bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko don ay wala na siya. Lumabas na ako ng penthouse at hinanap si Trystan. Nang makatapak ang tsinelas ko sa lupa ay parang gusto ko ng tumakbo sa dagat. Inilinga ko ang paningin ko at halos muntik na akong madapa ng makita ko si Trystan. Tanging shorts nalang ang suot nito. Napalunok ako ng makita kong muli ang katawan niya. May good grace help me! Those tight abs... Kanin nalang ang kulang! Kahit na gusto kong iiwas ang paningin ko ay hindi ko magawa. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano nanaman bang mga bagay itong pumapasok sa utak ko. Dahan dahan akong lumapit sa kan'ya. Nakahiga ito sa isang kahoy na upuan. Alam kong mainit pa pero ng makalapit ako sa kan'ya ng tuluyan ay parang lalo kong naramdaman ang init ng sikat ng araw. Naka-shades ito kaya hindi ko makita kung nakatingin ba siya sa akin o hindi. Umupo na ako sa katabing upuan niya. Kinuha ko ang lotion sa aking bag at agad na naglagay non. Tumayo ako at hinubad ang aking puting kimono. Nasa beach naman ako kaya wala akong dapat ikahiya. Nakita ng peripheral view ko ang bahagyang pag galaw ni Trystan ng mahubad ko na ito ng tuluyan. I wonder kung naaakit din ba siya sakin kagaya ng pagka-akit ko sa kanya? Parang may biglang naglaro sa utak ko. Umupo na ulit ako para tapusin ang paglagay ko ng sunscreen. Pinapakiramdaman ko ang reaksiyon niya habang dahan-dahan kong pinapagapang ang mga kamay ko sa katawan ko. Nakita ko siyang napalunok dahilan para mapangiti ako. "Trys, can you help me?" Tignan natin kung hanggang saan ang pagka suplado mo Mr.Lewis. "What?" Iniangat niya ang kanyang aviator. Iniabot ko sa mga kamay niya ang suncreen at tumalikod sa kanya. "Please..." Hirit ko pa ng hindi ko parin maramdaman ang paglalagay niya sa likod ko. Napaigtad ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. God! It feels good! Parang may mga kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng tumaas ang kamay niya papunta sa leeg ko. Pababa ng spine ko... Shit! Parang lugi yata ako. Parang ako yung mas naaapektuhan. Bumabang muli ang kamay niya. Nang hawiin niya ang buhok ko ay napatayo na ako. "Okay na. Thank you." Nag-aapoy ang pisngi ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bigla akong nahiya sa kapusukan ko. Bad move! Palibhasa kasi kung ano ano ang nasa isip ko eh. Tumakbo na ako papalapit ng dagat at naglakad haggang sa makalubog sa tubig ang katawan ko. Huminga ako ng malalim bago lumusong doon. Sobrang lamig ng tubig kahit tirik pa ang araw. Namiss ko lang talagang lumangoy. Noong bata pa ako ay maitim ang balat ko dahil sa pagbababad sa beach at swimming pool. Noong highschool ako ay sumasali pa ako sa swimming competition tuwing intramurals namin. Ako lagi ang nagcha-champion sa lahat ng swimming competition na ginaganap sa school namin. Gano'n din si Kuya Jacob. Siya nga ang nagturo sa akin ng mga styles e. Sa kan'ya siguro ako nagmana sa galing ko sa pag langoy. Aahon na sana ako ng may maramdaman ako pares ng kamay na humigit sa bewang ko. Nang tuluyan na akong makaahon ay nakita ko ang mukha ni Trystan. Ang mga mata niyang nag-aalab. Yung katawan niyang mainit na nakadikit sa katawan ko. Yakap yakap niya parin ako habang ang kanyang mga mata ay parang nangungusap habang nakatitig sa akin. My heart began to beat fast that its normal pace! Habol ko ang aking paghinga kahit na hindi naman ako gaanong tumagal sa ilalim ng dagat. Napahawak ako sa balikat niya. Hindi naman ako nalulunod sa dagat pero naghihina ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. "Don't do that again Jasmine. I might not control myself next time..." He said it with his husky sexy voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD