“Grand Cross!” Mabilis kong inilagan ang pag-atakeng ‘yon mula kay Dimitri at nagpakawala ng isang counter attack. “Soil Erosion!” “Shield!” Ngayon lang ako nagsisimulang humanga kay Dimitri at sa kakaiba niyang lakas. Maayos niyang nagagamit ang kaniyang mga combination skills at nagagamit niya ang mga defensive skills sa tyempo. “Magaling ka talaga, Dimitri. Kapag nanalo ako sa laban natin, huwag mong babawiin ang bituing ibibigay mo sa akin ha?” Pagbibiro ko sa pa sa kaniya. “Oo naman, Kuya Grant. Basta ba ililibre mo ako ng ice cream kapag natalo kita ulit.” “Walang problema. Kahit na anong pang gusto mong bilhin.” Ngumiti ako sa kaniya bago huminto sa pagtakbo. Huminto rin siya sa pagtakbo at saglit pa kaming nagtitigan. “Kuya Grant, maghanda ka na dahil a

