Chapter 2: #BAHAY

1231 Words
Pinahid nito ang butil butil niyang pawis matapos niyang ilapag sa lababo ang mga pinamili niya. " Oh, ano yan? Ba't ang daming Chinese Cabbage?" Tanong ni Chelly ng makalapit sa kanya at hinalungkat ang dala niya. Bagong ligo ito dahil may nakapulupot pang towel sa ulo nito. " Mag ki kimchi ako today. Grabe ang init sa labas nakakadrain ng energy pati utak." Sabi niya habang isa isa niyong nilagay sa lagayan ang gulay para linisin. "hmm, mainit sa umaga pagdating ng hapon umuulan naman kaya nagkakasakit tayo eh." Ani chelly habang pinapapak ang lumpiang shanghai. Paborito nitong papakin talaga iyon, actually paborito nilang dalawa. "Chelly, pasabay bukas huh? Coded kasi bukas alam mo na bawal ang kotse ko bukas." Aniya habang abala sa pag huhugas at pag hiwa hiwalay ng Chinese cabbage. " Sure." Aniya . Pareho nilang day off ngayon. Hindi pa sana siya mag de day off kaya lang itong isa mapilit. Hindi niya talaga mahihindian 'to. Aniya wala naman daw siyang boss. Hai naku. Para na rin kasi nitong kapatid si Chellt, kaya ganito na lang kalakas ang bruha sa kanya. Sabay pa silang napalingon sa gawi ng sala ng marinig nilang may nag doorbell. "Ako na mag bubukas Rain ." Boluntaryo nito ng makitang tinigil niya ang ginagawa. Wala silang ini expect na bisita ngayon , sino kaya iyon. "Amerain! Amerain!" Tawag ng isang matinis na boses. Napalingon si Amerain ng nakita niyang patakbong bumalik si Chelly . " Rain, ang bruha mong tiyahin ." Bakas sa mukha ng kaibigan niya ang pag aalala. " Ano na naman ang sadya ng isang iyon?" Tanong nito habang nag papahid ng towel sa basa niyang kamay. Kibit balikat lang ang isinukli ni Chelly sa kanya. Kaya lumabas na siya ng kusina, nakabuntot lang sa kanya siChelly " What do you want tiyang?" Walang ka ngitingiting sabi nito ng humarap ito sa bisita. Bastos na kung bastos siyang tawagin. " Kararating ko lang ganyan na agad ibubungad mo sa akin," anito ng maka upo sa sofa. Naka de kwatro ito. Comportableng nakaupo akala mo naman bahay niya. She is Leah Velasco , her old maid tiyahin , na kapatid ng papa niyang si Lorenz Velasco. Ito ang tipo ng babae na mukhang pera, a great fraudster. Nagpakawala si Amerain ng malalim na buntong hininga. Nakatayo lang siya sa haral ng tiyahin. " Kailan ba kayo aalis dito , Amerain?" Seryusong tanong nito mayamaya. Tumayo ito at ipinasyal ang paningin sa mga naka display sa sala. Kadalasang display ng divider sa sala ay mga toy collection ng Daddy Lorenz. Mahilig kasi ang daddy niya sa laruan. " Why would I? Hindi ako mapapagod na ulit ulitin po sa inyu tiyang na hindi ako aalis sa bahay na ito. This is mine!" Mariinkniyangsabi rito Tinapunan siya nito ng matalim na titig. "This is already mine , Amerain. " " Naging sayo dahil ninakaw mo!" Malumanay lang ang boses nito pero bakas ang diin roon. " Shut up , rain you signed the papers!"Sumigaw na ito. " Dahil sinamantala mo ang kapighatian ko ang kahinaan ko, dahil sinamantala mo ang pagkakataon na halos mawala ako sa sarili ko tiyang, and now ipagdidiinan mo parin na sayo ang bahay na ito?! No! Hela no!" She already lost her tempered and she already lost her respect . Tumaas narin ang boses nito. Nanginginig na ang labi niya dahil sa galit na nararamdaman niya ng maalala ang pagsasamantala ng tiyahin noon, 5 years ago. Noong mga panahong , nagluluksa pa siya, no'ng mga panahong halos mabaliw siyq dahil sa nangyari sa magulang niya.Pinaperma niya sa kay Rain ang isang documents na hindi niya na inabalang basahin pa. Yun pala ang titulo na pala ng bahay na inilipat niya sa kanya. Nagsisisi siya dahil masyado siyang lunod sa sakit at ngayon pati ala ala ng magulang niya na tanging meron na lang siya ay nanganganib na mawala. " Kahit ano pang sabihin mo Rain , it can't change everything. " Ngumiti ito ng nakakaluko na mas lalong nagpakulo ng dugo ng pamangkin. Malapit ng maubos ang respeto sa sa kapatid ng daddy niya na mukhang pera. "Ito nalang ang ala ala na natira sa akin kukuhanin nyo pa!" Hindi na nito napigilan ang pagbagsak ng luha, dahil sa kasakiman ng pamilya sana niya. "Mawalang galang na po tiyang ni Rain, huh, alam nyo po , kung gaano ka itim ang balat nyo mas maitim pa pala ang budhi ninyo! Pinagmamalaki nyo pa ang pag nanakaw niyo !" Marahil ay hindi na mapigilan ni Chelly mag salita. Nagulat pa siya ng biglang dumapo ang palad nito sa mukha ng kaibigan niya na mas lalong kinabuhay ng galit sa puso niya. " Tiyang!" Sigaw nito. " Chelly…" buong pag aalalang baling niya sa kaibigan Nakahawak lang ito sa mukha na dinapuan ng palad ng tiya . Nakita niyang ngumisi si Chelly. " Alam niyo po tiyang ni Rain? Akala ko ugali nyo lang ang magaspang , pati rin pala kamay mo?" Pagtataray nito. Kahit na may luha pa ang mga mata ni Rain ay napa ngiti ito sa tinuran ni Chelly . Heto ang hindi niya mapipigilan kapag nag simula ng mag taray si Chelly nagiging war freak na ito. Baka masabunutan pa niya ang tiya ni Rain. "BASTOS KA!" Sasampalin pa sana ni Tiyang Leah si Chelly pero mabilis na sinalo ni Amerain ang kamay nito. " Sino ang bastos sa atin tiyang? Diba ikaw? Don't try hurting her again!" Matigas niyang sabi. Saka binitawan ang kamay nito ng magpumiglas . "KUNG ako sa inyo, mag balot balot na kayo dahil , nabenta ko na ang bahay na ito, sa akin parin ang huling halakhak!" Anito saka tinalikuran silang tulala dahil sa binitawang salita nito. "WHAT!" Halos pabulong nitong banggit. Paulit ulit na dumagundong sa pang-unawa niya ang tinuran ni tiyang. " Napaka walang hiya talaga ng tiyahin mo , Rain. Gustong gusto ko na talagang kalbuhin ang matandang iyon." Gigil na turan ni Chelly. Napahilamos na lang siya sa mukha. Naibenta na pala niya ang bahay . HINDI ! HINDI ITO MAAARI. " Kailangan kong makausap ang nakabili ng bahay , Chelly. " "PAANO? Kilala mo ba ?" Umiling ito. Hindi niya pala kilala ang ang nakabili nito. " Makikilala ko rin siya Chell. At babawiin ko ang akin!" " Tama, babawiin natin to!" Sang ayun ni Chelly. Ilang beses na silang humarap sa korte pero nabasura lang ang petesyon dahil na rin sa connection ng tiya. Mahihirapan siyang bawiin ito. Pero hindi siya susuko. Kakausapin niya ang may ari , magmamakaawa siya kung kailangan. Hindi ka magtatagumpay tiyang. Never! Sigaw ng isip niya. Umupo ito sa sofa na inuupuan ng tiya niya. Nagulat siya ng hawakan ni Chelly ang braso niya at pinatayo ito. " 'Wag kang uupo sa inuupuan ng bruhilda mong tiyahin, baka mahawa ka, maputi ka pa naman saka maputi rin ang budhi mo." Seryusp nitong sabi. Imbis na umiyak ay natawa na lang si Rain sa sinabi nito . "Ikaw talaga Chell, tuwing nag momoment ako pinapatawa mo ako." Natatawa nitong sabi. "Seryuso naman ako eh, pero kung natawa ka well that's good dahil ayaw ko namang makitang malungkot ang nag iisa kong pamilya." Anito. Na touch naman siya sa sinabi ng kaibigan, kaya she hugged her. Gumante naman ito ng yakap saka hinimas himas ang likod ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD