Chapter Nineteen
Jealous
Dumadagundong parin ang dibdib ko. Matagal na akong binitawan ni Trystan pero ako, heto naiwang tulala. Parang hindi pa nagpo-process sa utak ko ang mga nangyari.
Fuck! What the hell did just happened? Para akong na-estatwa sa ginawa niya.
I can't play that game anymore. Napapikit pa ako ng madiin bago lumusong muli sa tubig. Nagpapalpitate ako. Paano ko nanaman siya haharapin mamaya?
Ilang minuto ang nakalipas bago ako umahon at pumunta sa lounger kung saan nakasabit ang kimono ko. Nakaupo lang siya doon habang hawak hawak ang isang baso ng refreshment. Ugh! Paano ba mawawala ang attraction ko sa kan'ya?
Palubog na ang araw pero nandito parin kami sa dalampasigan at pinapanuod ang pag galaw ng mga ulap.
"Trystan, are you sure you're going to sleep on the couch?" Pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
"Yeah. I don't wanna let you sleep alone in the penthouse." Feeling ko tuloy girlfriend niya ako sa mga kilos niya eh.
Kahit na medyo may pagka-moody siya ang lakas parin ng dating niya sakin. Tsaka bakit parang ang sarap pakiggan ng thought na girlfriend niya ako? Ganito na ba talaga ako ka excited pag dating sa love?
"Okay. Pero, pwede naman kasi akong matulog sa ibang rooms dito sa resort." Kinuha ko ang isang baso ng smoothie na nasa maliit na table.
"No. All rooms are occupied. Sabi ni Lea ay mayroong bachelor's party sa kabilang side. We will go home tomorrow anyway." Maotoridad niyang sabi.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya last time. Totoo bang gusto niya ako? Gusto niya parin ba ako hanggang ngayon?
"Ang ganda ng lugar niyo Trystan. I can see myself living in a paradise like this." Wala sa intensiyong sabi ko.
Nakita ko ang bahagyang pag ngiti niya.
"You can live here if you want." Kahit na nagbibiro lang ako ay nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya.
But I want to live here with you Trystan... Singit ng puso ko. Hindi na utak ang sumisingit ngayon. Am I in a big trouble?
Nang lumubog na ang araw ay tumayo na siya at niyaya na ako nitong bumalik sa penthouse para maghanda sa dinner namin sa resort.
Mabuti nalang at dalawa ang banyo sa penthouse, hindi ko na makikita ang katawan niyang nagpapalito sa katinuan ko.
Pagkatapos maligo at mag ayos ay kinuha ko ang bag ko at inilabas doon ang isang puting long dress. Napangiti ako sa nakita ko sa salamin ng sukatin ko ang damit. Mayroon pala akong damit na ganito ka simple pero disente tignan. Sa dami ba naman kasi ng mga damit ko ay hindi ko na alam ang laman ng aking closet.
Ang sabi ni Trystan ay sa taas daw kami ng resort magkikita. Sa laki nito paano ko naman malalaman kung saan kami kakain at kung saan ang way papunta doon?
Pagkalabas ko ng penthouse ay pumunta ako sa reception. Alam ko na, hahanapin ko nalang si Lea para magpasama kung saan ang lugar na tinutukoy ni Trystan.
Maingay ang kabilang side ng resort na nadaanan ko. Halos lahat nga ng tingin ng mga lalaki ay sa'kin napunta nang dumaan ako sa harapan nila. Binilisan ko ang paglakad ko pero may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
"Jasmine?" Tawag nito sa akin na dahilan para mapalingon ako.
"Garrett?" I can't believe he's here!
Wow, ngayon ko nalang ulit siya nakita pagkatapos ng hindi niya pagpansin sakin sa Parissiene.
"What are you doing here?" Tanong nito.
Halata sa mukha niyang namumula na nakainom na ito ng alak. What do I expect? Mapupungay narin ang mga mata niya pero yung ngiti niya ang nagpangiti sakin.
Nakakainis ha, kanina lang ay kinikilig ako dahil kay Trystan, tapos ngayon namang si Garret ang nasa harapan ko ay natutuwa naman ako.
"Wala, just hitting the beach." Ginantihan ko ang mga ngiti niya.
"Ikaw? Bachelor's party?" Tanong ko pa rito.
"Yep!"
"Are you with your friends?" Tanong nito. Isang iling lang ang isinagot ko sa kanya.
"Hey Garret, how come you didn't told us that you have a gorgeous girlfriend?" Namula ako sa sinabi ng isang lalaking halos kasing-edad lang din namin.
Girl friend? Or girlfriend? Lumapit pa ito sa amin at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.
"Brian." Nginitian ko lang siya at pagkatapos ay sinabi ang pangalan ko.
"Nice to see you Garret. Mauna na ako ha." Paalam ko rito.
"See you around Jasmine." Lumakad na ako papalayo sa kanila.
Sakto namang nakita ko si Lea na may mga hawak na beach towels. Kahit na gusto kong makausap pa si Garret ay parang mas gusto ng puso kong makita si Trystan.
"Lea." Tawag pansin ko sa kanya.
Nang makita niya ako ay napangiti nanaman siya. Napaka genuine ng ngiti niya at nakakahawa din ang mga 'yon.
"Hi Jasmine!" Ibinigay nito ang mga beach towels sa isang lalaking empleyado ng resort.
"Nakita mo ba si Trystan? Kasi sabi niya mag di-dinner daw kami sa taas."
"Ay oo. Halika sasamahan na kita doon." Walang ano-ano'y umibis na ito at naglakad sa isang direksiyon.
Sinundan ko lang siya. Mayroon pa palang part ng resort ang hindi nakita ng mga mata ko kanina. Ilang hagdan din ang inakyat namin ni Lea patungo sa taas ng resort.
"Grabe naman pala si Trystan. Mabuti at hindi napapagod ang mga babaeng dinadala niya rito?" Narinig ko ang pag tawa ni Lea.
Nakakailang hagdan palang kami pero parang kinakapos na ako ng hininga. Mabuti nalang at maganda ang view sa baba dahil sa mga ibat-ibang kulay na nagmumula sa buong resort. Kahit na madilim na ang kabuuan ng lugar ay buhay na buhay parin ang ganda ng coastal paradise.
"Bakit pagod ka na ba?" Natatawa paring tanong nito.
"Medyo." Nginitian ko siya.
"Ikaw lang ang napagod dito." Napahinto ako ng ilang saglit sa mga sinabi niya.
So weak pala ako kumpara sa mga babaeng dinadala ni Trystan rito? Bakit ko pa ba kasi tinanong ang bagay na 'yon. Wrong move.
"Talaga? e, Ilang babae na ba ang nadala ni Trystan dito?"
Pinilit kong maging kaswal pero pakiramdam ko ay nagmukha lang akong pakialamera sa paningin ni Lea. Narinig ko ulit ang tawa niyang parang nakakaloko bago siya muling nagsalita.
"Ikaw palang." Magsasalita pa sana ako pero huli na.
Nandito na kami ngayon sa taas kung saan mayroong isang table sa gitna ng magarbong balkonahe. Mayroon ding nakahandang wine at kandila sa gitna ng isang lamesa. Sa isang dulo ng balkonahe ay ang bar area. Hindi pa pala natatapos ang paghanga ko sa lugar na 'to. Napasinghap ako ng makita ko si Trystan na nakadungaw sa ibaba ng resort.
"Sige Jasmine, Mauna na ako." Paalam ni Lea sa'kin.
Kami lang pala ang tao ni Trystan doon. Akala ko ay isa sa mga restaurant sa ibaba ang kakainan namin. Hindi niya naman sinabi na mayroon siyang ganito ka romantic na lugar para sa dinner naming dalawa.
"Thank you Lea." Nginitian ko siya.
Umibis na siya sa harapan ko para bumabang muli papunta sa resort.
"Trystan, ang ganda dito." Hindi ko mapigilan ang tuwa ko pero parang bigla akong kinabahan ng malapitan ko siya.
Bakas sa mukha niya ang galit. Masyado ba akong matagal para magalit siya? Wala naman kasi siyang sinabing oras eh.
"Okay ka lang?" Tanong ko rito.
"Oo." Inurong niya ang isang upuan at pinaupo ako pagkatapos naman ay umupo na siya sa harapan ko.
Nagsalin pa ito ng red wine sa mga baso namin.
"Cheers." Tinapik ko ang baso niya gamit ang baso ko.
Pero hindi parin mawala sa isip ko ang expresyong nakikita ko sa kanya.
Nilinga ko ang paligid. Mayroon palang light house sa medyo hindi kalayuan. Maganda rin kaya don?
Parang ayoko ng umuwi sa kabihasnan! I swear, I can live here forever. And if God allows someone to be with me, I will surely choose this handsome guy in front of me. Kahit na masungit pa siya at suplado.
Hindi mawala ang kilig ko sa mga bagay na pumapasok sa isip ko. Tapos itong ginawa niya. It's very romantic. Kahit na sinong babae ay mapapa-oo kapag dito nagpro-pose ang isang lalaki. Napapikit ako ng may marinig akong magandang musika na lalong nagpadagdag ng kilig ko.
"Sino 'yung kausap mo kanina?" Tanong nito sa gitna ng pagkain namin at pagmumuni-muni ko.
Kahit na romantic ang tugtog na nanggagaling sa kung saan ay hindi naman no'n naimpluwensyahan ang mood ni Trystan. Nananatili parin itong naka tiim bagang at matalim kung makatingin.
"Ha?" Nalilitong tanong ko rito.
"I saw you talking to someone." Pagpapatuloy niya.
"Ah, Si Garret ba? Schoolmate ko."
"Okay." Supladong sagot nito.
"Bakit mo natanong?" Kinakabahan ako dahil sa magiging sagot niya.
"Nothing." Same reaction. Isang tanong isang sagot.
"We just greeted each other." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
Natapos na kaming kumain ng main course kahit na medyo awkward ang sitwasyon namin.
"Okay."
"Are you jealous?" Napatawa siya sa sinabi ko.
Right.
Bakit nga naman siya magseselos? Ano ba ako sa ka'nya? Wala naman e. Walang kami. Ilusyunada lang talaga ako. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon dahil sa hiya.
"Why would I be jealous?" Nakapaskil parin sa mukha niya ang isang sarkastikong ngiti. Napayuko nalang ako sa sinabi niya. "I just confessed my feelings for you. I told you I like you. Why would I be jealous if the girl I like was talking to another guy?" Tumayo na siya at pumwesto sa edge ng balcony.
Nakaharap siya ngayon sa baba ng resort habang ang mga kamay ay nakakapit sa railings na kahoy.
Napaangat ako ng tingin sa mga huling sinabi niya.
So... Kaya siya nagagalit dahil tama ako? Nagseselos nga siya? Ang cute niyang magtampo. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Tumayo na ako at walang ano-ano'y niyakap siya sa kanyang likuran. Gosh Trystan! You are always making me jump off my boundaries.
"I... I like you too, Trystan..." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang mga 'yon.
"And I don't know if I just like you or it's more than that." Naramdaman ko ang pag hawak niya sa mga kamay ko at dahan dahan akong hinarap.
Napayuko ako ng makita ang mga mata niyang nakatitig sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko at ini-angat dahilan para magkasalubong ang mga mata naming dalawa.
"Yes. I'm jealous Jasmine. I don't want any guys talking to you or just looking at you. I don't know, but it makes me angry." Malambing niyang pagpapaliwanag.
Para bang kay sarap pakinggan ng mga sinasabi niya ngayon. Naramdaman ko na naman ang mga paro-paru sa tiyan ko na nagsisiliparan. My heart is pounding. It's like shouting Trystan's name all over again.
Hinalikan niya ako sa noo bago muling nagsalita.
"Please don't make me jealous again." Narinig ko sa boses niya ang pagmama-kaawa.
Wala akong tanging naging sagot kundi ang yakapin siya ulit. Naramdaman kong inilagay niya ang mga kamay ko sa kanyang leeg at saka ibinaba ang kanya sa aking beywang.
"Let's dance." Bulong niya ng maipwesto na niya ang kanyang kamay.
Ihinilig ko ang ulo sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang mas paglapit ng katawan niya sakin at ang pagkakayakap niya.
Sa kabila parin pala ng pagka suplado niya ay may malaking parte ng pagkatao niya ang boyfriend material.
Kahit na wala akong alam sa love ay alam ko naman kung paano manuri ng klase ng lalaki. 'Yun bang mga lalaki na may kailangan lang sa'yo at 'yung lalaki na kayang dumaan sa hirap mapasa kanya ka lang.
Habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya ay rinig na rinig ko ang malakas na pag t***k ng puso niya. Halos parehas pa nga ng pagpintig ang mga puso namin e.
See? Kahit yun napansin ko pa. Perks of being a hopeless romantic. Siya na nga kaya ang prince ko? Or gusto niya lang ako at hanggang doon nalang 'yun?
Ipinilig ko ang ulo ko. Sa ngayon isa lang ang gusto kong gawin, ang i-enjoy ang natitirang oras namin dito sa resort. Ang natitirang oras kasama si Trystan. Nakaramdam ako ng lungkot habang iniisip na bukas ay uuwi na kami.
Parang ayokong umalis sa mga bisig niya. Parang gusto kong huminto nalang ang pag-ikot ng mundo at ang paghinto ng oras para lang makasama ko pa siya ng matagal.
Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang isang pamilyar na kanta.
First Love by Utada Hikaru na Instrumental. Bawat tunog ng piano ay damang dama ko.
Sabi nila magulo ang mundo ng pag-ibig pero isa lang ang alam ko at nararamdaman ko ngayon.
Masarap ang magmahal.