Chapter Twenty

1875 Words
Chapter Twenty Stranded Pagkatapos naming mag dinner ni Trystan ay magkahawak kamay kaming bumaba pabalik ng kanyang suite. I'm not used to what I feel but it's in a good way. Habang hawak niya kasi ang mga kamay ko ay hindi ko mapigilang sulyapan ang kan'yang gwapong mukha at mapangiti. Hinigpitan pa niya ang kamay ko ng mapadaan kami sa tapat ng bachelor's party nila Garret. "Jasmine!" Tawag sa'kin ng isang lalaki. Inaninag ko kung sino ang tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Brian. Namumula ang mukha nito at medyo hyper na. "Garret is looking for you!" Sigaw niya pa ulit. Pero tuloy-tuloy lang ang paglakad namin ni Trystan. Nakita ko pa ang isang ngisi sa labi niya. Nang makalagpas kami doon at narating ang suite ay agad akong niyakap ni Trystan. Napakapit ako sa likod niya. Grabe, ang sarap sa pakiramdam ng yakap na 'yon. I feel like a precious gem that's being secured. "Goodnight..." Sabi nito ng maihatid ako sa tapat ng kwarto ko. Yumuko pa siya para halikan ang noo ko. Aalis na sana siya sa harap ko pero hinawakan ko ang kamay niya. "Are you sure you're going to sleep in the couch?" Pinisil niya lang ang ilong ko. "Ouch! Trys, I'm asking..." Napahawak ako sa ilong ko na kan'yang pinisil. "I'm okay. Don't worry about me okay? Get some sleep. Maaga pa tayo bukas." Nginitian niya pa ako bago tuluyang pumunta sa couch at humiga doon. Wala na akong nagawa, pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Pagkasara ko palang ng pinto ay nagtatatalon na ako sa tuwa at kilig. Totoo ba lahat ng nangyari? O nananaginip lang ako? Mahilig kasi akong mag day dream e! Kinurot ko ang pisngi ko. "Aw..." Daing ko. Totoo nga ang lahat at hindi lang 'yon basta panaginip. Sumandal ako sa pintuan at niyakap ko ang sarili ko habang dumausdos pababa doon. Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Bago pa man maabot ng pang-upo ko ang sahig ay bigla namang nalaglag ang mga hanger at ang damit na nakalagay doon dahilan para gumawa ng ingay. "Jas, are you okay?!" Narinig kong sigaw ni Trystan sa labas ng pintuan ko. Agad akong tumayo at inayos ang sarili. Hinawi ko muna ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko bago ko pinihit ang door knob at nakita ko si Trystan na topless at tanging boxer shorts lang ang suot. Shit! "Ah, uhm... okay lang naman ako. May nahulog lang sorry!" Nahihiyang sabi ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa katawan niya partikular sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang abs, hanggang sa... Napakagat labi nalang ako bago pa may kamunduhang pumasok sa isip ko. "Get some rest okay?" Kahit na hindi siya mag flex ay kitang kita ang mala pandesal niyang abs. Hindi naman mainit ang paligid pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malagkit. Napalunok ako. Why are you torturing me like this Trystan Lewis! "Uy..." Pag gising niya ng katinuan ko. "Ha? Uh... ano nga ulit yun?" Papikit-pikit pang tanong ko rito. Kasi naman eh, kahit na siguro bente kwatro ko siyang tignan ay hinding hindi ako magsasawa. Nalaglag ang panga ko ng makita ko ng tuluyan ang boxer shorts niya. Napalunok ulit ako ng maisip ko kung ano ang nasa loob nito. Shit! Ang manyak ko. Jusko! Patawarin niyo po ako sa kamunduhang naiisip ko! Mukhang kailangan kong magrosaryo ngayong gabi at magdasal ng paulit-ulit para lang mabawasan ang kasalanan ko sa itaas. "I said go get some rest lil lady." Nag pout ako dahil sa huling sinabi niya. I'm not that little anymore Trys. Fuck! I wan't to kiss that soft lips again. Ngumiti pa siya bago pumunta ulit sa couch at humiga. Naiwan ako nitong nakatulala habang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. "Goodnight Trystan..." Itinaas niya ang isang kamay niya. Pumasok na ulit ako sa loob at pumunta ng kama. Ilang minuto ang lumipas ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Bumaling ako sa kabilang side at nakita ko sa labas ng glass na wall ang ganda ng lighthouse sa hindi kalayuan. Paiba-iba pa ang kulay nito. Kailan kaya ako makakapunta don? Napangiti ako pero agad na nawala 'yon ng maisip kong ilang oras nalang ay babalik na ulit kami sa realidad. Babalik na ulit ako sa bahay. Napatigin ulit ako sa labas ng kwarto ko. Nakita ko ang isang jacuzzi sa labas na para bang kinakausap ako na puntahan ko siya. Kinuha ko ang cellphone ko. Mag-aalas dos na pala ng madaling araw. Pero parang gusto ng mga paa kong libutin pa ang kabuuan ng resort. Tumayo ako ng kama at marahang binuksan ang pintuan. Tahimik na ang buong paligid paglabas ko ng kwarto. Gising pa kaya si Trystan? Pumunta ako ng kitchen para kumuha ng isang basong tubig pagkatapos kong uminom doon ay bahagya akong lumapit sa couch kung saan nakahiga si Trystan. Nakita ko siyang nakakumot ng kulay gray at mahimbing na ang pagtulog. Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Akala ko itong resort na ang pinakamagandang nakita ko buong araw. Hindi pala, ngayon habang tinititigan ko si Trystan ay parang lumulukso sa tuwa ang puso ko. Lumapit ako sa sandalan ng couch at nagkalumbaba pa para lang matitigan siya ng malapitan. I will never get tired looking at this wonderful creature. Bumaba ang mukha ko para abutin ang walang malay na si Trystan. Isang goodnight kiss lang tapos matutulog na ako. Promise... Pagkatapos kong dampian ang labi niya ay mabilis na akong pumunta sa kwarto ko. Good night Trys! Bulong ng utak ko. "Sigurado ka ba Fredo?" Pagtatanong ni Trystan sa isang lalaking empleyado ng resort. "Oho Sir, eh ang sabi pa ay wala ng nakakadaan sa tulay dahil sa umapaw na dike." Bigla kasing sumama ang panahon. Madaling araw palang ng naramdaman ko ang pagbuhos ng ulan pero binale-wala ko 'yon dahil halos kakatulog ko lang rin. Hindi ko naman alam na mayroon na palang dumating na bagyo. Kahapon ay maayos naman at maganda ang panahon. "Eh doon sa kabilang ruta?" Tanong ulit ni Trystan sa kausap. "Ganoon din Sir. Baha at hindi iyon kakayanin ng sasakyan maliban sa truck." Tumango nalang si Trystan. Bakas sa mukha nito ang frustration. Alas sais na pero bagong gising lang din ito, dapat sana'y alas sais ang alis namin sa resort. Siguro nahirapan din siyang makatulog dahil sa hinigaan niya. Sumulyap ito sakin. "Trys it's okay. We can stay here hanggang sa medyo maayos na ang panahon at pwede na tayong bumalik." Alam ko kasing naga-alala siya para sakin dahil ang paalam ko ay ngayon ang balik ko. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon nila kuya kapag hindi ako nakauwi ngayong araw. "But you can't contact them. Hindi ka makakapag-paalam." Shocks, oo nga pala! Dahil sa lakas ng bagyo ay walang signal ang buong lugar. Mabuti na nga lang at may generator doon kaya hindi kami mawawalan ng kuryente. "I can explain everything when we get home. Don't worry about me okay?" Halatang hindi pa siya kumbinsido sa mga sinabi ko. "Trys, we don't have any choice but to stay." Tumango nalang ito. Pagkatapos naming mag breakfast ni Trystan ay pumunta kami sa isang part ng resort na mayroong mga billiard tables, bowling alley at kung ano-ano pang games na pwedeng paglibangan. Niyaya ako nitong mag billiards. Kahit na wala akong idea sa paglalaro non ay pumayag ako. Tinuruan niya ako kung paano humawak ng billiard stick. Gano'n narin kung paano ito laruin. "Not like that." Pagtatama niya sa ginagawa ko. Tumapat siya sa likuran ko at pumwesto doon. Napatuwid ako ng tayo dahil sa ginawa niya pero sinunod ko ang mga tinuro niya. Ibinend ko ulit ang katawan ko kagaya ng katawan niyang nasa likuran ko. Nagkalapat nanaman ang mga katawan namin. Napapangiti nalang ako. Masyado na talagang nababahiran ng masamang hangin ang aking katinuan tuwing napapalapit ako sa kanya. Para siyang magnet at ako nama'y isang uri ng metal. Makamundong metal. Pagkatapos naming maglaro ay nagyaya akong maglibot muna. Malakas parin ang ulan pero enjoy parin ako habang naglalakad kami at nadudumihan sa mga tilamsik na galing sa ulan. Actually, I really love the smell of the rain. Ewan ko ba, mas gusto ko ang ulan kesa sa maaraw na panahon. Tuwing umuulan kasi ay ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi lang ako hopeless romantic but I'm also a pluviophile. "Matagal na bang sainyo ang resort na ito Trys?" Tanong ko rito habang patuloy paring naglalakad. "I guess. Lupa lang ito ng bilhin ng Dad ko. Si Mommy mismo ang nag encourage sa Daddy na gawin itong resort." Sagot niya. "How come I never heard of this?" Amazed na tanong ko. Kung sabagay mas maganda rin sigurong hindi ito open sa public para hindi ma-exploit ang kagandahan nito. "Last year lang ito inopen sa mga gustong maging member." That explains. Tsaka wala pa akong masyadong nakikitang ads tungkol rito. Dumaan kami sa isang pathway sa dagat papunta sa isang kubo na nasa pinaka-gitna. Malakas parin ang ulan pero ang dagat ay hindi naman ganoon kaalon. Umupo ako sa isang malapad ng kutsong upuan at ganun din siya. "Nakaalis naba yung mga nag party kagabi?" Tanong ko. Nagkibit balikat lamang siya. Pero alam kong nainis siya sa itinanong ko dahil sa bahagyang pagsalubong ng mga kilay niya. "I don't know but I hope so..." Halos pahina ang mga huling sinabi niya pero dinig ko parin ang mga 'yon. "Garret huh," Panunuksong dag-dag pa niya. "Garret what huh?" I mocked him. "That's the guy I saw you with at downtown." Right. After ng graduation ceremony at dinner namin nila Jas ay ang party downtown. Bakit nga ba siya nandoon? Hindi naman siya estudyante ng campbell. I mean, hindi naman siya grumaduate that day. Tsaka noong gabing 'yon, Garret was my knight in shining armour. "Y-yeah.." Kibit balikat kong sagot. "Bakit ka nga pala nando'n?" Tanong ko sa kan'ya. Tumayo ito at kumuha ng dalawang wine glass at isang bote ng white wine sa isa sa mga cabinet doon. Bumalik ito sa coffee table at nag indian sit ulit sa harapan ko. "Sinundo ko ang pinsan ko." Nagsalin ito sa dalawang baso at iniabot sa akin ang isa. "Pinsan?" Curious kong tanong sa kanya. Nagcheers kami bago ulit siya sumagot. "Cassidy Travieso." Sumimsim ulit siya sa hawak niyang wine. Cassy! Kaya pala parang may resemblance sila ni Cassy. Pinsan niya pala ito. Ngayon nagiging malinaw na ang lahat kung bakit kami nagkakilala at kung bakit siya nasa party nito noong gabing... "Talaga? Kaya pala may pagkakahawig kayo." Napangiti siya sa sinabi ko. Napalingon ako sa isang gayo kung saan naroon ang lighthouse. "Have you been there?" Turo ko sa kanya rito. "Yeah." "Can we go there?" Kagabi ko pa kasi talaga gustong magpunta doon. "It's still raining." Tumingin ulit ako doon. Napansin kong parang hindi ito open sa mga taong nagpupunta rito. Mayroon itong sariling fences at security system. "Mukhang romantic sa lighthouse. Uh... siguro kapag may nag propose na lalaki doon sa girlfriend niya ay sigurado akong oo ang magiging sagot nito." Napapikit pa ako ng maimagine ko ang mga sinabi ko. That would be prefect! Nakarinig ako ng tawa dahilan para mapadilat ang mga mata ko. "For sure, that was somehow part of the history why I'm here." "What do you mean?" Naguguluhang tanong ko rito. "That was where my Dad asks my mom to marry him." Totoo ba? So sa Daddy niya pala nakuha ang pagka romantiko niya. Like father like son indeed. Dumaan ang mga oras at medyo humuhupa naman na ang ulan. Nagpasya na kaming bumalik sa penthouse pagkatapos naming mag lunch. Napansin kong naroroon parin pala ang ibang mga bisita ng bachelor's party kagabi. Siguro ay parehas namin ni Trystan na na-stranded dahil sa bagyo. Ito na yata ang pinaka-magandang lugar para ma-stranded. Kahit na gusto ko ng umuwi dahil baka naga-alala na ang parents ko lalo na si Kuya, ay parang ibinibulong naman ng dibdib ko na sana hindi tumila ang ulan. Na sana lumakas pa ang ihip ng hangin. Na sana mas matagal ko pang makasama si Trystan. Am I weird or just crazy in love?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD