"Kuya Grant, bakit hindi kayo magpakasal ni Jane? Willing naman akong ipaubaya siya sa 'yo." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Para bang may relasyon sila kung makapagsalita siya. "O, anong nakakatawa?" "Wala. Bakit hindi na lang kayo ang magpakasal? Lalo na ngayon, galit na naman siya sa akin." "Inaway mo na naman?" Namimilog ang kaniyang mga mata habang naghihintay ng sagot mula sa akin. "Parang ganoon na nga." Ginulo ko ang buhok niya bago sumalampak ng higa sa kama at ipinikit ang aking mga mata. "Hayaan mo, Kuya Grant, gagawa ako ng paraan para magkabalikan kayo." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kasi naman para naman kaming magkasintahan na naghiwalay kung makapagsalita talaga siya. "Aasahan ko 'yan ha?" Sinakyan ko na lang siya bago ako tuluyang lamunin ng antok.

